Eight

827 28 3
                                    

Pagbalik ko sa condo building, naghintay pa ako sa lounge habang tinatawagan ng receptionist sa telepono si Timothy.

Bago na kasi 'yong nagbabantay kaya hindi niya ako nakitang kasama si Timothy kagabi.

"Naku walang sumasagot, miss," sabi ng receptionist.

"Nasa room n'ya po kaya s'ya?"

"Hindi po ako sigurado. Hindi po namin nata-track kung sino ang umalis ng building at sinong nakabalik na, liban na lang kung iwan po nila ang mga susi nila. And usually, kung within the city naman po lalakad ang mga tenants, dinadala nila ang mga susi nila."

"Gano'n ba?" dismayadong sagot ko.

"Nasubukan n'yo na po ba s'yang tawagan?"

Umiling ako.

"Kaya nga gusto ko s'yang puntahan. Naiwan ang cellphone ko sa unit n'ya," paliwanag ko.

"May sasakyan po ba s'ya? Kasi puwede n'yo pong itanong do'n sa guard sa parking lot kung nando'n pa ang sasakyan ng hinahanap n'yo."

"Thank you sa suggestion pero hindi ko kasi matandaan ang plate number. Alam ko lang hitsura. There could be other cars similar to his."

"Kaano-ano n'yo po ba ang tenant?" tanong niya maya-maya.

Sasabihin ko na sanang asawa ako ni Timothy, sakaling papasukin niya rin ako gaya noong kauna-unahang pagkakataon na pumunta ako roon. Pero ayoko namang magalit si Timothy kapag nalaman niyang pinagsasabi ko na naman sa ibang tao ang tungkol sa relasyon naming dalawa.

"I'm his cousin," pagsisinungaling ko.

"May ID po kayo?"

Tumango ako. Kinuha ko mula sa maliit kong bagpack ang school ID ko at ibinigay iyon sa kanya. Tiningnan niya iyon.

"Gusto ko lang talaga makuha ang phone ko. Hindi rin naman ako magtatagal. Ayoko namang maabutan ng landfall ng bagyo rito," sabi ko pa.

"Sige po, papayagan ko kayong umakyat. Pero ngayon lang po 'to. Sa susunod po, makipag-coordinate po kayo sa tenant para po mapaalam n'ya sa 'min na may bisita s'yang darating."

"Maraming salamat talaga." I breathed a sigh of relief.














Kumatok ako sa pinto ng condo unit ni Timothy. Hinintay kong pagbuksan niya ako. A minute passed by but nobody came to the door.

Kumatok uli ako. Idinapat ko sa pinto ang tenga ko, sinusubukan na makahuli ng kung ano mang kaluskos sa loob na angpapahiwatig na may tao roon.

Could he have gone out?

Parang hindi naman siguro. Bumili na nga siya kanina ng mga pagkain para may stock siya bilang paghahanda sa darating na bagyo.

"Timothy?" tawag ko. I listened for an answer but nothing came.

Iniliso ko ang doorknob. Nagulat ako na hindi naman pala naka-lock ang pinto. I carefully stepped inside.

"Timothy?" tawag ko uli. I started to worry.

Walang tao sa sala, ganoon rin sa kusina.

"Oh, there you are," bulalas ko nang makita ang cellphone ko na nasa countertop. Binuksan ko iyon.

Our nursing class president sent out a group message that our nursing classes will resume next week. May natanggap rin akong texts galing kay Gab.

There's a storm coming. Stay safe. Iyon ang latest message niya na ipinadala niya mga alas sais ng umaga kanina.

Holding Water (Crisostomo #2) | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon