Eighteen

790 30 15
                                    

Ilang minuto lang kaming naghintay ni Timothy bago natapos sa pag-print ang pictures.

Pareho kaming tahimik ng mga oras na iyon. I don't know about him, but there were too many things running in my mind. Speechless pa rin ako sa pag-amin niya.

Hindi ko inasahan na magkakagusto siya sa akin, gaya ng kine-claim niya.
Para sa akin, masyadong mabilis ang lahat. Kamakailan lang ay ayaw niya sa akin. Tapos ngayon, may selos pa siyang nalalaman?

Lumabas kami ng photo studio at naglakad patungo sa sasakyan niya.

"Alas siete na. Sa'n ka ba pupunta? Ihahatid na lang kita. Ako na lang ang bibili ng picture frame," sabi niya.

Nakatingin na ako sa kanya.

"Hindi ba natin pag-uusapan ang nangyari kanina?" ani ko. Hindi ako makapaniwalang napakakalma niya lang. Kasi ako, kaunting tulak na lang ay magiging bagyo na.

"What? 'Yong pag-amin kong gusto kita?"

"Well...yeah."

"What about it? Alin do'n ang 'di malinaw sa'yo?"

Pinandilatan ko siya.

"People just don't confess they like someone and casually go about their lives like nothing happened," medyo mataas na ang boses ko. Nase-stress ako sa nangyayari. It's like there's some civil unrest going on in my heart. Even my mind is threatening to wage war.

"You seem upset that I told you I like you. Ikaw lang yata ang kilala kong ganyan ang reaksyon."

"Hindi sa gano'n. Hindi ako galit."

"Are you disappointed that I like you?"

Hindi ako nakasagot.

"Are you annoyed that I like you?"

I remained mum.

Ayokong magbitiw ng sagot na hindi ako sigurado o hindi ko mapapanindigan. Magulo ang isip ko.
What do I know about what I truly feel?

"Look, I like you. Period. I'm just simply stating a fact; it's just a declarative sentence. A confession without strings attached. Pinapahayag ko lang ang nararamdaman ko. Hindi ko naman tinatanong kung gusto mo rin ako at hindi rin naman kita inuutusan na gustuhin ako."

Nakatulong iyon na kumalma ako ng kaunti. Bahagyang luminaw ang pag-iisip ko.

"Na-shock ako, Timothy. Naiintindihan mo naman siguro kung bakit. Ang daming tanong sa isip ko ngayon. Kung paano 'to nangyari, kung bakit biglang nagbago ang tingin mo sa 'kin."

"Hindi lang naman ikaw ang nagulat. Hindi ko rin naman in-expect 'to. I don't know how this happened. Napansin ko na lang na iba na ang tingin ko sa'yo. At first, I thought the reason that I was trying to be nice to you was because I felt guilty for treating you badly the first time you arrived. Pero nalaman kong iba na ang nararamdaman ko nang hindi ko na maipaliwanag kung bakit naiinis ako kapag kasama mo si Gab. The most plausible logical reason that I could think of why I was feeling that way was because I like you."

This can't be. Kung totoo ngang gusto na niya ako, mababago nito ang lahat.
We were able to calmly enter into marriage because our feelings weren't involved. Para sa amin, isang teknikal na proseso lang iyon, isang agreement. Kapag nagsimulang mahaluan ang agreement na iyon ng feelings, magiging magulo ang lahat.

Para sa akin, may due date ang agreement na iyon. Hindi ko nakikita ang sarili kong kasal sa kanya hanggang tumanda kami. For me, it will end when daddy gets out of jail or when I'm finally stable in life.

Noon, sigurado akong pareho kami ng iniisip. Ngayon, natatakot akong baka magbago iyon. Baka kasi mas lumalim pa ang nararamdaman niya para sa akin. I don't want a messy separation.

"It's not that I'm trying to invalidate your feelings," sabi ko sa kanya, "pero sigurado ka ba sa nararamdaman mo? What if you're just confused? Pa'no kung mali ang akala mo?"

"Naiintindihan ko ang pagdududa mo. Ako man noong una ay nagduda din sa sarili kong nararamdaman. But now, even as I say the words to you, I know that my feelings are true. I've never been more sure in my life than I am now."

"Pero akala ko kasi...na si Athalia ang gusto mo. I thought that the two of you..."

"Are in a relationship?" Siya na ang nagtapos ng hindi ko masabi. "What made you say that?"

"Kasi lagi kayong magkasama. No'ng naabutan ko kayo sa karenderya, no'ng nagkita tayo last Sunday sa church, saka no'ng kahapon nang pumunta ako sa med school."

"Magkaibigan kami. Natural na makikita mo kaming magkasama."

"Hindi lang 'yon. Alam ko na dati kayong magkakaibigang tatlo ni Gab. Alam ko rin na ex ni Gab si Athalia. Tapos ngayon, hindi n'yo na ganoon kalapit si Gab."

"Hindi na maibabalik sa dati ang nasirang relasyon nina Athalia at Gab. Kasamang nasira ang friendship nila nang maghiwalay sila. So that now, they can only be awkward strangers to each other. Sobrang nasaktan si Athalia nang matapos ang relasyon nila ni Gab. I remained by her side, so she would have someone to lean on to during that tough time. In the process, pati rin ako ay nalayo ang loob kay Gab," paglalahad niya.

"So, wala kang kinalaman sa paghihiwalay nila?"

Kumunot ang noo niya.

"Ano?" Lumakas ng kaunti ang boses niya.

"I thought you had something to do with their break up."

"Did Gab say that?"

"Hindi. Wala naman s'yang sinabing partikular na dahilan. I just surmised... You know, ikaw, si Athalia, siya. Naturally, I would assume---"

"I never betray my friends," mariing sabi niya. Napahiya ako roon. "Whatever their reason for ending their relationship, I have nothing to do with it."

"Sorry kung inisip ko 'yon. Hindi ko alam. Pasensya na, mali ako," paumanhin ko sa kanya. "Still, I don't buy it, the fact that you like me. Para sa 'kin, naguguluhan ka lang. In a day or two, pagkatapos mong makakuha ng sapat na tulog at pahinga, mare-realize mo na naging impulsive ka lang. You'll find that your old feelings for me are still there. You'll remember that you hate me, and everything will be alright. Don't worry, I'll act like this didn't happen. Para hindi ka mapahiya."

"Pero gusto nga kita. I'll still feel the same way in a day or two, even after I get proper sleep and rest."

"Bahala ka sa gusto mong paniwalaan. Basta ako, I maintain my belief that you're just hallucinating that you like me."

"Bakit ba ayaw mong maniwala? Bakit ayaw mong tanggapin na gusto kita?"

"My daddy taught me not to accept empty gifts. Para saan pa't bubuksan ko ang isang regalong wala namang laman? Tulad ng confession mo. It sounds pretty when you say you like me, just like a perfectly wrapped gift.
Pero kung tatanggapin ko at bubuksan ko, madidismaya lang ako dahil sa huli, wala naman talagang laman ang mga salita mo."

I turned to leave. Pero napigilan niya ako sa kamay.

"Then give me a chance to prove it to you. Thirty days. Bigyan mo 'ko ng tatlumpung araw para ipakita sa'yo na totoo ang nararamdaman ko," sabi niya.

"Pagkatapos ano?"

"Pagkatapos papayagan mo 'kong ligawan kita. If we end up liking each other, we stay married. 'Til we get old. Kung hindi, then we'll end the marriage when the right time comes, probably when one of us wants to get married to somebody else."

"Okay then. Sa thirty days na 'yon, patutunayan ko rin sa'yo na hindi mo talaga ako gusto," pangako ko sa kanya. "Kung mananalo ako, we'll file the annulment of our marriage before this year ends. Sagot mo lahat ng gastos. Saka pansamantala mo rin munang babayaran ang mga fees ko sa school hanggang makatapos ako. I'll pay you back when I get a job."

"At kung hindi mo mapatunayan na hindi kita gusto?"

"Hindi ko pa alam. Pag-iisipan ko pa lang kung ano ang ikokondisyon ko. Sa ngayon, 'yan lang muna."

"Alright. It's a deal." He offered his hand for a handshake. Tinanggap ko iyon.

"Good luck. You'll need it," sabi ko.

Holding Water (Crisostomo #2) | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon