Nung gabing yun. Pumayag akong magpaligaw kay klayn syempre pogi na nun play boy nga lang, tsaka ng gabing yung tinapos ko yung kanta hindi kona pinalitan yung gawa niya kasi ok naman na nagdagdag lang ako ng konti. Today is friday night, Nagtipa ako ng mensahe para kanya sabagay sabado naman bukas pwedeng gawin naming practice yun para sa kanta at ng masimulan na naming mag video.
Yliam
Tapos kona yung kanta magkita tayo bukas, cafe
Diko na inantay ang reply niya pero nung narinig kong tumunong ang cellphone ko tinignan ko ito
Yliam
Ok
Yun lang? Bakit jenna may inaasahan kapa bang sasabihin niya? Tssk binitawan ko na kaagad yung cellphone ko at natulog na
Kinabukasan nagising ako ng maaga para makapaghanda 8 kasi ang usapan namin pero alas sais palang gising na ako. Nagluto nalang ako ng makakain, kumain ako at naligo. Late pang magigising yung dalawa magigising yung mga yun mga 12 noon. Tinignan ko yung oras 7:34 palang pero sakto nayun para nandun ako aggad.
Pagdating ko sa Cafe wala pa siya kaya ok lang. umupo muna ako at nag order ng maiinom. Di naman siya nagtagal dumating din siya kaagad.
"Bat ang aga mo?" Tanong niya pero sa iba ang tingin
"Hindi kadarating ko lang, order kana din para naman di lang ako ang may kinakain"
"Ok" tumayo siya at pumuntang counter, pagbalik niya binigyan niya ako ng isang piece of cake
"Bakit to?"
"Kainin mo malamang!" Inirapan ko siya
"Di naman ako nagpabili ahh!" Sigaw ko
"Kaingay neto! Ayaw kong pinapanood mo akong kakain" reklamo niya
"Di naman kita papanoorin" bulong ko
"Bubulong ka nanga naririnig pa kainin mo nalang yan, binigyan kana nga nagrereklamo kapa" sumubo siya sa cake na binili niya
"Dika ba nag almusal?" Nagtaas siya ng tingin sakin
"Hindi, late na ako nagising kaya nagmadali na ako" sumubo siya ulit
"Edi dapat nag text ka nalang na malalate ka" nilapag niya yung tinidor niya at hinarap ako
"Wala din akong lulutuin" uminom siya sa coffee na binili niya "ano dimo ba kakainin yan?" Turo niya sa cake na nasa harapan ko
"K-kakainin" sumubo na ako "nga pala marunong kaba mag play ng guitar?" Kailangan kasi nun para mas maganda
"Oo" tipid niyang sagot
"Kapahin mo yung chords ng kanta natin para naman hindi plane tsaka para mas gumanda"
"Ok" kinis to! Napaka tipid tinuloy ko nalang ang pag kain. Wala ako sa mood makipag sagutan sa kanya ngayon lalo na at parang hindi maganda ang mood niya
"Nga pala, hindi tayo gaanong makakapag focus dito maingay kaya kung gusto mo dun nalang tayo sa condo mo" di niya parin ako tinitignan
"Huh!? Ayaw ko dun! Tsaka magulo dun" palusot ko ayaw ko lang kasing bunalik
"Ok dun tayo sa bahay" sinubo niya ang last na nasa plate niya tsaka tumayo
"Uyy wait!" Sigaw ko at sinubo lahat ng natitira tsaka ko kinuha yung drinks ko at sinundan siya kaagad.
Dala niya pala yung sasakyan niya
"Ano ba? Di ka man lang magantay napaka attitude neto!" Sigaw ko tinignan niya ako