Yassi's POV
Anniversary na namin ni Kris bukas. Medyo busy ako sa boutique kaya hindi kami medyo nagkikita. Alam ko din na busy siya. But I still want our anniversary to be special. Ano kaya ang magandang surprise?
Yassi: Dinner for two kaya?
Joyce: Pede din naman kaso, parang hindi pinaghirapan diba?
Kasama ko pala si Joyce. As a guidance counsellor, I asked for her advice. We're in her office.
Joyce: Ipagluto mo na lang siya. Mas may effort yun. At alam mo na, the way to a man's heart is through his stomach.
Yassi: Hindi ako marunong magluto eh. Eh, ikaw? Mukhang may pinaghuhugutan yang way to man's heart na yan ah.
Halatang nagulat siya sa tanong ko.
Yassi: Siguro ginawa mo na yan noh? Sa Ex boyfriend mo?
Joyce: (biglang nalungkot) Ah... Oo. Dati.
Yassi: Sino ba yan?? Magkwento ka naman.
Joyce: sus! Matagal na yun. Ganito na lang... Tuturuan na lang kita magluto.
Yassi: Talaga??? Yes!! The best ka talaga! So, see you tomorrow sa bahay??
Joyce: Oo na.
Kinabukasan...
Joyce and I were busy preparing for the dinner. Tinuruan niya akong magluto. I learned a lot from her. I learned how to bake chocolate cake, to cook pasta, and to make an extraordinary fruit punch.
Yassi: Sigurado ako magugustuhan ni Kris 'to.
Joyce: Oh siya. Prepare mo na yung table. Make sure na romantic ha!
Yassi: Oo na. Tinawagan ko naman siya kanina.
Joyce: Anong sabi?
Yassi: Binati niya ako. Masaya naman ako at hindi niya nakalimutan. Nalungkot nga siya kasi busy daw siya ngayon
Joyce's POV
Well, I'm happy na nakakatulong ako kay Yassi. At least, nakakabawi ako sa mga ginagawa ni Kris. I helped her preparing for their anniversary. Pero hindi maalis sa isip ko na, dati ito din ang ginawa ko. It was exacttly 8pm when Kris arrived.
Yassi: Hon! Happy anniversary!!
Kris: Huh? (nakita si Joyce)
Yassi: Sorry ha! Nagprepare ako ng something for you. Joyce helped me.
Kris: Ah... ganun ba? Thank you.
Joyce: Okay lang yun. Aalis na din ako maya maya. After maluto yung cake.
Pinaupo na ni Yassi si Kris sa table. I don't have to stay in the dining area so I went to the kitchen na lang for them not to be disturbed. Then I heard them talking...
Kris: sana hindi mo na lang inabala si Joyce.
Yassi: Bakit? Siya nga 'tong nakaisip ng idea na 'to eh. Atleast I enjoyed it. I was able to learn cooking.
Kris: It's good that you enjoyed. Pero baka...
Yassi: Don't worry alam ni Ken na nandito siya. Susunduin siya mamaya.
Kris' POV
It's our anniversary. But I don't have any for Yass. Binati ko lang siya kaninang umaga. Hindi rin ako nag expect na maghahanda siya. Kung sa bagay, it's our first anniversary pagkatapos wala akong ginawa? I'm useless. Pero nagulat ako nang makita ko si Joyce sa bahay. Siya pa pala yung tumutulong kay Yassi.
Yassi: Don't worry alam ni Ken na nandito siya. Susunduin siya mamaya.
Bakit ba palaging nasasali sa usapan si Ken? Bakit niya susunduin si Joyce??
Joyce: (dala na yung cake) Ito na. Happy Anniversary! Sige mauna na ako ha?
Kris: Gabi na ah. Dito ka na lang kumain.
Napatingin si Joyce kay Yassi. Pagkatapos napatingin naman si Yassi sa akin.
Joyce: Ay hindi na. Ayaw ko masira yung anniversary niyo.
Kris: Okay lang naman Yass diba? Kasi siya naman yung tumulong sayo, pagkatapos hindi man lang natin siya pakakainin? After dinner, pwede na siyang umalis.
Yassi: (parang napipilitan) Ah... Sige na nga. Kumain na tayo.
Tahimik lang ang lahat hanggang sa nagsalita si Yassi.
Yassi: Alam mo hon, nagawa na pala 'to ni Joyce sa ex niya. Joyce magkwento ka naman.
Para akong nabulunan nang marinig ko yun. Mabuti na lang prepared na yung tubig.
Yassi: Are you okay hon??
Kris: Oo. Okay lang ako.
Joyce: Naku! Past is past. Hindi na yun kailanman babalikan. at hindi na dapat balikan.
Parang nabasag yung puso ko. Ganun na ba talaga ka sarado ang puso niya?
Joyce: I'm done. Yass, Kris, thank you so much sa dinner.
Yassi: You're always welcome Joyce. Thank you din sa pagtulong.
Bumeso na siya kay Yassi. Palabas na sana siya ng pinto. Pero hindi ko mapigil ang sarili ko.
Kris: Samahan na kita sa labas.
Yassi: What??
Joyce: No!!! You don't have to.
Kris: I insist. Yass, babalik naman ako eh.
Nang makalabas na kami ng bahay tahimik at madaling naglalakad si Joyce.
Kris: Akala ko ba susunduin ka ni Ken?
Pero tahimik pa din siya.
Kris: hey??
Hinarap niya ako. Pero parang inis na inis siya sakin.
Joyce: Ano bang problema mo?? Bakit mo ba ako pinapaki-alaman?? Tinulungan ko nga si Yassi sa paghahanda sa anniversary niyo para naman maging special.. Pero iniwan mo lang siya? ANong klaseng boyfriend ka ba?
Bigla na lang kumulo ang dugo ko. Ewan ko kung bakit. Pero parang hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Parang gusto ko na talagang sumabog.
Kris: You know what my problem is?? It's YOU!!!
Pasigaw na sabi ko. Halata namang nagulat siya.
Joyce: Ako pa ang sinisisi mo?
Kris: Oo! How could you! How dare you!!
Joyce: Huh? Eh, loko loko ka pala eh!
Kris: Sino ka ba sa tingin mo? Sino ka (unti unting kumalma) para lituhin ang nararamdaman ko?
Bigla ko na lang nasabi yun. I'm just confused? Tahimik lang siya. I can feel the tears falling down my cheeks.
Kris: I'm so confused. and it's because of you. Nalilito ako Joyce.
Hinawakan ko yung kamay niya.
Kris: Please, help me find my way back.
Biglang may humila sa kaniya.
Ken: Di ba iniwan mo siya??
Kris: Hindi ko siya iniwan!!
Napatingin sakin si Joyce.
Ken: Kung hindi mo siya iniwan, eh ano pala?? Ano yung ginawa mo? Tumakas?
Wala akong masabi. Hindi ko nga alam kung anong sagot sa tanong niya. Ang alam ko lang, lumayo ako. Binitawan ko yung kamay ni Joyce. Pagkatapos umalis na sila. Sumakay siya sa kotse ni Ken. Ang sakit. Bakit nakakaramdam ako ng sakit??
BINABASA MO ANG
I'd Still Say Yes (KRISJOY)
FanfictionThe end is just the beginning. How love starts with an ending and ends with a new beginning.