Kinabukasan, maagang natapos ang klase ko dahil nagpagawa lang ng seatwork ang prof namin imbes na mag-lecture. Ang iba ay nanatili sa classroom. The others went somewhere else, probably in the nearby cafes.
Samantalang ako, kasabay kong pumunta ng library si Lyca, iyong kaklase ko na pamangkin ng may-ari ng boarding house na tinutuluyan ko. Matapos naming sagutan ang seatwork ay dumaan pa kami sa office ng English Department para ipasa ang mga papel namin.
Afterwards, we decided to go downtown. Napagkasunduan naming magtingin-tingin sa mga malls bilang pampalipas oras.
Wala naman akong balak gumastos. Nagtitipid nga ako, e. Ang perang inabot sa akin ni Gab ay malaking tulong pero hindi iyon bubuhay sa akin ng matagal.
Thankfully, when I was at the library, I checked on my e-mail and found out that Maidservants confirmed that I got the job. Babalik ako sa kanila sa Sabado para sa isang orientation.
Gusto ko munang magliwaliw kahit sandali, pansamantalang malimutan ang stressful kong buhay. Hindi ko pa talaga nasusubukang mag-ikot sa lugar mula ng dumating ako.
Saka maaga pa naman. It's just four in the afternoon.
Nag-ikot-ikot kami sa mall. Hindi na namin namalayan kung ilang oras na kaming papasok-pasok sa mga tindahan at patingin-tingin sa mga damit. Nang bumaba kami sa first floor ay nakita naming medyo madilim na sa labas. It was already almost five thirty PM.
Dumaan muna kami sa grocery dahil gustong bumili ng pagkain ni Lyca bago kami umuwi. Hinintay ko na lang siya sa labas ng grocery dahil wala rin naman akong bibilhin.
Napalinga ako sa paligid at isa sa mga kiosk na nakahilera roon ang nakatawag ng aking pansin. They were selling cupcakes. Puwede pang ipalagay sa isang magandang kahon ang mga cupcakes para ipamigay bilang regalo.
An idea suddenly sprang in my mind.
Bumili ako ng apat na cupcakes at pinalagay iyon sa isang cute na kahon. Plano kong ibigay iyon kay Gab bukas.Gusto kong iparating ang pasasalamat ko sa kanya sa ganoong paraan. I'm just so grateful to him for everything.
Siguro ay pakikiusapan ko na lang si Lyca na ilagay iyon sa ref nila sa boarding house. Ang alam ko ay may ref sa kuwarto ang tita niya.
"Valerie?"
Napalingon ako sa tumawag. Kumaway sa akin si Doc Chip. I waved back. Saka siya lumapit.
"Doc," bati ko sa kanya.
"Si Timmy?"
"Hindi po kami magkasama. May klase pa po yata s'ya. Kumusta na po si Spectra?"
"Ah, hindi ba nakuwento sa'yo ni Timmy? Sa Friday ay puwede nang ilabas si Spectra."
"Mabuti naman po. Magandang balita 'yan."
"Which reminds me... Ngayong Biyernes ay imbitado kayo ni Timmy sa birthday party ko. I hope to see the two of you there."
"Ah, e, s-sige po."
"Pauwi ka na ba?"
"Opo, hinihintay ko lang po 'yong kasama ko. Nasa grocery pa kasi s'ya."
"Gano'n ba? Pauwi na rin ako. I could give you two a ride."
"Naku, 'wag na po kayong mag-abala. Salamat na lang po."
"Really, walang kaso sa 'kin. Madadaanan ko naman ang condo n'yo ni Timmy. Sa'n ba bababa ang kasama mo?"
Bago ako makasagot ay dumating na si Lyca. Kaya ang plano kong magsinungaling na sa kabilang direksyon pa ang uuwian ni Lyca ay naunsyami. Nag-isip uli ako kung paano ako makakalusot. Nanganganib na ma-expose ang mga lihim ko. Nanganganib na malaman ni Lyca na asawa ko si Timothy at nanganganib na malaman ni Doc Chip na hindi kami nagsasama ni Timothy sa iisang bubong.