Humagulhol ako sa dindib niya ramdam kong basa na ang damit niya.
"I told you ihahatid kita ayan tuloy" patuloy ang pag haplos niya sa likuran ko "tama na"
Medyo naging mahinahon na ang pag iyak ko. Matagal na kasi kaming nakatayo dito. Madilim narin ang paligid
"Lets go I'll take you home" hinila niya ang kamay ko dina ako pumalag kasi sobrang nanghihina na ako. Pagdating namin sa kotse niya tinulungan niya akong sumakay. Umikot na siya sa driver seat at nagsimulang magmaneho
Im so mess! Ayaw kong mangyari to. Pero nagawa ko, this is all my fault. I'm so guilty
Pumatak ang luha ko, pinunasan ko ito kaagad. Naramdaman kong napatingin si yliam sakin. Hinayaan ko lang siya tumingin lang ako sa bintana.
Walang nag imikan samin hanggang sa nakarating kami sa Condo. Binuksan niya ang pintuan ng passenger seat at tinulungan akong lumabas.
Di parin ako nagsasalita mula kanina, I just dont know what to say and what to act. Buti nalang di ako kinukulit ni Yliam.
Hinatid niya ako hanggang harap ng condo. Diko na siya pinansin dumeretso na ako sa kwarto
"Jenna! Anjan kana pala kain na tay-" ngumiti nalang ako kay lie
Pinihit kona ang door nob at pumasok. Narinig ko pang nagsisisigaw si lie sa labas.
Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kakaiyak. Tumayo na ako at pumuntang kusina nakaramdam kasi ako ng gutom. Pagdating ko sa kusina nandun parin si yliam
"Ohh! Jusko dayy! Namamaga nanaman ang iyong mga mapupungay na mata!" Sigaw ni Jana nginitian ko siya
"Ghorl ok ka lang ba?" Nagaalinlangang tanong ni lie
Ngumiti ako "oo naman bakit sana hindi?" Tumawa ako ng bahagya
"Nako sis! Wag kang sinungaling jan sinabi ni Yliam ang nangyari" tinignan ko si yliam
"Sorry jenna" yumuko siya
"Ok lang" ngumiti ako "jana dont worry ok lang talaga ako look! I can smile!" Ngumiti ako ng malapad
"Totoo ba yan?" Tinaasan ako ng kilay ni lie
"Oo naman!" Lumapit ako sa ref para uminom ng tubig
"Tara sa SaF kung ganun!" Napatingin ako kay lie
Tinaasan ko siya ng kilay "sigurado ka?" Natatawa kong tanong
"Oo naman!" Tumawa siya
"Anong oras naba?" Tinignan ko yung cellphone ko. Imbes na tignan ko ang oras napatingin ako sa message
578 messages
432 missed callAt si nikko lahat yun. Babasahin koba ang mga yun? O hindi na delete ko nalang agad.
"Ano nang oras jenna?" Tanong ni yliam
"A-ahh? Ano 9:45" bunulsa ko ang cellphone ko "so 2 hours lang ako natulog?"
"Oo, akala ko dina ka magigising" natawa ako sa sinabi ni yliam
"Yliam heart break lang yun, diko naman ikakamatay" tumawa ako "bakit gusto mona ba akong mamatay?" Nilapit ako ang mukha ko sa kanya
"B-baliw! Di nakakaintindi ampt!" Inirapan niya ako
Tinignan ko ang mga labi niya, tangina! I want to kiss him! Ano? Jenna nahihibang kana ba? Fiance yan ng kapatid mo! Napatingin ako sa mga mata niya nakatingin siya sa labi ko.
"You want to kiss me?" Bulong ko
"Damn jenna!" Tinulak niya ako nakita kong natuliro siya at namula.