Jenna
"Jenna!" Nagulat ako sa sigaw ni Lie "Uyyy. Gising kana hindi kaba papasok!?" Nakakabingi naman tong boses neto
"Mamaya na" I covered my face with my pillow
"Huh? Anong oras ba klase mo?" Napaisip ako anong araw ba ngayon
"Ano ba ngayon?"
"Martes"
"8:00 pa pasok ko"
"Ok sige mauuna na ako huh!" Sigaw nanaman niya dina lang ako umimik napaka ingay
Oo nga pala san kaya galing yun kagabi 7:00 ako nakauwi ehh wala siya dito. Pake ko ba sa bunganga na yun. Tumayo na ako tinignan ko kung anong oras na 7:26 na maliligo na ako
"Arrraayy" napahawak ako sa ulo ko. May hang over pa ata ako ansakit
Binilisan ko nalang ang naligo. Para maaga akong makakapasok. Nagpalit nadin ako
Tsaka pumasok. Dumeretso akong POD para kumuha nang admission.
Binigyan naman ako kasi sinabi ko yung totoo tsaka ako pumasok sa klase ko. Habang naglalakad may nakabangga sa Akin.
"Array" hinawakan ko yung kamay ko ansakit
"Miss Sorry ok ka lang?" Tanong niya
"Mukha ba akong Ok!? Ansakit kaya!" Sigaw ko
"S-sorry. J-jenna!?" Bat niya ako kilala tinignan ko kung sino siya
"Uyy! Klayn!" Sigaw ko
Eto pala si Pogi akalain mo yun
"Uyy sorry nabungo nanaman Kita"
"Baka kasi nagmamadali ka nanaman" natatawa kong sabi napakamot siya sa ulo
"Oo ehh. Sige Mauuna na ako ahh. Sorry ulit Jenna" nag wave na siya paalis
Pumasok na ako sa classroom namin
"Uyy Jenna! Pasalubong namin!" Sigaw nila
"Wala!" Sigaw ko
"Hi Jenna" Bati sakin nung classmate kong si Kiko
"Hello" sagot ko
"Ahh jenna! Nabago yung seating arrangement dun ka sa tabi ni Kiko" nakangiting sabi nung president namin
Umupo naman ako sa tabi ni Kiko
"Kumusta?" Bungad niya. Di kasi kami gaanong close ni Kiko
"Oks lang naman. Ikaw ba?"
"Haha. Eto ok lang din"
Nagkwentuhan kami nang kung ano ano hanggang sa dumating na yung teacher namin
"Good morning class"
"Good morning MR. Pena!"
Yun nagsimula na siyang mag discuss. Wala man lang akong maintindihan sa sinasabi niya napaka bobo kona ba? Ayaw ko kasi sa subject niya ehh
Board ako hanggang sa Nag Rung na. Time for Break. Tumayo ako kaagad at dumeretsong Canteen. Nagugutom nako dipa kaya ako kumain simula kagabi.
"Uyy Jenna! Sabay na tayo!" Nakisabay sakin si Klayn
"Haha. Sige"
"Hoy! Clark san ka pupunta!?" Sigaw niya dun sa lalaking naglalakad
"Canteen" mahinhin niyang sagot
"Halika ka na! Sabay na tayo!" Inantay namin siya kasi pa principe pa kung maglakad "tagal pre!"
"Masakit yung paa ko" nakita ko yung paa niya may gasgas