"So, where to?" tanong ni Timothy nang makasakay na uli kami sa sasakyan niya.
"Sa church n'yo. May special worship daw ngayon, sabi ni Gab. Ikaw, hindi ka ba pupunta?"
"Kailangan ko pang pumunta sa mall bago magsara 'yon. Maybe next time."
Napatango na lang ako.
"Kayo ni Gab, close na kayo ngayon?" tanong niya. "You know, as friends."
"Siguro," balewala kong sagot.
"Madalas kayong mag-usap?"
"Well, we text each other every now and then."
"Madalas kayong magkita?"
"Hindi. Minsan lang." I looked at him. "Puwede bang 'wag na natin s'yang pag-usapan? Wala naman s'yang kinalaman sa 'ting dalawa."
"Gusto ko lang naman malaman kung makakalaban ko ba s'ya sa atensiyon mo."
"Anong kalaban? Wala namang away," panonopla ko sa kanya.
"Well, maybe we should have an agreement before we start with the thirty days. Alam mo na, para fair ang maging resulta. Dapat siguro hindi tayo mag-entertain ng sinuman. Ikaw, hindi ka muna magpapaligaw o makikipag-date sa kahit sino. At ako, hindi ako manliligaw at makikipag-date sa iba. Ang extra time na meron tayo, sa isa't isa natin ilalaan."
"So, ano? Hindi na ako puwedeng makipagkita o makipag-usap sa iba? I have the right to have a social life outside of you. Gano'n ka rin. Hindi ako sang-ayon na limitahan natin ang mundo natin sa isa't isa. We're separate individuals, not a couple."
"I'm not stopping you from making friends. Gusto ko rin naman na bukod sa akin ay may iba ka pang social connection. I'm just saying that for now, ako muna ang bibigyan mo ng chance na makalapit sa'yo sa mas personal na lebel."
"Fine," I grumbled. "Wala kang dapat ipag-alala. I won't let anyone get too close to me, except you. Ayan, masaya ka na? Do you feel secure?"
Buti na lang at hindi niya pinatulan ang mga sinabi ko. He managed to keep a cool head.
"Pa'no ako magiging masaya kung nakasimangot ka?" sabi niya.
I was caught off guard by that.
"It's not for me to feel secure. It's for you to shift your focus to me. Paano kita makukumbinsing totoo ang nararamdaman ko sa'yo kung ang tingin mo nasa iba?" ani niya.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Ayoko man sabihin ay naipanalo niya ang usapang iyon.
Pagdating ko sa church ng Glorious Day ay nakapatay ang mga ilaw. Tanging ang maliliit na bombilya sa stage sa gitna ang nagbibigay liwanag sa silid. May isang kumakanta ng Christian song na sinasabayan ng isang naggigitara, si Gab. Hindi masyadong marami ang naroon kumpara noong Sunday. There were about ten people in the room including me. Ang iba nakayuko na tila nagdadasal, may iba ring sumasabay sa pagkanta.
Someone offered me a monobloc chair. It was Ate Naomi.
We sat at a corner. Pinakinggan ko ang matamis at malamyos na tinig ng umaawit. Saka ko lang namukhaan kung sino ang kumakanta nang mapatitig ako ng matagal sa kanya.
Si Athalia.
Hindi ko alam kung paano magre-react ngayong nakita kong magkasama sila ni Gab na tumutugtog.
For a moment, I saw a glimpse of what they used to be. Silang dalawa ginagamit 'yong mga talento nila para i-worship si God. 'Yon ang tunay na relationship goals. Sila 'yong ideal Christian couple. Sila yata ang pinakamalaking sayang na nakilala ko sa buhay ko.
A part of me felt brokenhearted that a beautiful thing like that ended. Saka may parte ko rin na naiingit kasi gusto ko rin maranasan ang ganoon.
What if instead of treating you to posh dinner dates, a guy brings you to church? What if instead of buying your affection with expensive gifts on anniversaries, a guy treats you like a daughter of the King, a princess of God?
What if a man after God's own heart is also after your heart?
Sana lahat may pagkakataon na makakilala ng taong ganoon. Para sa akin, wala ng mas nakakakilig pa sa isiping pareho kayong naggo-grow ng boyfriend mo sa faith n'yo kay God.
That is rare and that is pure.
Dapat siguro ang mga tao ganoon ang standard kapag naghahanap ng makakarelasyon.
The world is already full of cheap love. 'Yong tipong mabibili mo sa bangketa, mura pero madaling masira. Parang pag-ibig na madaling nakuha pero hindi naman nagtatagal.
Madalas ay ganoon na ngayon. It's because the feelings aren't authentic anymore. Hindi na lang mga CD ang napa-pirated ngayon. Hindi na lang ang mga brand ng damit ang may fake ngayon. Hindi na lang sa internet may poser ngayon. You'll also find it in relationships.
Suwerte-suwerte nga lang ba sa pag-ibig?
Habang tinitingnan ko sina Gab at Athalia sa stage, naniniwala ako sa sarili ko na hindi dahil sa suwerte kaya sila nagtagpo. Hindi aksidente na nagkakilala sila. They met because God intended them to. Their paths crossed because their eyes were both on Him.
Hindi ko alam kung bakit naudlot ang samahan nila Gab at Athalia. Malay ko kung anong plano ng Diyos para sa kanila. Kung pansamantala lang silang magkahiwalay o magkakabalikan rin sa huli, ewan ko.
I know it would be nice if they reconciled, if they got back together. Pero bakit parang nasasaktan ako kahit hindi pa man 'yon nangyayari?
Pagkatapos ng worship, noong naka-on na ulit ang mga ilaw, nilapitan ako ni Gab.
"I'm happy you made it," sabi niya.
"Na-late nga ako ng kaunti. Sorry."
"It's okay. Ihahatid kita pauwi. May kakausapin lang ako sandali ha. Maiwan muna kita." Then he went to talk to one of the attendees.
Noon ako nilapitan ni Ate Naomi, kasama niya si Athalia.
"Hi! It's nice to see you again," bati sa akin ni Athalia.
"Salamat. Ako rin. I'm happy to see you too...ate," I awkwardly ended. It seemed that she didn't mind it when I called her that. Naisip ko lang na ang iba tinatawag kong "ate" pero siya hindi, kahit na mas matanda siya sa akin. Ayokong mag-isip siya ng kung ano tungkol doon, kaya tinawag ko na rin siyang "ate".
"By the way, naisip ko lang na i-invite ka sa women's ministry ng church," singit ni Ate Noemi. "Composed s'ya ng mga babae na nagse-share ng word ni Lord sa kapwa rin nila mga babae. Actually, by pair s'ya: isang mag-a-act as guide, usually 'yong mga medyo matagal na sa ministry at isang apprentice, 'yong mga bago pa lang."
Nahiya naman akong tumanggi kaya pumayag na rin ako. Saka mukhang maganda naman siya na ideya. Para kang may prayer buddy.
"Sige po. Sasali po ako," sagot ko.
"Great! Itong si Athalia ang magiging guide mo."
Halatang pareho naming hindi inasahan iyon ni Athalia. Buti na lang ay napigilan ko ang sarili kong mag-react masyado. Nagawa kong ngumiti at tumango ng kalmado, pero sa loob-loob ko nagsisisi na ako kung bakit ako pumayag.
Kung uncomfortable rin sa pangyayaring iyon si Athalia ay hindi niya ipinahalata. She regarded me with a friendly demeanor.
"Ibibigay ko sa'yo ang number ko at hihingin ko rin ang number mo. Para mas madali tayong makapag-communicate. Saka natin pag-usapan kung kelan tayo puwedeng mag-meet para sa isang bible study," bilin niya sa akin.
"Okay, sige." Nagpasalamat nalang ako at hindi ako nautal at hindi rin nanginig ang boses ko.
I can't believe it. I just got myself entangled deeper into the web. Parang lagi ko na lang idinidiin ang sarili ko sa mga komplikadong mga bagay.