Chapter 13

0 0 0
                                    

Jenna

"Ahhhhhh!" Biglang may nanghila sakin. Andito na ako ngayon sa isang madilim na sulok "sino ka!" Sigaw ko

"Shhhhh"

Gusto ko nang tumakbo pero ang lakas niya hindi ako makaalis sa hawak niya sino kaba kasi!

"Bitawan ko ako!" Sigaw ko

"Sorry Jenna" wait familiar ang boses niya

"S-sino ka?" Nauutal kong tanong

Hindi siya nagsalita. Andito ako ngayon sa masikip na iskinita nang school namin

"Sagutin mo ako!" Sigaw ko ulit
"Yliam! Wag kang nangloloko nang ganito! Hindi nakakatuwa!" Sigaw ko ewan ko si Yliam nalang ang biglang pumasok sa isip ko. "Kung may balak ka wag mo nang itu-"

Biglang may lumapat sa bibig kong malambot! Ahhh! Wag mong sabihing hinalikan ako ni Yliam! Yung puso ko sobrang bilis nang tibok

Tug Dug. Tug. Dug. Tug. Dug

Halos marinig kona ang tibok nang puso ko. Dahan dahan siyang lumayo sa pagkakahalik sakin

Ewan ko. Pero dina ako makapag salita. Sino ka? Tulala nalang ako nakatingin sa kawalan. Malaman ko lang na si Yliam to ipapapatay kita!

"Ang ingay mo kasi baka marinig tayo" nanlaki ang mata ko.

NO!! NO!! NO!!

"Tara" hinila niya yung kamay ko diko alam pero hinahayaan ko lang siyang gawin niya yun. Hanggang sa nakalabas na kami sa Field.

Tignan ko siya.

"K-klayn?" Nauutal kong tanong

Ngumiti siya sa akin yung totoong ngiti na na lagi niyang pinapakita sakin yung ngiting gustong gusto kong makita yung ngiti niyang nakakaadik yung ngiti niyang halos araw araw gusto kong makita sa kanya.

"Sorry n-nahalikan kita" yumuko siya

Hindi ko alam isasagot ko. Magagalit ba ako? Sasapakin koba siya? Sasampalin koba siya? Tatadyakan koba siya? Diko alam ang gagawin ko. Kahit gusto ko siyang sampalim sapakin tadyakan diko magawa kasi hindi ko maigalaw ang buong katawan ko. Bakit!?

"Ok ka lang?" Tanong niya tinignan ko siya

"O-oo" nauutal kong sagot "B-bat m-moko hinalikan?" Diko alam pero di ako makapagsalita nang maayos

"Sorry diko naman balak gawin yun nabigla lang din ako kasi ang ingay mo ehh. Baka may makarinig satin"

"A-anong ginagawa natin dito?" Feeling ko mukha nakong abnormal dito na parang walang alam

"Gusto kong magusap tayo" tahimik lang ako. Ano naman kaya ang paguusapan namin

"Anong ginawa ni Yliam sayo kahapon? Bakit sumigaw ka nang manyak? Inano ka niya! Sabihin mo sakin!" Para siyang galit. Bakit siya nagagalit? Ehh ano naman ngayon para sa kanya

"Ano bang turing mo sakin?" Bigla ko nalang natanong. Tinignan niya ako

"Kaibigan. Parang mas batang kapatid ko narin" ewan ko pero parang ang sakit nung sinabi niya. Bat pa kasi ako nagtanong! Nakakainis!

"Ahh ok" yung mga luha ko gusto nalang pumatak pero pinipigilan ko
"Mamaya nalang tayo mag-usap may klase ako" kahit wala naman akong klase ewan ko di ako komportable ngayon

"Sige ihahatid nalang kita"

"Wag na" sagot ko kaagad

"Hindi tara n-"

Pretending YoursWhere stories live. Discover now