Two

1.2K 30 3
                                    

Unang araw ng pasukan kaya maaga akong nagising. Pinlano ko rin kung ano na ang gagawin ko ngayong hindi pala ako titira sa condo ni Timothy. Hindi naman ako puwedeng mag-hotel habang-buhay. Napaka-impraktikal niyon.

Ang perang iniwan sa 'kin ni daddy ay hindi naman ganoon kalaki. It could sustain a modest living for a few years, at least until I finish college.

Masyadong mahal ang condo at apartment para sa 'kin. Sarado na rin ang application para sa dormitory sa school. Ang natitirang choice na lang ay mag-boarding house ako.

Siyempre pa, kailangan kong makahanap ng mapagkakakitaan. Mas mainam na may pumapasok na pera sa bank account ko para kahit na nababawasan ang pera roon tuwing nagwi-withdraw ako ay hindi iyon tuluyang maze-zero balance dahil may nadadagdag namang salapi.

I hope I could find a job I could do part-time. At sana makahanap agad ako ng malilipatang boarding house.

Pagkatapos ng klase ko sa araw na iyon ay mag-iikot ako para makahanap ng boarding house na malapit lang sa university, iyong walking distance lang para hindi ko na rin kailangang sumakay ng motorsiklo o jeep o taxi.

I got off school early. Kadalasan ay orientation lang sa subject ang ginagawa ng mga professors. Bukas pa magsisimula ang mga pormal na klase.

Dahil nagtanong-tanong ako sa ilang mga kaklase ko tungkol sa mga maaaring matuluyan na malapit lang sa university ay may listahan na ako ng mga boarding house na pupuntahan ko.

Isa sa mga kaklase ko sa huling subject sa araw na iyon ay nakatira sa isang boarding house na mga sampung minuto lang ang layo sa university. Dahil sabi niyang hindi pa naman puno roon sa kanila ay iyon ang una kong pinuntahan. Sumama na ako sa kanya dahil pauwi rin naman siya.

"Tita ko ang may-ari. Malinis at saka malaki rin naman ang space ng room. Communal nga lang ang bathroom at hindi naka-aircon ang mga kuwarto. Ikaw magdadala ng sarili mong electric fan." Lyca ang pangalan ng kaklase ko.

Mas gusto ko sana na may sariling banyo sa kuwarto pero hindi na ako puwedeng maging mapili.

"Okay lang sa 'kin na walang aircon. Sapat na ang electric fan." sabi ko sa kanya.

"May mga pagkakataon lang na medyo mainit talaga at hindi na nadadala ng electric fan. Puwede ka namang magpakabit ng aircon. May sarili ka lang na metro."

Tumango ako. Pero hindi ko na siguro 'yun gagawin. Dagdag gastos lang 'yun. I have to live simpler now. Wala na si daddy para sumuporta sa 'kin.

In the end, I didn't check other boarding houses anymore. Kinuha ko na 'yung una kong pinuntahan. It came at a reasonable price. Budget-friendly para sa mga estudyanteng tulad ko. Nagbayad na ako para sa buwang 'yon at nag-advance na rin ako para sa susunod.

Maayos naman at gumagana ang mga facilities nila. Pandalawahan ang kuwarto ko, pero ako pa lang ang matutulog roon. Saka mukhang ligtas naman ang kantong iyon, may mga nakahilerang street lamps sa daan. Tinamad na rin akong maghanap sa totoo lang.

I went back to the hotel to get my things. Kaninang umaga pa ako naka-check out. Pumayag naman ang receptionist na iwan ko muna doon malapit sa puwesto nila ang mga gamit ko.

Paglipat ko sa boarding house ay agad ko nang inayos ang mga gamit ko. Sandali akong nagpahinga pagkatapos. I didn't expect to fall into a nap.

Paggising ko ay madilim na sa labas. Namumutakti ang pawis ko. Hindi pa kasi ako nakakabili ng electric fan.

I got up and went out for dinner.







May kusina naman sa boarding house, pero ang may-ari lang ang puwedeng gumamit sa lutuan. Walang kaso kasi may mga fast food chains, karinderya, at maliliit na restaurant naman malapit sa boarding house.

Holding Water (Crisostomo #2) | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon