Chapter 4

3 0 0
                                    

"Jenna! Tara na anong oras na!" Masyado namang atat tung kapatid ko
"Siya nga pala sis sinabi ko kila Lie na pupunta tayong Canada at ipa excuse ka muna bukas

Nako naman baka naman pumunta nanamang airport yun at magkanda sigaw sigaw dun.

Nagayos muna ako nang gamit at nang sarili ko. "May nakalimutan paba ako?" Inisip ko lahat pero wala naman kaya lumabas na akong kwarto

"Ano tara na!" Sigaw ko

"Bat ka sumisigaw?" Tanong niya

"Wala exited ako ehh!" Nakangiti kong sabi.

"Im not exited" sabi niya sabay talikod

"Wow ahh hindi? Sa lagay na yan?" Sabi ko sabay tawa. Napaka porma niya kasing tignan dati jeans lang tapos t-shirt ok na siya pero ngayon hindi naka Jumper siya na Reap

"Tsseee!!"

Lumabas na kami nang bahay. Nagulat ako nung may naka park na kotse sa harapan namin. Lumabas dito ang isang lalake at nakita ko kung sino

"Frian!?" Sigaw ko

"Ohhh. Bat ka nanaman sumisigaw jan?" Tanong sakin ni Jennie

"Bat nandito yan?" Turo ko kay Frian

"Ihahatid niya tayo"

"Pano niya nalaman?"

"Basta! Dami mong tanong pumasok kana sa loob" tinulak ako ni Jennie sa may kotse wala akong nagawa kundi sumakay nalang. Sumakay nadin naman na siya

"Naguguluhan ako. Sino ang Jenna at Jennie sa inyo?" Natawa kami ni Jennie sa tanong niya

"Ako si Jennie nakikita mo to" sabay turo niya sa Noo niyang may nunal "Si jenna walang nunal"

"Ahhh yun pala yun. HAHAHAHA" tumawa siya nang malakas

"May nakakatawa ba dun?" Tinignan ko siya nang walang expresion

"Tapos si Jenna Masungit. Si Jennie mabait" Natatawa niya nanamang sabi

"Ano ngayon?" Tanong ko ulit

"Hoy! Ano ba! Mga Bad vibes!" Natawa naman ako sa sinabi ni jennie

Maya maya tumahimik kami. Nakatingin lang ako sa may gilid. Sana maging maganda ang salubong sakin nila mommy kasi nararamdaman kong magagalit sila sakin. Ewan ko kung Mahal ba nila ako. Kasi ayaw nilang nakikisapaw ako sa Business nila ehh. Bobo kasi ako gusto ko ding mag business dati kaso sabi nila si jennie nalang daw so yun nag accountant ako. Tsaka mas magaling kasing mag manage nang kumpaya yung kapatid ko kasi nasanay na siyang laging sinasama kung saan saan. Kaya din siguro nila naisip na ipakasal siya sa iba kasi yun nga para lumago lalo yung business kaya panigurading papagalitan ako pag nangealam pako.

Pipikit na kona sana yung mata ko para matulog. Nang may bigla akong nakita

"Jennie!" Binuksan ko yung bintana at nilusot ko yung ulo ko

"Uyy! Jenna ano ba!? Sino ba yun?" Nagtatakang tanong ni Jennie

"Frian paki balik please!" Nag U turn naman aggad si Frian

"Ihinto muna!" Lumabas ako kaagad sa kotse at hinabol ko yung lalake

Diko alam ginagawa ko pero hinabol ko ito. Likod mo palang paglalakad mo palang. Alam kong ikaw yan kilalang kilala kita. Mahilig ka sa Aso at lagi mo itong pinapasyal. Mahilig kading magsuot nang maluluwang na damit at shorts. Sigurado akong ikaw to. Walang pagdadalawang isip na tinawag ko ang pangalan niya

"Nikko!" Sigaw ko Lumingon siya kaagad. Nanlaki ang mga mata niya nung makita ako

Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya. Sobrang namiss ko siya hindi ko alam pero parang mamamatay na ako. Sa wakas nakita kona ang taong mahal ko umiyak ako sa may balikat niya.

Pretending YoursWhere stories live. Discover now