Joyce's POV
Iba yung kinikilos ni Kris. Nakakahiya naman kay Yassi. Siya tuloy ang nasasaktan. Tanga naman kasi yung boyfriend niya eh. Sorry Yass! Pagkatapos si Ken parang naaapektuhan din. Hindi ko tuloy alam ang gagawin. Pero graduate ako ng psychology kaya ako dapat ang unang makakaalam.
Knock Knock....
Hindi ko nakita kung sino yung kumatok kasi nakayuko ako. May ginagawa kasi ako. Paper works lang. Baka si Ken lang yan, palagi naman siya pumupunta dito.
Joyce: Oh Ken? (tumingin sa pinto)
Mali pala ako.
Joyce: Sorry. Kris? Anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba si Yassi?
I guess, hindi.
Kris: Hindi eh. Nasa bahay siya. Napadaan lang ako, malapit lang pala ng workplace mo sa workplace naman.
Joyce: Oo, palagi din nga napapadaan si Ken dito eh.
Kris: (sumimangot) Ganun ba?
Joyce: Oo eh. Ay, matanong ko lang. May bumabagabag ba sayo ?? Kasi lately napapansin kong, iba yung kilos mo.
Kris: Ako? Hindi ko nga din alam eh.
Joyce: You still like me??
Ang prangka naman yata ng tanong ko.
Kris: (nagulat) ha??
Joyce: Huwag mo sanang masamain yung tanong ko. I just want you to remember na may girlfriend ka. Alam ko nasanay ka lang dati. Pero diba iniwan mo ako?
Kris: Joyce, hindi naman ganun ang nangyari.
Joyce: Hindi ba???
Bakit ba parang nasasaktan ako? Di ba tapos na yun? Nakapagmove-on na ako. I'm sure of it. Pero bakit parang naluluha ako?
Joyce: Last time I check, iniwan mo ako. (pinigilang umiyak) Pero huwag na natin balikan pa yun. Diba pinagsabihan na kita??
Kris: I understand. Okay. Sorry Joyce, pero hindi ko din alam ang ginagawa ko. Parang kusa lang kasi na ginagawa ko yun. Parang involuntary. Siguro tama ka. Baka nasanay lang ako noon.
Joyce: Please don't get me wrong. I'm still a friend. I will help you with Yassi.
Kris’ POV
Nag-iba na talaga si Joyce. Matured na siya mag-isip. Alam na niya kung anong tamang gawin. Pero bakit nararamdaman ko na nasasaktan siya? At nasasaktan din ako? Kasalanan ko naman lahat eh. Kung hindi lang ako naging duwag. Parang iiyak na siya. Bakit? Naguguluhan ako sa nararamdaman namin.
BINABASA MO ANG
I'd Still Say Yes (KRISJOY)
FanfictionThe end is just the beginning. How love starts with an ending and ends with a new beginning.