Abala sa pagpaplano ang mga kaklase ko sa para sa paghahanda nila sa acquaintance party ngayong Sabado.
They were talking about where they would get their makeup done, what time they'd meet up at the salon, and whose car they'll ride going to the venue. Narinig ko pa nga ang iba na balak kumuha ng hotel room para doon na maghanda at doon na rin magpahinga pagkatapos ng after party celebration.Inimbitahan ako ng iba na sumama sa kanila pero sinabi kong napagplanuhan ko na na sa boarding house gagawin ang paghahanda ko.
Wala pa talaga sa party sa Sabado ang isip ko dahil may ibang party pa akong pupuntahan mamaya: ang birthday party ni Doc Chip.
Kaninang umaga ay nakatanggap ako ng text mula kay Timothy. Sabi niya ay susunduin niya ako mamaya para sabay kaming tutungo sa venue ng party dahil hindi ko naman kabisado kung paano makakapunta doon.
Kinakabahan ako sa paghaharap namin uli ni Timothy. To be honest, I'm a little nervous because he was so adamant on proving that his feelings are real for me. Matatag pa rin naman ang paniniwala ko na hindi niya talaga ako gusto, na naguguluhan lang siya. Kaso hindi ko pa rin maiwasan makadama ng pag-aalinlangan. Kasi paano kung magtagumpay siya? Paano kung sa kung anong dahilan ay hindi ko mapatunayan na tama ako?
I'm not ready for us to be more than just two people who were thrusted upon each other due to circumstances. Naplano ko na ang balak ko para sa future, e. I planned to graduate, get registered as a nurse, and find a stable job. Siguro lalabas ako ng bansa para mas mabilis akong makapag-ipon para sa panggastos ko sa annulment namin.
Timothy isn't part of the future that I planned ahead of me. For me, he's just passing by. He's not here to stay.
Kung magpapakasal uli ako sa future, sa taong mahal ko na. Hindi pumasok sa isip ko na subukang mahalin si Timothy, ang kasalukuyan kong asawa.
I guess I just thought that we couldn't love each other or that our relationship will only remain platonic. Imposibleng mahulog kami sa isa't isa.
Granted that there were moments in the past when my heart beat like crazy for him or that I felt just a tiny pinch in my chest when he pushed me away or when he was with Athalia, hindi ko iyon tatawaging pagkahulog ng damdamin ko sa kanya.
Kasi paano ko magugustuhan si Timothy kung may iba na akong gusto? Hindi naman ako naniniwalang puwedeng magkagusto sa dalawang tao sa parehong pagkakataon. Hindi naman siguro salawahan ang puso ko.
Basta, sigurado ako sa nararamdaman ko kay Gab. It's the real deal.
With Timothy...well, I don't know about him. Pagdating sa kanya, I'm never sure. He always leaves me with more questions than answers, with more uncertainties than assurances, with more strangeness than familiarity. Pagdating sa kanya, parang bago ang lahat, parang hindi ko pa nae-experience kaya hindi ko alam kung ano ang itatawag, hindi ko mabigyan ng label.
I put on a coral colored, sleeveless dress with an illusion neckline, the sheer fabric featuring embroidered lace details. Pinili kong magsuot ng flats para maging komportable buong party. I decided to put my hair into a french braid. Para hindi ko laging aayusin ang buhok ko sakaling magulo dahil sa hangin o sa paggalaw.
Bandang alas sais y trienta nang huminto sa harap ng boarding house ang sasakyan ni Timothy.
Agad na akong sumakay. His eyes roamed on my overall look.
"You look nice," puri niya.
"Salamat," nahihiyang sagot ko.
"Here." Binigay niya sa akin ang isang maliit na itim na kaheta. Binuksan ko iyon.
"Naisip ko lang na dapat kong ibalik sa'yo 'yan. After all, that's your wedding ring."
Pagkatapos kasi ng kasal namin ay kinuha ni Timothy ang mga singsing namin at itinago. Ang sabi niya hindi namin kailangan magsuot niyon.Hindi na rin ako umangal noon. Naisip ko kasi na mas mabuti na rin iyon dahil baka maiwala ko pa iyon kung susuotin ko.
Napatingin ako sa mga daliri niya. He was wearing his ring. Kaya sinuot ko na rin ang akin.
"At least ngayon, hindi ko na kailangang mag-alalang may poporma sa'yo sa party," nakangiting sabi niya.
Napangiti na rin ako.
Later, he started the car and drove towards the road.
"Happy birthday po," bati ko kay Doc Chip nang salubungin niya kami ni Timothy pagpasok namin sa venue ng party.
"Happy birthday, tito," si Timothy.
Tinanggap ni Doc Chip ang regalo namin at niyakap kami isa-isa.
"Come. I want to introduce you two to some peolple," sabi niya sabay giya sa amin ni Timothy sa umpukan ng mga tao.
It was a small party. Mga malalapit na kaibigan lang ni Doc Chip ang present. Hindi lalampas sa biente ang dumalo, kasali na kami ni Timothy. Kaya naman nagkaroon kami ng pagkakataon na makausap at makilala ang lahat ng naroon. Isa sa kanila ay kasalukuyan naming kausap ni Timothy.
"So, mag-asawa kayo? Wow, ang babata n'yo pa," sabi ng babaeng hindi ko na natandaan ang pangalan. Ang alam ko ay doktor siya. Obstetrician-Gynecologist yata.
Ilang beses na naming narinig ang mga reaksyong iyon ni Timothy sa party na iyon habang umiikot kami at nagpapakilala sa iba.
"Nag-aaral pa kayong dalawa?" tanong ng babae. Nawala sandali si Timothy dahil tinawag siya ni Doc Chip.
"Opo. Pumapasok po kami sa parehong school."
"That's good to hear. Gaano na kayo katagal na kasal?"
"Bago pa lang po kami. Wala pang isang taon."
"Oooh, newlyweds. That means, nasa honeymoon stage pa kayo." Uminom siya mula sa baso ng alak na hawak niya. "What birth control are you on?"
Muntik ko nang maibuga ang iniinom ko.
"P-Po?"
"I mean, for sure you guys plan to have a family in the future. Pero mga bata pa kayo ngayon at balak n'yo pang makapagtapos, 'di ba? I take it you guys are doing something to prevent any unplanned pregnancy."
Nakatingin lang ako sa kanya, gulat na gulat. Noon naman bumalik si Timothy. He excused us from the woman.
"O, ba't parang nakakita ka ng multo?" pansin niya noong nakalayo na kami. "Okay ka lang?"
"Yeah." I gulped. Nagpatuloy na lang ako sa paglagay ng pagkain sa plato ko.
Maya-maya ay nag-announce na magsisimula na ang mga games."May mga palaro?" Napalingon ako kay Timothy.
"Tito Chip likes party games. Sa pamilya namin, tuwing may mga celebrations, s'ya ang in charge sa games."
"Okay, first game natin. Mga couples lang ang puwedeng sumali," sabi ni Doc Chip.
Nagsitayuan na ang ibang mga magkasintahan sa party na iyon at pumunta sa unahan.
"Nasa'n sina Timothy? Timothy! Valerie! Guys, come and join the game. Kulang pa ng isang pair," tawag ni Doc Chip.
The others around our table were urging us to stand up. Napilitan kaming lumahok.
"Ang premyo ay isang unan na hugis bibig at five thousand pesos," sabi pa ni Doc Chip.
Nang marinig ko iyon ay nawala ang alinlangan ko na sumali sa game. Parang gusto ko na tuloy manalo. Malaki ring bagay 'yong five thousand, two thousand five hundred na lang dahil paghahatian namin ni Timothy ang premyo kung mananalo kami. But still, it was a good sum of money for me.
"Ang game na ito ay tinatawag na Longest Kiss. Sinumang couple na pinakamatagal matapos ang halik ang siyang mananalo!"
Nalaglag ang panga ko sa rebelasyon na iyon.