Jenna
"Uyy! Gising tara kain nagugutom ako" Nagising ako sa yugyog ni Yliam
"Makayugyog naman to wagas!" Sigaw ko
"Dalian mo" kaya naman bumaba na ako kaagad.
"Wait asan yung bata?" Tanong ko
Tinuro no Yliam kung asan siya napangiti ako kasi ang cute cute niya.
"Tara" sabi ko tsaka ko hinawakan yung kamay niya.
Pumasok kami sa isang mamahaling restaurant bahala si yliam dito. Wala akong pera.
"Anong gusto mong kainin?" Tanong ko
"Kahit ano na po" sagot niya
"Mmmm. Chicken fillet nalang sakin ikaw?"
"Sige umorder kana nang tatlong ganun"
"Kuya tatlong Chiken Fillet po 2 pcs. Tsaka ice tea tatlo"
"Padagdag nalang nang best seller dessert niyo. Tsaka Fruits and Isang order nang Beef tapa" Dagdag ni Yliam
"Andami mo namang inorder"
"Dont worry ako magbabayad"
Ngumiti ako sa kanya.
"Nginingiti ngiti mo jan?"
"Wala. Gisto mo dagdaggan kopa order mo?"
"Tsssk" inirapan niya ako! Kapal neto ahh!
Maya maya pa dumating na yung order namin. Napansin kong sobrang lungkot ni Ading.
"Kain na" ngumiti ako sa kanya. Kaso di niya pinansin kumain nalang din siya
"May problema kaba?" Tanong ko ulit
"Wala po" sagot niya
Pinagpatuloy ko nang kumain.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Yliam tinignan siya nito
"John Christer po JC for short" sagot niya ganda naman pala nang name niya
"Ako si Ate Jenna. Siya naman si Kuya Yliam" pinakilala ko sarili ko at si yliam
"Ahhm. Jc Anong ginagawa mo dun sa gilid nang daan? Alam mo bang delikado ang tumambay dun?" Tanong ko
"Alam kopo" sagot niya
"Sa susunod wag kanang tumambay dun huh? Baka masagasaan ka" sabi ni Yliam
"May binabantayan po kasi ako dun"
"Huh? Sino?" Sabay naming tanong ni yliam kaso dina siya sumagot
"Asan ba mga magulang mo?" Tanong ko
"Wala po" sagot niya
"Asan sila?" Tanong ko
"Namatay napo yung mommy ko. Dun po mismo sa kinauupuan ko kanina." Medyo nalungkot naman ako sa sagot niya
"Ahh sorry" yun nalang nasabi ko
"Lagi kaba dun?" Tanong ni Yliam
"Opoe. Lalo napo pag ganong oras. Pakiramdam kopo kasi kasama ko si Mommy" naiiyak na tuloy ako kaya pala ganun nalang kalungkot ang mukha niya.
"Anong nangyare?" Tanong ni Yliam
"Kasalanan kopo yun. Tumawid po ako diko po nakita yung papadating na sasakyan linigtas lang po ako ni Mommy kaya siya ang nasagasaan. Dapat ako yun hindi si mommy. Sana ako nalang yung nawala wag lang si mommy . Kawawa po kasi mga kapatid ko. Yung tatay kopo may babae. Kaya dina siya umuuwing bahay" diko alam pero tumulo yung mga luha ko naaawa kasi ako sa bata