Jenna
Naramdaman kong Sobrang nilalamig ako. Nakakumot naman ako pero bakit parang walang talab. Minulat ko ang aking mga mata. Nandito na pala ako sa aking kwarto hinatid siguro ako ni klayn nakakahiya tuloy sa kanya masyado naman na akong pabebe pag kasama ko siya.
Ang lamig talaga. Tumayo ako para icheck ang aircon hindi naman naka on. Malamig ba talaga ang temperature ngayon? Humiga ako ulit sa kama ko at nagtaklob nang napaka kapal na kumot
Ring.... Ring.....
Tinignan ko kung sino yung tumatawag. Diko na makita kung sino mahina na ata ang paningin ko
"H-hello?" Sagot ko nang nanghihina
"J-jenna? Bakit ganyan ang boses mo?"
"H-huh? Nilalamig kasi ako"
"Ang init init! Teka pupunta ako jan"
"A-ang lamig kaya"
"Teka nga nilalagnat kaba!?"
"H-hindi" sagot ko pinakiramdaman ko yung sarili ko nilalagnat ba ako? Ang init ko sobra.
"Teka! Papunta nako jan"
Pinatay kona yung call sobrang init ko talaga. Diko kilala kung sino yung tumawag. Sinubukan kong itulog ulit kaso di ako mapakali gusto ko nang itakbo ang sarili ko sa hospital. Pero hindi kona kayang tumayo
"Jenna! Jenna!" Narinig kong sigaw ni klayn. Gusto kong sumigaw pabalik kaso diko maibuka ang bunganga ko
"Sh*t!" Tumakbo siya papalapit sakin at kinapa ako "Ang init mo. Asan yung phone mo?" Tinuro ko kung asan yung phone ko. Kinuha niya ito kaagad at may tinawagan siya
"Hello? Kapatid ba to ni Jenna?"
"Wag kang praning. Kaibigan niya ako andito ako ngayon sa dorm niya"
"Tumahimik ka nga kase! Ang taas ng lagnat nang kapatid mo!" Napasigaw si klayn bakit naging ganyan ka klayn? Sobrang Sungit mo naman na?
"Sige" binaba niya na yung call
sinukat ni klayn kung gaano ako kainit
"38.9 Bakit ano bang ginawa mo?" Nakakunot ang noo niya
Hindi ako makasagot sa kanya kaya umiling nalang ako. Sobrang hinang hina na ako
"Jan ka muna paglulutuan kita" tumayo siya "Tsaka tayo pupuntang hospital pag kumain kana" naglakad na siya palayo
Maya maya may biglang kumatok ng sobrang lakas sa may pinto
"Jenna! Buksan mo to!" Si Yliam
"Bakit ba pre!?" Sigaw ni Klayn
Binuksan nito ang pinto"Umalis ka diyan!" Narinig kong papalapit na si Yliam
"What happened to you!?" Sobrang lakas nang sigaw niya
Umiling ako. Dahil hindi naman ako makasagot
"Let me drive you to hospital" bubuhatin niya na sana ako kaso pinigilan ito ni Klayn
"Ako ang magdadala sa kanya sa Hospital" seryoso ang tingin niya kay Yliam
"Sana kanina mopa ginawa" inangat ako ni Yliam
"Kakain pa siya!" Sigaw ni klayn
"She need to eat before going in the hospital""Mamamatay na nga tong tao may pakain kain kapang nalalaman!' Tumakbo si yliam nang buhat buhat ako yumakap ako sa may leeg niya feeling ko mahuhulog ako.