Hindi ako bumalik ng boarding house matapos akong makaalis ng clinic. Dahil malapit na rin naman ang susunod kong klase ay dumiretso na ako sa classroom. It was a major subject; I didn't want to miss it.
Maayos din naman na ang pakiramdam ko.
Mga bandang alas sais trienta na ako natapos sa school. Nag-meet kami ng mga kagrupo ko sa class reporting pagkatapos ng klase. Ako na ang nag-suggest na sa library nalang kami magtipon. Ang iba kasi sa kanila ay binalak na kumain kami sa labas habang pinaplano namin ang report namin. Buti na lang at pumayag sila.
Nauna na silang umalis pagkatapos. They planned to eat out. Nagdahilan na lang ako kung bakit hindi ako makakasama.
Papalabas na ako nang mamataan ko naman ang isang pamilyar na mukha na papasok sa library.
Mukhang napansin rin niya ako dahil tinawag niya ako.
"Hey!" Nakangiti siya sa akin. Puwede pala 'yon? 'Yong mas gumuguwapo ang isang tao sa tuwing nakikita mo siya?
"Hello," nahihiyang bati ko sa kanya.
"Pauwi ka na?"
Tumango ako.
"Ikaw?" balik tanong ko.
"May isasauli lang ako na libro. Pauwi na rin ako pagkatapos," sagot niya. "Hindi ko nagawang ipakilala ang sarili ko kaninang umaga. I'm Gabriel, by the way. 'Gab' for short." Inilabas niya ang isang kamay. Tinanggap ko naman iyon. We shook hands.
"Ako naman si Valerie," pakilala ko. Nang mapansin ko ang white out sa uniform niya ay nakaramdam uli ako ng pagsisisi. "Pasensya talaga sa nangyari kanina ha."
"Really, it's fine. You don't have to apologize everytime we see each other," he chuckled.
"Hindi ko kasi mapigilan. Mukha kasing pinalala ko pa ang mantsa sa paggamit ng white out."
"No, no. I think it was a genius idea."
Kasi mukhang sincere naman siya nang sinabi niya iyon ay nagawa ko na ring ngumiti.
"Pero kung gusto mo talagang bumawi, bilhan mo na lang ako ng banana cue," sabi niya, himig nagbibiro. Pero malay ko ba. Sometimes jokes are half-meant, right?
"Ng-Ngayon?"
"Uh, sure. Bakit hindi?"
Gusto ko sanang sabihin na sa susunod ko na lang siya bibilhan ng banana cue, kapag nakaluwag-luwag na ako. Pero ayaw ko namang isipin niya na hindi talaga ako seryoso sa pagbawi sa kanya. Saka, ilang piso lang naman ang banana cue. Siguro may isang meal na lang na hindi ako kakain.
"Sige. Isauli mo muna 'yang book na hiniram mo. Hihintayin na lang kita rito," ani ko.
"Great." His smile was dazzling. Nagmamadali siyang pumasok ng library.
"May nagbebenta pa kaya ng banana cue sa ganitong oras?" I wondered aloud. Nilakad na namin ni Gab ang kahabaan ng kalye. So far, wala sa mga food stalls at mga tindahan na nadaanan namin ang may bentang banana cue.
"Maaga kasing nagsasara ang nursing canteen at school cafeteria." Iyon lang ang alam kong nagbebenta ng banana cue sa loob ng school. Malabo yatang makahanap pa kami ng banana cue.
"Pa'no kung wala tayong makitang banana cue? May iba ka bang gustong kainin?" tanong ko kay Gab.
"Hmm..." Nag-isip siya. "Wala, e. Tell you what, kung 'di tayo makakakita ng banana cue ngayon, sisingilin na lang kita sa ibang pagkakataon."
"Okay, sige. Ikaw ang bahala."
"Why don't you give me your number? Para ma-contact kita 'pag nag-crave na ako ng banana cue."