Chapter 11

2 0 0
                                    

Jenna

"Klayn! Wait!" Sigaw ko kay klayn wala kasi akong kasabay pumasok ehh. Tinignan niya ako. Ayy galit pala to kagabi. Huminto ako medyo nakaramdam kasi ako nang hiya. Pero bigla siyang lumapit

"Bakit? May problema ba?" Kinapa niya yung ulo ko "ok kana ba? Akala ko kasi hindi kapa papasok kaya di na kita nasaglit" wala siyang emosyon mukha siyang walang pake pero pinapakitang may pake

"Ahh.. ehh ok lang" ngumiti ako sa kanya

"Tara na" aya nito. Wala parin siyang emosyon di man lang siya ngumiti

Ang wierd lang huh hindi ako sanay

"Kumain kana ba?" Bigla niyang tanong. Nang di man lang tumitingin sakin

"Ahhh. Oo" ngumiti ako naiilang ako kapag ganito

"San ka pala sumakay?"

"Nag commute ako"

"Sana tinext moko para nagkasabay tayo" sabi neto. Hindi niya ako tinitignan

"Wala akong load ehh" nakakainis siya galit ba siya sakin?

"Ahh. Sige hatid na kita sa klase mo" bat di siya tumitingin sakin?

"Hindi na kaya ko na" sagot ko

"Hindi ihahatid kita" dina ako sumagot baka mas magalit pa siya

Napaka sarcastic nang boses niya na parang nang iinsulto ganun. Ano bang meron?

Dina ako umimik hanggang sa Makarating kami sa tapat nang room ko ngayon.

"Bye" ngumiti siya pero panandalian lang

"Bye" sabi ko at umalis na siya kaagad ano kayang problema nun "nakakainis ka" bulong ko

"Ayyy palaka!" Nagulat ako nung nakita kona si ylaim sa harapan ko

"Sinong palaka?" Salubong ang kilay niyang tanong

"Ikaw! Bigla bigla ka nalang nagpapakita!" Sigaw ko

"Tsskk. Sa gwapo kong to? Magiging palaka ako?" Ang hangin talaga

"Anlamig! Lakas nang hangin!" Sigaw ko sabay pasok na sa room

Pumasok din siya. Oo pala klasmate kami ngayon. Hayysstt.

Tumabi siya sakin. Pero diko siya pinansin

"Sorry pala about kagabi" biglang bangit neto. Himala ahh

"Para san?"

"Basta sorry anu ba!" Naiilang niyang sagot

"Marunong ka pala mag sorry"

"Tssk ewan ko sayo! Ako na nga humihingi nang paumanhin! Kaasar naman o!" Nakakunot nanaman ang noo niya

"Bat ka nagagalit!?" Sigaw ko

"Ehh! Nagsosorry na nga ako nanloloko kapa jan! Pwede namang sumagot ka nang ok lang. Ganun"

"Ehh hindi nga ok sakin bakit ba!?" Sigaw ko

"Kaingay mo! Manahimik ka nalang jan! Badtrip!" Nag cross arms siya

Bat ba napaka pikunin nang taong to! Kaasar. Tssk bahala ka sa buhay mo.

Maya maya pa ay nanjan na yung teacher namin

"Boring" bulong ni yliam

Discussssss
Discussssss

Maya maya nakita kong tulog si yliam. Hahaha. Ang pangit niya pag tulog! Hahaha.

"Pangit mo" bulong ko. Kinuha ko yung cellphone ko sa bag at kinuhanan siya nang picture.

Pretending YoursWhere stories live. Discover now