Derrick's POV
Narinig ko na ngayon daw magsisimula si Joyce na magtrabaho. Narinig ko din na nagbreak na pala si Joyce at Ken. Kaya pala balik Manila na siya. Gusto ko sana siya makita. Nagmadali akong puntahan siya nang may nabangga ako. Si Mikee at si... Joyce? Napatingin ako sa kanila. Naka holding hands pa sila??
To clear this out, hindi ako nagseselos. Naiinis lang ako kay Mikee. May girlfriend siya at kakabreak lang ni Joyce at Ken. Ayoko masaktan si Joyce. Ayoko na maulit yung dati. Nang unang naghiwalay sila ni Kris. Hindi niya kinaya.
Derrick: Pare mag-usap nga tayo.
Joyce: Ah... Sige. Alis muna ako. (umalis)
Kris/Mikee: Pare, ahm...
Derrick: Ano to Mikee? Pinaglalaruan mo ba kami??
Kris/ Mikee: Rick, mali yung nakita mo.
Derrick: Para ng kapatid ang tingin ko kay Joyce. May girlfriend ka, at kakabreak lang nila ni Ken. Ano sa tingin mo ang sasabihin ng ibang tao? Sino ba ang mas maaapektuhan? Diba si Joyce? Sana naman inisip mo yan.
Kris/Mikee: Wala naman kaming ginagawang masama ah.
Derrick: Wala nga ba? Huwag kang masyadong dumikit sa kaniya. Trabaho lang inoffer mo, hindi yung puso mo. O kahit ano pa yang tawagin.
Biglang lumapit si Joyce, parang alam ko na yung gusto niyang sabihin.
Derrick: (natawa)
Joyce: (nakakaawa na look) Rick, tapos na ba kayo??
Kris/Mikee: Huh??
Derrick: Gutom na siya. Pare, yung pinag-usapan natin ha? Payong kaibigan yun. Tara, kain na tayo.
Si Joyce talaga alam kung saan eeksena. Halata niya siguro na nag-aaway kami ni Mikee.
Kris/Mikee's POV
Parang nagalit ata si Derrick sa ginawa ko. Wala naman akong ibang intention eh. Gusto ko lang makipagkaibigan. Pero tama naman siya. May girlfriend ako at mali tingnan yung ginawa ko. Dinadamay ko pa si Joyce sa kalokohan ko eh.
Medyo tahimik lang ako habang kumakain kami. Hindi ko kasi maiwasan na hindi kulitin si Joyce. Sungitan ko na lang siya kaya?? Tama!
Derrick: Joyce, pakabusog ka ha?! Magagalit si Lexi kapag nagutom ka.
Joyce: Thank you! Oh Mikee? Bakit hindi mi ginagalaw yung pagkain mo??
Kris/Mikee: Sir! Sir ang etawag mo kasi ako ang boss mo.
Medyo nagulat ata siya sa sinabi ko.
Joyce's POV
Ha? ANo daw? Ba't biglang sumungit? Kanina ang bait bait niya.
Joyce: Sorry po.
Kris/Mikee: At huwag mo akong paki-alaman. Paki-alam mo ba kung kakain ako o hindi??
Joyce: (pabulong) Sungit.
Kris/Mikee: May sinasabi ka??
Joyce: (nagsusungit) Wala po SIR!!!
Akala ko pa naman mabait siya. Hindi pala. Hay naku! Asa pa ako? The next day, ganun pa din siya hanggang sa makalipas ang isang linggo ganun pa din siya. Masungit pa din. May chance pa kaya siyang magbago?? Loko loko tong Mikee na 'to.
It's my day off kaya I decided na mamasyal muna sa park. Napaupo ako sa isang vacant na bench. Nagmasid masid lang ako sa paligid. Naalala ko si Kris at Ken nang biglang may tumabi sakin. Hindi ko siya tiningnan, nakatingin lang ako sa opposite na direction.
BINABASA MO ANG
I'd Still Say Yes (KRISJOY)
FanfictionThe end is just the beginning. How love starts with an ending and ends with a new beginning.