Lie's POV
"Dalian mo jan jana! Napaka tagal!" Sigaw ko kay jana
"Teka nga atat ka ghorl?"
"Syempre titira na tayo sa isang condo sino ba namang hindi atat huh?" Nasabi kasi ni jenna na lipat kami dun sa condo niya syempre wala ng patumpik tumpik pa! Gora na!
"Arat na!" Sigaw sakin ni jana
"Teka bat andami mong dala?" Tanong ko
"Aba syempre naman! Bat ikaw?"
"Ayun!" Turo ko sa limang bag ko
"Nakapagsalita ka! Andami mo din palang dala!" Sigaw niya
"Ehh ikaw ilan yan? Isa, dalawa, tatlo,apat, lima pang anim yang bag pack mo ulol!" Sigaw ko
"By the way san tayo sasakay?"
"Secret"
Tinawag ko syempre yung manliligaw ko hahaha para naman mapakinabangan ko siya diba?
"Ano na!?" Sigaw niya
"Atat ka ghorl? Antay ka lang wait lang"
"Ikaw nga ang atat jan kanina ehh! Tapos wala pa palang sasakyan!" Sabi niya tsaka ako inirapan
"Tapang mo ahh! Isipin mo muna kung ano pang naiwan mo para wala ng babalik"
"Tsskkk!"
"Ohh mga dalaga balita ko aalis na raw kayo?" Si tita yung second mother namin dito
"Ahh opo tita. Salamat nga pala sa pagtanggap niyo samin dito at yung mga kabutihan niyo salamat sa pagaalaga at pagiging pangalawang ina namin" isa kasi si tita sa mga pinaka mabait na taong nakilala ko kahit dika niya kilala ituturing ka niyang isang anak at hindi ka niya gagawing iba sa pamilya nila
"Walang anuman anak. Salamat din sa inyo at napakabuti niyong mga bata. Proud ako sa inyo mga anak mag iingat kayo palagi. Basta wag kaklimutan ang laging sinasabi ni tita na?"
"No matter what happen! Just smile, shake, roll! And woaahh!" Sabay sabay naming bigkas
"Basta mga anak mag iingat kayo palagi huh? Wag papabayaan ang sarili"
"Opo tita maraming maraming salamat sa lahat mag iingat din po kayo dito. Dont worry tita pag may time kami bibisita kami sayo" sabi ni Jana
"Talaga lang ahh aantayin ko kayo!" Sabi ni tita na parang nagtatampo
Niyakap namin siya ni jana
"Opo tita promise!" Sabay naming sabi ni jana
Beepp!*
Ayy anjan na sundo namin.
"Mauuna napo kami tita eliza!"
"Sige mga anak mag iingat kayo mamimiss ko kayo!"
"Mamimiss kadin namin tita!" Sabi ko at nagsimula ng magbuhat ng mga gamit
"Hoyyy! Kian! Tulungan mo naman kami!" Sigaw ko
"Kian kapa ahh" panunukso sakin ni janna "Boyfriend mona ba yan?" Tanong niya
"Hindi pa" sagot ko
"Hindi pa it means may pag asa?"
"Shhhh!" Pigil ko sa kanya
Diko alam kung may pag asa nga ba. Wala naman na akong hahanapin pa kay kian mabait, marespeto , mapagmahal , carring lalo na sa family niya tsaka matalino siya mayaman tsaka pogi pa ohh san kapa. Pero syempre wag tayong maging easy to get tsaka maging marupok gaya ni jenna!