Jenna
May pasok ba ako ngayon? Arrgghhhh. Nakakatamad bumangon.
Ano ba ngayon? Tinatamad na akong pumasok. Matutulog muna ako.Pana pala ako nakauwi dito? Malamang hinatid ako. Hindi So binuhat niya ako? HAHAHAHA
Ding Dong...
Sino naman kaya yan ang aga aga. Tssk. Tumayo ako at binuksan ang pinto
"Hi Jenna Good morning" bungad sakin ni klayn
Sinarado ko kaagad yung pintuan. Bakit siya andito? Alam niya naman galit ako sa kanya diba? Nakakaasar naman! Ano bang gusto nang taong to? Pangit ko paman din ngayon
"Jenna?" Tawag niya sakin
Pano ba ko magpapakita ngayon? Wala pakong hilamos. Ayun panyo! Kinuha ko kaagad yung panyo at tinakpan ko ang mukha ko gamit ito.
Binusan ko yung pinto
"Bakit ka andito?" Tanong ko. Medyo natawa siya pero pinigilan niya
"Gusto kong humingi nang tawad sa ginawa ko" nakayuko niyang sabi
"Pasok ka muna" pinapasok ko muna siya tsaka ako tumakbo sa banyo at naghilamos nag toothbrush at nagayos nang sarili
Pano ba? Magagalit bako? Sa ginawa niyang halikan ako? O sa sinabi niyang kapatid at kaibigan lang ang turing niya sakin? Wag na baka makahalata siyang gusto ko siya. Wag na sasabihin ko nalang na ok na sakin. Di parang ang easy ko naman kapag ganun! Nakakainis naman! Pano bang gagawin ko
Ang tagal kona dito sa banyo. Diko ba alam kung may balak pakong lumabas o wala na. Malamang nagiisip na yun kung bakit antagal ko. Bahala na si Darna. Lumabas na akong banyo nakita ko siyang nakaupo at nilalaro ang susi nang kotse niya.
Ang Gwapo niya kahit simpleng damit lang bagay na sa kanya. Dadag mopa yung kabaitan na meron siya. Kaya siguro ako nahulog. Hindi nadin ako magtataka kung bakit ganun nalang kabilis. Oo dati diko maamin sa sarili kong gusto ko siya. Pero ngayon nakikita ko palang siya ang bilis na nang tibok nang puso ko. Kaya siguro ganun nalang ako masaktan nung sinabi niyang kaibigan, Kapatid ang turing niya sakin pero ok nako dun ngayon. Siguro nga hindi pa panahon para magmahal at masaktan ako ulit its a sign so I will act like nothing nalang
"Jenna?" Tawag niya sakin
"Huh?"
"Kanina pa kita kausap nakatulala ka lang diyan. May problema ba?" Luh? Nakakahiya
"A-ahh? W-wala" nauutal kong sagot
"Sigurado ka?"
"Ano nga ulit yung sinasabi mo?" Tanong ko
"Sabi ko. Sorry about sa kahapon"
"Ahh. Ok lang" sagot ko
"Sigurado ka?" Sincere naman siya kung mag sorry
"Oo. Kumain kana ba?" Nag act nalang ako na parang wala nalang
"Mmmm. Hindi pa nga ehh"
"Wala kabang klase?" Ako kaya wala?
"Sabado naman ngayon"
"Ayy akala ko. HAHAHAHHA" Napatawa nalang ako pati rin siya
Mas mabuti nang ganito nalang kami. Magkaibigan
"Anong gusto mong ulam?" Tanong ko
"Ikaw" ngumiti siya. Nako naman wag ganyan! Baka mas lalo pakong mahulog sayo ehh!
"Sige ba. Masarap naman ako" nakangiti kong sabi
"HAHAHA sige lutuin mo sarili mo jan" sabi niya