Thirteen

843 35 3
                                    

Namumugto ang mga mata ko nang magising ako kinaumagahan.

Matapos kong iwan si Timothy kagabi,umiyak pa ako ng husto pagdating ko sa kuwarto ko. Parang lahat ng sama ng loob na dinadala ko ibinuhos ko na sa sandaling iyon.

I made a mental reminder not to cry on nights before my classes. Ayokong makatawag pansin sa hitsura ko. Magiging tampulan ako ng mga tanong na ayaw kong sagutin. Ang iba ay sincere naman sa pag-aalala nila. Pero karamihan ay nais lang talaga makiusyoso. It's as if they like to feast on other people's misery. It's as if the pain of another person gives them delight.

I did my best to make my eyes look less puffy. Pero hindi nakatulong ang nakasimangot kong mukha na maitago ang pinagdaanan ko kagabi.
So I forced a smile and tried to seem upbeat. Iyon ang maskarang kailangan kong suotin sa tuwing nasa labas ako.










As it turns out, walang nagkomento tungkol sa pamumugto ng mga mata ko. Buong araw na naging sobrang busy ang lahat sa school dahil pinipilit makahabol ng mga professors sa mga lessons na naunsyami noong nasuspende ang klase.

By the time my last class ended, I was feeling groggy. Sobrang impormasyon ang pilit isiniksik sa bawat class meeting. Lutang ang pakiramdam ko, sabaw na ang utak ko. Kumakalam pa ang sikmura ko.

Nagsisimula na ngang maging dalawa ang paningin ko. So I caved in to my appetite. Kakain ako ng kanin at ulam para sa hapunan ko. Kahit alam kong pagkatapos ay maaaring pagsisisihan ko iyon.

Pumunta ako sa karinderya na kinainan ko noong unang araw ko sa school. Gaya ng bawat pagkakataong nadadaan ako roon sa tuwing pauwi ako sa boarding house ay maraming mga estudyante ang kumakain roon.

Pumasok na ako sa loob. Habang pumipili ako ng ulam mula sa mga paninda nila ay may tumapik sa balikat ko.

Nang lumingon ako ay si Athalia pala iyon.

"Oh, hi!" bati ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin.

"Dito ka rin pala kumakain?" tanong niya.

"Ah, paminsan-minsan. Ikaw?"

"Well, most of the time dito ako kumakain. Malapit lang kasi. Saka bukod sa masarap, presyong makatao pa. Mag-isa ka lang?"

Tumango ako.

"Ikaw?" tanong ko. I scanned the place to look for Timothy.

"Kasama ko ang mga kaklase ko. May table ka na ba?"

"Wala pa nga, e. Kaya habang hinihintay kong may mabakante, pumipili muna ako ng ulam."

"Kung gano'n, makiupo ka na lang sa 'min. Aalis naman 'yong isa naming kasama. Nauna na kasi s'yang kumain."

"Ah, s-sige."

Umorder ako ng kanin at ulam at siya umorder ng dessert. Sabay kaming nagtungo sa mesa nila. Magkatapat kami nang inupuan.

"Nursing student ka pala. Anong year mo na?" tanong niya sa akin matapos kong sumubo.

"Second year."

"Nursing rin kinuha ko before ako nag-med."

"Gano'n ba? Bakit nursing ang napili mong maging pre-med?"

"Wala naman talaga akong plano noon na maging doktor. Gusto ko lang talaga maging nurse."

"Anong nagtulak sa'yong mag-med?"

"A friend of mine inspired me to become a doctor."

Si Timothy kaya ang kaibigang tinutukoy niya?

Tahimik kaming kumain pagkatapos niyon.

"Matagal na ba kayong magkakilala ni Gab?" tanong niya maya-maya.

Holding Water (Crisostomo #2) | ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon