Chapter 15

0 0 0
                                    

Jenna

"Hoohh" pinikit ko ang mga mata ko at naglakad na ulit

"Antagal mo naman"

"Mabilis na yun"

"Dalian mo. Madami pa tayong kakainin" nakangiti niyang sabi

"Dahil Birthday mo ngayon kailangan mong ubusin yan"

"Huh? Grabe ka naman! Ayaw ko maging baboy gaya mo"

"Kapal nang mukha mo ahh!"

Napatigil ako kasi ngayon ko nalang ulit nasabi sa kanya yun. Nakakahiya

"HAHAHAHAH Dika pa din nagbabago Jenna"

Oo nga ehh. Hanggang ngayon mahal padin kita

"Wag mo kasi akong tawaging baboy. Pag ako naasar"

"Pikunin ka padin hanggang ngayon" tumatawa pa siya

Nakakatuwang tumatawa siya. Pero kailangan ko nalang itago ang Nararamdaman ko

"Gusto mo uminon?" Napatingin ako sa kanya.

"Huh?"

"Inom tayo" tumayo siya at pumunta sa kusina

Diko ba alam kung bakit hanggang ngayon mahal na mahal padin kita nikko.

Pagdating niya andami na niyang dalang alak. Linapag niya ito at bumalik pang kusina para kunin yung ice at Baso.

"Ayan. Mag celebrate nalang tayong dalawa" tinignan ko lang siya "bakit ayaw mo?"

"Hindi ok lang"

"Dun nalang pala tayo sa Pool sa taas. Gusto mo?" Feeling ko nga mas maganda dun

"Sige tara" kinuha kona yung mga iba at siya naman na nagbuhat sa iba
"Baka mamaya biglang dumating si Rhiz ahh. Awayin pako nun"

"Hindi. May inaasikaso siya sa Canada"

"Malay mo may surprise siya. Tapos siya pala ang masusurpresa sa madadatnan niya" ayaw ko kasing mapaaway nang dahil lang sa lalake.

Oo mahal ko si nikko. Pero Care padin naman ako sa feelings ni Rhiz babae din naman ako. Alam kong masakit yun para sa kanya.

Umupo ako sa may gilid nang pool at binabad ko yung paa ko sa tubig

"Sarap nang simoy nang hangin dito" ang ganda talaga dito.

"Naalala mopa ba?" Tumabi siya sakin

"Alin?" Tanong ko

"Yung mga araw na masaya pa tayo. Tapos dito tayo pag gabi nanonood nang mga stars" tumingin siya sa langit

"At naguunahang mag wish pag may nakitang shooting star" sabi ko at Napatawa kaming dalawa.

"Oo nga ehh. Pero wala pa namang star ngayon kasi tirik pa yung araw"

"Tignan nalang natin ang mga ulap"

"Tignan mo yun" turo niya dun sa Ulap

"Asan jan?" Tanong ko

"Ayun nakikita moba yun? Mukhang Aso na may hawak na Buto"

"Oo nga no ang cute. Pituran natin" nilabas ko yung Cellphone ko pagkabukas ko neto andaming missed calls nila Yliam at Klayn pero diko na pinansin kinunan ko nalang nang picture yung ulap.

"Ohh" inabot niya sakin yung beer

Uminom naman ako kaagad

"Balita ko. May fiance na kapatid mo"

Pretending YoursWhere stories live. Discover now