Chapter 37

1.5K 25 10
                                    

Kris' Mom's POV

I never thought na magiging ganito ang consequences ng mga ginawa namin ni Yassi. Hindi ko alam kung bakit ako pumayag sa mga plano ni Yass. Akala ko makakabuti yun sa kaniya. para akong binagsakan ng langit at lupa. Sarili kong anak suklam na suklam sakin.

Joyce: Tita, huwag kayong mag-alala. Magiging maayos din po ang lahat.

Napakabait na bata ni Joyce. Kahit kailan hindi siya nagtanim ng sama ng loob sakin. I just smiled as a response to her.

Joyce: Yass, everything's gonna be fine.

Kahit kay Yassi, hindi siya nagalit. Nagalit siya nung una, but looking at her now, parang wala lang nangyari.

I decided na hindi muna magpakita sa anak ko. After a week, nakalabas din siya ng hospital. Binabalitaan ako ni Joyce kahit papano. 

Kris' POV

After a week of confinement, nakalabas na din ako ng hospital. Thanks to Joyce mabilis yung paggaling ko. Umuwi ako sa bahay. Wala na si Yassi doon. 

Joyce: Gusto mo bang kausapin yung Mama mo??

Not now. I'm still confused.

Kris: No.

Joyce: Okay. Kung yan yung gusto mo.

Nasabi ko na pala kay Joyce, yung tungkol sa trabaho niya. Sabi niya babayaran niya ako. Pero syempre hindi ako pumayag. Pero nag-insist siya. Kaya sabi ko, siya na lang yung magiging nurse ko, yun na lang yung kabayaran sa utang DAW niya. Dito muna siya titira sa bahay, hanggang sa magaling na talaga ako. Syempre, hindi pwedend dalawa lang kami kaya sumama na rin sina Lexi at Derrick.

Derrick: (dala yung gamit ni Lexi) Lex, buong bahay ba dinala mo dito? Ang bigat ng bag mo eh.

Lexi: Sobra ka naman Hon. Hindi mo ba ako love? Konting tiis lang naman yan. Gusto mo ba ako mapagod??

Kris: Kahit kailan hindi kayo nagbago!

Joyce: Tama!! 

Kris: Joyce, ako na diyan sa bag mo.

Joyce: Hindi na. Ako na, kaya ko na 'to.

Derrick: Exact opposite talaga kayo ni Lexi.

Lexi: Ang sama niyo ha!!! Super sama niyo!!

Joyce's POV

Ngayon ko lang ulit na feel na super saya naming apat. Ngayon lang ulit kami nagkasama. Nag-aasaran sila sa loob nang may nakita akong parang tao sa labas ng bahay. Hindi ko muna napansin, baka napadaan lang. Pero napakafamiliar niya kahit napatalikod.

Ken's POV

Siguro akala niyo nakalimutan ko na si Joyce? Kahit kailan hindi ko yun nagawa. Simula ng bumalik siya dito sa Manila, sinusundan ko siya dito. Alam ko lahat ng ginawa niya at ang mga nangyayari sa kaniya. Masakit man, pero kailangan kong tanggapin na bumalik na talaga si kris sa buhay niya. Hindi ako... karapat dapat sa kaniya. I let her go. Nasa labas lang ako ng bahay nina Kris, tahimik na nagmamasid nang tumingin sakin si Joyce kaya napatalikod ako. I miss her so much. Kung pwede lang sana.... ibalik ang dati. I'm hurt and it's because of me.

Girl: Ken??

Napatingin ako. Si Yassi. Nainis ako sa kaniya sa ginawa niya kay Joyce. Pero somehow, I thank her kasi  nagbigyan ako ng chance na mahalin ni Joyce. I know, minahal din ako ni Joyce. 

Ken: Yass?? 

Yassi: Diba nasa Davao ka? Anong ginagawa mo dito??

Ken: Diba hindi ka na dito nakatira? Bakit nandito ka??

Yassi: Nandito ako araw araw. Naghihintay sa time na mapapatawad ako ni Kris. Ikaw??

Ken: Araw araw, nakikita ko kung paano napupunta sa iba yung babaeng mahal ko. Katulad mo, sinusundan ko si Joyce.

Yassi: Napakaswerte talaga ni Joyce. May Kris na siya, May Ken pa siya na tunay na nagmamahal sa kaniya.

Napatahimik ako at napatingin sa loob ng bahay.

Yassi: Bilib din naman ako sayo. Mahal na mahal mo talaga siya kaya ka nagpaubaya.

Ken: Yass, kapag nagmahal ka, gagawin mo ang lahat kahit alam mong masasaktan ka basta masaya lang ang taong mahal mo. 

Yassi: Kasalanan ba nating magmahal??

Joyce: Yass?? Ken??

Nakita pala kami ni Joyce?? Halatang nagulat siya nang makita niya ako.

Joyce; Ken!!

She smiled. Napayuko lang ako.

Yassi: Sorry Joyce. 

Joyce: Sorry for what?? Gusto niyo bang pumasok??

Yassi: Hindi na siguro.

Joyce: I insist! C'mon!!

Kinuha niya yung kamay namin ni Yassi at pinilit na pumasok sa bahay.

Joyce: Guys, may bisita tayo!!

Napatingin ang lahat samin.

Kris: Anong ginagawa niya dito?? (tingin kay Yassi)

Derrick: Pare, tama na yan. 

Lexi: Ah... Mabuti pa siguro kung ikukuha ko muna kayo ng meryenda. (punta ng kusina)

Joyce: Tuloy kayo pasok kayo.

Pinaupo kami ni Joyce sa couch. Pero....

Kris: Sinong nagsabi na pwede kayong maupo??

Alam kong may kasalanan si Yassi. Pero hindi dapat ako nadadamay. Selfish na ako pero.... Wala akong kasalanan.

Yassi: Mikee??

Kris: I'm Kris.

Yassi: Okay Kris. I'm sorry. I'm sorry sa lahat ng ginawa ko.

Kris: Ganun ganun na lang yun??

Yassi: Kaya kong gawin ang lahat mapatawad mo lang ako.

Luluhod na sana si Yassi pero pinigilan siya ni Joyce.

Joyce: Kris, patawarin mo na siya. Please?

Napakabait pa din niya. Kahit kailan hindi siya nagbago.

Lexi: (may dalang meryenda) Ano ba kayo?? Ang init ng ulo niyo. Huwag kayong magpasinan kung gusto niyo pero pwede bang umupo muna kayo? Mga bisita sila. Kris, kaibigan natin si Ken at Yassi. So could you please control your temper??

Medyo kumalma yung atmoshpere. Tahimik ang lahat. 

Derrick: Ang tahimik naman!

Lexi: Tama! 

Lexi's POV

Sasamahan namin si Joyce sa pagbantay kay Kris. Hindi ko ineexpect na ganito ang mangyari. Hindi ko inakala na pupunta dito si Ken. 

 Derrick: Ang tahimik naman!

Lexi: Tama! 

I noticed na parang naiilang si Joyce kay Ken, si Yassi naman kay Kris.  

Lexi: (bulong) Are you okay?? 

Joyce: (bulong)Huh? Of course. 

Lexi: (bulong) Bakit ang tahimik mo??

Joyce: (bulong) Wala. May iniisip lang.

Lexi: (bulong) Si Ken ba??

Napatingin siya sakin??

Lexi: (bulong) Ano yang tingin na yan??

(silence)

Lexi: Mahal mo pa ba siya???

I'd Still Say Yes (KRISJOY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon