Six

931 35 5
                                    

Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Sinigurado namin ni Timothy na hindi mababasa ang mga grandparents niya. I was drenched when I got inside the car. Ganoon rin si Timothy.

I sat in the back with Lola Aphrodite. Habang si Lolo Sergio ay sa front seat pumuwesto.

"Heto, darling. Punasan mo ang basa mong buhok at damit." Ibinigay sa akin ni Lola Aphrodite ang shawl niya. Ibinigay naman niya kay Timothy ang panyo niya para matuyo rin nito ang sarili.

"Heto na ang epekto ng global warming. Erratic na ang weather changes. Uulan isang sandali, iinit naman sa susunod. Hindi na ako magtataka kung biglang magso-snow na rin rito sa Pilipinas," bulalas ni Lolo Sergio.

A few moments later, Timothy started the car. Mas lumalakas na kasi ang buhos ng ulan. Sinamahan pa iyon ng malakas na hangin.

"May bagyo ba?" si Lolo Sergio.

"Wala namang nabalita," sagot ni Timothy. Pinaandar niya ang radyo ng sasakyan.

"Well, sana huhupa din 'to at wala talagang bagyo. Our flight leaves tomorrow," sabi ni Lola Aphrodite.

Papunta ang mga grandparents ni Timothy sa isang isla para magliwaliw. They were supposed to stay over at their friend's house tonight. Ngunit nagbago ang isip nila at napagdesisyunan nilang tumuloy sa condo ni Timothy.

Hay. Ano ba 'tong nasuungan ko?










Parang hindi pa rin ako makapaniwala na nakalampas ako sa pinto ng condo ni Timothy. Ewan ko ba kung bakit pakiramdam ko kapag pumasok ako rito ay may tutunog na alarm anumang oras. I guess when he slammed the door to my face last time, I thought I was never going to be welcome here.

Maalwan tingnan ang condo unit niya. Hindi nakaka-claustrophobic gaya ng inaakala ko. Malinis at maayos ang mga muwebles. Magaan sa mata ang color palette ng lugar. May dalawang kuwarto sa loob, ang master's bedroom at ang guest room. May CR rin sa bawat kuwarto at may isa naman sa labas na para sa mga bisita. The kitchen was also state of the art. Parang mas bagay yata ang isang chef na magluto roon o puwede iyong set ng isang cooking show.

Inuna munang ihatid ni Timothy ang mga grandparents niya sa magiging kuwarto ng mga ito. Bumalik siya ilang minuto pagkatapos. Iginiya naman niya ako sa kuwarto niya, er, namin.

Wala akong nakitang mga larawan sa sala pero sa loob ng kuwarto, may ilang mga pictures na naka-display sa frames. They were pictures of his family and friends.

Naalala ko tuloy ang natuklasan ko kaninang hapon. I wonder if I'll see Athalia in one of the pictures in his room.

"You can take a shower in the bathroom. Heto ang towel," sabi niya sa akin matapos niyang lumabas mula sa walk-in closet.

Tumango lang ako at pumasok ng banyo.

Hinubad ko na ang damit ko. It was soaked from rainwater. Even my underwear got damp.

Naligo na ako. The warm shower felt relaxing. I was in a better mood when I was done.

Kinuha ko ang bathrobe na nakasabit sa isa sa mga hook at isinuot iyon. I gathered my things and got out of the bathroom.

"Tapos na 'ko," pagbibigay-alam ko kay Timothy. Nasa study table niya siya at nagbabasa ng libro. He already took off his clothes. Tanging towel na nakatapis sa beywang niya ang nakatakip sa kanyang katawan.

I tried not to stare too much at him.

He silently got up and took his turn in the shower.

Dahil wala si Timothy sa paligid malaya kong natingnan ang mga larawan. Most of the photos seemed like they were taken recently, especially the ones where he was with his friends.

Holding Water (Crisostomo #2) | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon