Kris' POV
Nag-iba na siya. Nag-iba na siya talaga. Dahil ba sa iniwan ko siya? Naglalakad ako ngayon. Sinusundan si Joyce. Lasing na lasing siya. Hindi siya makapaglakad ng diretso.Tinulungan ko siya, pero inaway niya lang ako.
Joyce: (singing) La...la... la.. (nadapa)
Kris: Sabi na tulungan na kita eh. (inalalayan si Joyce)
Joyce: Hindi! Bitawan mo ako. (tumayo at naglakad)
Sinundan ko lang siya hanggang makarating na siya sa bahay nila. Pinagbuksan kami ng pinto ni Aling Minda.
Joyce's Mom: Anong nangyari? Bakit?
Kris: Naglasing po kasi eh. Pinipigilan ko, pero ayaw paawat.
Joyce's Mom: Ganun ba? Pasensya ka na Kris.
Hiniga namin si Joyce sa sofa. Tuluyan na siyang natulog.
Kinabukasan...
Yassi: Kris, late ka na daw umuwi kagabi?
Kris: Ah... Oo eh.
Hindi alam ni Yassi ang tungkol samin ni Joyce. Ang alam niya lang, kaibigan at anak ng katulong namin si Joyce. Pero hindi niya naman dapat malaman eh. Kasi wala na kami ni Joyce at hinding hindi na kami babalik pa sa dati. Sa nangyari kagabi,sa tingin ko, galit na galit sakin si Joyce.
Joyce's POV
Galit na galit ako sayo, KRISTOFFER MARTIN DANGCULOS!!
Joyce: Sabihan ba naman ako na walang kwentang babae?
Lexi: Joyce, calm down. Mabuti na nga yun kesa tawagin kang walang kwentang lalaki.
Joyce: Ang corny mo! Ikaw kaya pagsabihan nun. Hindi ka ba magagalit?
Lexi: Well... Bakit ka ba kasi naglasing?
Joyce: Eh... kasi..
Lexi: At ngayon, hindi ka makasagot?
Jocye: oo na mali na ako. Pero mali pa rin na tawagin niya akong walang kwento. Papatunayan ko sa kaniya that he's wrong. I'll make sure he will kneel and beg for my forgiveness.
Lexi: Talaga lang ha? Naaalala mo pa ba yung........
Flashback....
6 years ago...
Yun yung time na nagtapat sakin si Kris. We were at the school's playground. We were with Lexi and Derrick. Pinagtataguan ko pa din nun si Ken. Makulit kasi siya eh.
Ken: (papalapit kay Joyce) Joyce?? Pwede ka bang yayain na mag dinner mamaya?
Joyce: Huh? kasi may trabaho pa ako. Tutulungan ko pa si nanay eh.
Ken: Sige na.. Please??
Kris: Pare, diba sinabi niya na ayaw niya?
Ken: Pagbigyan mo na ako, Joyce.
Joyce: Huh?
Kris: Pare, hindi mo ba alam na may boyfriend na yung tao?
Joyce/Ken: Huh??
Kris: Di ba Joyce? (sabay senyas na nagsasabing, makisabay na lang)
Joyce: Ah.. Oo.
Kris: (hinawakan ang kamay ni Joyce) She's already taken by ME.
May emphasis talaga yung ME.
BINABASA MO ANG
I'd Still Say Yes (KRISJOY)
FanfictionThe end is just the beginning. How love starts with an ending and ends with a new beginning.