Jenna
Ahhh! Ansakit nang ulo ko shet! Naramdaman ko nalang bigla na ansakit na nang ulo ko hung over na this.
"Mabuti gising kana" bumungad sakin si nikko
"Ahh? Oo" tumayo ako kaagad at tumakbo sa banyo para maghilamos at mag mumog!
"Uyy! Bat moko tinatakbuhan!?" Sigaw niya
Bahala ka jan nakakahiya itsura ko baka mamaya nakanganga pakong natutulog bat kasi sa daming tatambayan niya sa harap kopa! Napatingin ako sa clock dito sa banyo niya. What!? 9:44 na pala! Late ko naman nagising sarap kasi matulog sa kama niya. Kama niya? Wait teka! Bakit ako nasa kama niya!? Lumabas akong banyo at nadatnan ko siyang nakaupo sa may kama
"B-bat ako nasa kama mo?" Tanong ko
"Kagab-"
"May ginawa ka sakin!? Bastos ka talaga! Manyak ka! Hoyy! Pag nabuntis ako! Anong gagawin mo!?"
"Chill. Chill ka lang wala akong ginawa ok?"
"Ehh bakit anjan ako! Sabi mo kasi kagabi sa kabilang kwarto ka! Plano mo siguro to no!"
"Teka!"
"Plano mong lasingin ako! Kasi may gusto kang makuha! At pag nabuntis ako! Iiwan mo kami!" Sigaw ko
"Teka nga lang! Napaka oa mo naman! Masama bang magmalasakit? Nahihirapan kana kasi kagabi sa upuan kaya binuhat kita! Wala akong ginawa ok?" Speechless ako ngayon
"Tsaka kung may balak ako bakit ngayon pa sana noon nalang para dina tayo pinaghiwalay" diko alam isasagot ko "tara na kain na tayo" tumayo siya at naglakad na palabas nang kwarto
Napaka oa mo kasi jenna! Jusmiyo ngayon dimo na alam sasabihin mo!
Sinundan ko nalang siya. Nakita ko siyang hinahain na yung pagkain
Mmmmm.. ang bango naman nung niluto niya. Lumapit ako kaagad sa kanya.
"Ang bango" sabi ko nang nakangiti
"Wow ano yan?""Pinakbet" ngumiti siya sakin
"Ayy! Wow! Marunong ka pala magluto nun!"
"Oo turo sakin ni Rhiz" awwts
"Ahhh" yun nalang naisagot ko ewan koba! Nakakainis
"Lika na kain na tayo" umupo na ako at umupo nadin siya at sinimulan na naming kumain
Hindi ko mapigilang mamangha sa sarap nang luto niya dati kasi ang lagi niyang niluluto para sakin Adobo ngayon iba na pala hayyst!
"S-sorry pala about kanina ahh"
"Napaka Oa mo kasi. Sana nga kaya kong gawin yun para lang sa ikakasaya kong makasama ka pero hindi I care about you at iniisip ko naman kung anong kakahinatnan nang lahat pag ginawa ko yun"
Napangiti nalang ako sa mga sinabi niya
"Ohh bakit?" Tanong niya
"Nakikita ko kung gaano kalaki ang respeto mo sa isang babae."
"Only you"
"Huh?" Naguluhan naman ako sa sinabi niya sakin lang?
"Yes. Sayo lang kasi I've use Rhiz so many times"
Napatakip ako sa bibig ko.
"No! No thats not what you think oo may nangyayare samin. Pero It doesnt mean anything to me"
"What do you mean?" Naguguluhan kong tanong
"Kasi kung mahal ko siya. I will not do it to her"