Kris/Mikee's POV
Matagal na kaming tapos ni Yassi. We're not officially over pero dun din naman papunta yun eh. Bakit ba hindi niya ako mapakawalan?? Nagulat ako nang malaman niya ang tungkol sa trabaho ni Joyce. Saan niya naman nalaman yun? Kami lang naman ni Derrick ang may alam nun.
Kris/Mikee: (hinawakan sa braso si Yassi)
Yassi: (smile) Ngiti naman diyan. Natatakot ka na malaman niya? Niloloko mo kasi siya,
Kris/Mikee: (mas hinigpitan ang paghawak) Tinatakot mo ba ako??
Yassi: hindi naman. Pero kung natatakot ka, guilty ka dun.
Mas hinigpitan ko pa yung paghawak ko sa braso niya.
Yassi: Aray!!! Tama na! Nasasaktan na ako.
Binitawan ko na siya.
Kris/Mikee: Hindi lang yan ang aabutin mo.
Yassi: Okay. Hindi lang naman pananakot yung aabutin mo. Mikee, mahal pa din naman kita eh. Yun lang naman hinihingi ko eh.
But I can't give her my love. I already love.......
Kris/Mikee: I can't.
Umalis na lang ako. Instead na magpahinga ako, lumabas na lang ako. Pagkatapos, namalayan ko na lang na nasa labas na pala ako ng bahay nina Joyce.
Kris/Mikee: What are you doing Kris??
I was shocked. Did I call myself Kris?? Bigla na lang may lumabas...
Joyce: Sir???
Joyce's POV
Magtatapon sana ako ng basura. Medyo gabi na pero kailangan ko na talagang itapon yung basura sa labas. Pag labas ko, nagulat ako sa nakita ko.
Joyce: Sir???
Nagulat din siguro siya.
Kris/Mikee: ui??
Tinapon ko muna yung basura.
Joyce: Ano yung ginagawa mo dito? Gabi na ah. How did you find your way here?
Kris/Mikee: Ah... May problema lang kasi. I need a friend. Pwede ka ba??
Joyce: (smile) Yun lang??
Na touch naman ako. Ako agad yung una niya naalala.
Joyce: Sus! Emo kayo ngayon sir ha?!
Kris/Mikee: Huwag mo na nga akong tawaging Sir. Nasa labas ng trabaho naman tayo eh. And you're my friend right?
Joyce: Oo naman. Ano ba yung problema mo na yan? At kailangan mo pang pumunta dito?
Kris/Mikee: (kausap ang sarili) Sasabihin ko ba? Na tinatakot ako ni Yassi? Na ako talaga yung nagpapasweldo sa kaniya at hindi siya nagtatrabaho sa kumpanya?
Kris/Mikee: Kasi....
Biglang lumabas si Mama. Nagtaka siguro kung bakit natagalan ako.
Joyce's Mom: Joyce??
Joyce: Ma?? Nandito lang po ako.
Nilapitan niya ako at nagulat sa nakita niya.
Joyce's Mom: Sir Kris???
Natawa ako kay Mama. Ganiyan din yung reaksyon ko ngayon eh.
Joyce: Ma, hindi siya si Kris. Boss ko po siya.Si Mikee po. Siya po yung tumulong sakin sa paghahanap ng trabaho.
Kris/Mikee: Magandang gabi po.
Joyce's Mom:Ah.. Ganun ba?? Pero parang...
Joyce: Ma, pumasok ka na. Gabi na.
Pumasok na din naman si Mama.
Joyce: Pasensya ka na sa Mama ko ha?!
Kris/Mikee: Okay lang. Nasanay na din naman ako eh.
Joyce: Ano na nga ba yung problema mo??
Kris/Mikee: Ah wala... Na miss lang talaga kita. (nagulat at tinakpan ang bibig niya)
Pati ako nagulat dun ah.
Joyce: (natawa) You sound like Kris.
Kris/Mikee: Huwag mo nga akong e-compare sa kaniya. Gusto ko kung mamahalin mo ako, mahalin mo ako bilang si Mikee. (nagulat) Sorry.
Joyce: It's okay. Natatawa lang ako sayo. Marunong ka din palang mag-joke noh?!
Kris/Mikee: It's not a joke. I..... really like you.
Joyce: I like you too. Lalo na nung tinulungan mo ako sa pagpasok sa kumpanya.
Bigla siyang natahimik.
Joyce: Hey???
Kris/Mikee: Alis na siguro ako.
Joyce: Sure ka?
Kris/Mikee: Oo. Pasensya ka na sa storbo ha.
Joyce: Okay lang yun.
Kris/Mikee: Alis na ako??
I nodded. Pero hindi pa rin siya umaalis. Nakatayo lang kaming dalawa na magkaharap. Nilagay ko yung kamay ko sa bulsa ko sa likod, para bang may hinihintay? Ganun din siya, parang may hinihintay.
Kris/Mikee: (kissed Joyce's cheek)
Joyce: (nagulat at napahawak sa cheek niya)
Kris/Mikee: (smile) Alis na ako??
Joyce: Kung makangiti ka naman. Wagas!
Aminin ko na, kinilig ako ng bongga!!
Kris/Mikee: Bye!!
BINABASA MO ANG
I'd Still Say Yes (KRISJOY)
FanfictionThe end is just the beginning. How love starts with an ending and ends with a new beginning.