Jenna
"Jenna?"
Napaka gwapo naman nang lalakeng nasa harap ko ngayon. Messy pa yung hair niya. Napaka pula nang mga labi niya. Tangos nang ilong niya, mga mata niyang nang aakit.
"Uyy! Jenna!" Nagulat ako kaya minulat ko kaagad ang mga mata ko. Nagulat ako nung nakita ko si Klayn sa kwarto ko "Sorry pinasok kona tung Kwarto mo anong oras na kasi dika pa gising. Kaya kinuha kona yung duplicate nang kwarto mo"
Tinakpan ko nang kumot yung katawan ko
"Ahhh.. sige" yun nalang nasabi ko. Siya pala yung naaaninag ko kanina.
"Ready na yung pagkain mo. Andun sa kusina" nakangiti niyang sabi. Nagtaklob ako nang kumot baka makita niyang namumula ako
"Sige. Ano ahhmm. Thank you" sabi ko nang naka taklob padin. Napatawa siya
"Sige lalabas na ako aantayin nalang kita sa labas" sabi nito kaya tinanggal kona aggad yung kumot at tumakbo sa banyo at nag ayos nang sarili
Jusko naman nakakahiya nakita niya akong nakatulog baka mamaya nakanganga pa akong natutulog. May muta muta pa ako jusko naman. Nakakahiya Jenna!
Pumunta na ako kaagad sa kusina nung nakapag ayos na ako.
"Matagal ba ako?" Nakakahiya kasi
"Hindi naman" nakangiti nanaman siya jusko naman tung lalaking to
"Kumain kana" nakita ko yung pagkain sa lamesa hotdog with egg"Sorry yan lang kaya kong lutuin ehh" napakamot siya sa batok
"Ano kaba! Ok na yan no!" Umupo ako aggad tsaka kumain "dika kakain?"
"Tapos na ako" ngingiti kapa tignan mo! Mahuhulog ako sa ngiti ngiti mong yan ehh!
Kumain nalang ako. Nakakahiya mang kumain sa harap nang gwapong to pero sige na. Gugutumin ako neto ehh.
"Ano nga palang oras ang klase mo?" Tanong niya. Inubos ko muna yung nginunguya ko tsaka ako nagsalita
"9:00 ikaw?"
"Ahh. 8:00" sabi neto
"Bat dika magpalit tanghali na ohh" tinignan ko yung oras 7:23 na
"Papatapusin muna kitang kumain"
Ano ba naman tung lalaking to!
"Nako wag na! Ako na bahala sa plato mo ibabalik ko to ano kaba!" Pambibiro ko. Natawa naman siya
"Ang cute mo kasi ngumuya" napatingil ako sa pagnguya
"Hayysst! Ikaw ahh!" Sigaw ko napatawa naman siya. Kaya ayun pinapanood niya akong kumakain. Sobrang naiilang ako sa ginagawa niya! Pagkatapos kong kumain nag prisinta siyang siya na ang maghuhugas
"Ako na"
"Uyy! Ano kaba! Nakakahiya namang ikaw na nga ang nagluto ikaw pa ang maghuhugas" inagaw ko sa kanya yung huhugasin "tsaka tignan mo late kana ohh" sabay turo ko sa orasan
"Ihhh.. lakong pake jan" sabi niya
"Ako na" tinignan ko siya "maligo kana dali" utos ko rito.
"Babalik ako mamaya dito" ngumiti siya tsaka umalis
Hayyssstt.. Jenna wag kang maniniwala dun. Playboy yun.
Pagkatapos kong maghugas naligo at nag bihis ako kaagad para makapasok na ako..
8:14 palang naman kaya nanood muna ako nang tv sa may sala.
Ring... Ring...
Yliam