Three

1K 33 5
                                    

Hindi ko mapigilang maglaway habang tinitingnan ko ang mga kaklase kong kumukutkot ng mga chichirya. Break namin noon pero nasa classroom lang ako. Kahit inaya na ako ng iba kong mga kaklase na bumili ng makakain ay tumanggi ako. Hindi dahil hindi ako gutom kundi dahil nagtitipid ako.

Kapos ako sa budget, e. Kanina nga ay isang biscuit lang ng Sky Flakes ang kinain ko para sa agahan.

Tiis pa ng konti, Val. Malapit na rin naman magtanghalian.

Tumayo ako at lumabas ng silid. Nakita ko sa hindi kalayuan na dinudumog ng mga estudyante ang tindahan na malapit sa nursing building. Kahapon nga ay napadaan ako roon. Mukhang masasarap ang mga benta nila. Kaya ko rin iniiwasan na pumunta roon ay dahil baka matukso lang ako na bumili.

Dumiretso ako sa fountain at uminom ako mula roon. Sa ngayon, tubig lang ang inaasahan kong pumuno ng kumakalam kong sikmura.

It's my second day of being a pauper. And I wish I could quit poverty. Nakaka-trauma pala na wala kang pera o kulang ka sa pera. Ang mga basic na bagay na tulad ng pagkain kailangan mo pang problemahin.

Mamaya pag-uwi ko ng boarding house, pipili ako ng mga damit at mga gamit ko na puwede kong mabenta. Sana may bumili agad ng mga iyon para may kita ako bago pa maubos ang pondo ko.

Dahil kung ano-ano ang iniisip ko ay hindi ko namalayan na may tao palang nakapila sa likod ko. Kaya nang matapos akong uminom at humakbang paatras ay natapakan ko ang paa niya.

"Oh my god, sorry!" bulalas ko.

"Oh, shoot."

Nang lumingon ako ay isang nakaputing uniporme na lalaki ang bumungad sa akin. I knew he was from med school because he had his ID clipped to his breast pocket. The rest of the university, including me, wore IDs with a sling.

Bumagsak ang tiyan ko sa lupa nang makita kong namantsahan ng hawak niyang banana cue ang kanyang damit.

"Patay." Napangiwi ako. "Hala, pa'no 'yan..." Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Sa lahat ba naman kasi ng puwede kong mamantsahan, 'yon pang nakaputi talaga.

"Uh..." Nakayuko siya, nakatuon ang atensiyon sa damit. Mukhang pati siya ay hindi rin malaman ang susunod na aksyon. Itinapon niya ang banana cue sa malapit na basurahan at winisik ng tubig ang namantsahang parte ng kanyang uniporme. Sinubukan niyang burahin ang dumi.

"Sorry talaga. 'Di ko kasi alam na nasa likod kita," hingi ko uli ng paumanhin. Kung bao lang siguro ako ay nagtago na ako sa shell ko mg mga oras na iyon.

"'Di, okay lang talaga." Noon niya ako tiningnan. Natigilan siya sandali. "Uhm, 'di rin naman kasi ako nag-iingat."

"I'm so sorry." Wala na akong ibang maisip sabihin.

"Maliit lang naman ang mantsa, e. No worries," sagot niya.

Kaso hindi pa rin ako mapakali. Nag-isip ako ng paraan para matakpan ang mantsa.

"May white out ako. Baka gusto mong gamitin." At that point, I was out of good ideas. Basta may masabi lang.

"White out?" He looked bemused. Pero sa huli, sinakyan niya ang suggestion ko. "Sure. Ba't 'di natin subukan. Baka gumana."

Mabilis pa sa alas kuwatro na tumakbo ako sa classroom at kinuha ang white out ko. Paglabas ko ay nakatayo pa rin siya malapit sa fountain.

I got the chance to survey him. Matangkad siya, maganda ang pangangatawan, at malakas ang dating. Hair black as midnight and eyes brown like sweet caramel candies.

Holding Water (Crisostomo #2) | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon