Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang mga katagang binitiwan ni Timothy kagabi bago siya umalis.
I didn't want to overthink, but I couldn't just let it slide.
Nagkasya na lang ako sa interpretasyon na iniiwasan lang niya na magkaroon ng isyu sa pagitan ko at ni Gab.
Maybe he just doesn't want further attention drawn to me. Siguro natatakot lang siya na makarating sa mga kapamilya niya na nauugnay ako sa ibang lalaki, kahit pa magkaibigan lang kami ng lalaking iyon.
Hindi man alam ng iba ang tunay na estado namin ni Timothy, sa mata ng batas at ng mga pamilya namin ay mag-asawa kami. Nag-iingat lang siya.
"Val, may susuotin ka na ba para ngayong Saturday?" tanong ng katabi kong si Lou.
Natigil ang paglipad ng isip ko sa kung anu-anong bagay. Bumalik ang atensiyon ko sa kasalukuyan.
Hinihintay naming magsimula ang klase. Hindi pa kasi dumarating ang prof.
"Wala pa, eh. Ano nga ulit 'yong theme?" balik tanong ko sa kanya.
Sa Sabado ay gaganapin ang Nursing Acquaintance Party, kung saan lahat ng year levels ng College of Nursing ay magsasama-sama para sa isang pagdiriwang. Iyon ang magiging daan para ma-welcome ang mga freshmen.
Noong nakaraang linggo pa in-announce ang tungkol roon para makapaghanda kami. Kaso nawaglit iyon sa isip ko dahil maraming nangyari last week.
"Oscars Night. So kailangan bongga ang gown at ang hair and make up pak na pak," sagot naman niya.
Hindi ko alam kung saan ako manghihiram ng gown. Wala naman akong kakilalang may gown.
Renting a gown is also not an option. Wala akong panggastos para roon. Kanina ay nasimot na ang pera ko sa pagbayad ng contribution para sa party.
Hindi na nga sana ako sasali. Kaso, pababayarin pa rin kami kahit hindi kami magpunta. Kaya wala akong choice kundi ang dumalo dahil ayokong masayang ang binayad ko.
"Ikaw, meron ka na bang susuotin?" tanong ko.
"Wala rin. Baka 'di nga ako mag-attend sa party."
"Bakit naman?"
"Hindi talaga kasi ako mahilig sa mga party-party. Bukod do'n, ang mahal ng renta sa gown. Nag-ikot ako sa mga boutiques at mga malls sa downtown. Pinakamababa na yata ang one thousand seven hundred na nakita ko.One thousand five hundred kung tatawaran mo. E, three hundred lang ang budget ko. Ayoko nang humingi ng pandagdag kina nanay."
"Pero sayang 'yong binayad mo para sa party."
"Mare-refund din naman sa 'kin 'yon."
Naalala kong scholar nga pala si Lou. Ang tuition niya, board at lodging, at pati miscellaneous fees na may kinalaman sa nursing school---that includes the nursing party contribution---ay dala na sa scholarship niya. Sadly, the dress and other expenditures in preparation for the party are not included in the refund. Ang alam ko rin ay hindi kasali sa scholarship nila ang allowance. They shoulder that themselves.
"Hmm. Kailangan ba talaga mag-gown? Baka puwedeng mag-dress na lang," sabi ko.
"'Yong mga cocktail dress na nakita ko hindi bababa sa eight hundred ang presyo. Sa ukay-ukay na 'yon, ha. May mga mas mura kaso mas mukhang basahan kesa sa damit. Hindi worth it bilhin lalo na't minsan lang magagamit."
Tama naman siya. Nakakapanghinayang nga namang gumastos ng malaki para sa isang party na tatagal lang ng ilang oras. But at the same time, I also remembered how fun it was to get ready for my debut party. Nakatatlong gown pa ang pinagpalit-palit kong suotin noon. Isang crew ng make up artists at hairdressers ang nagpaganda sa 'kin noon.