Jenna
Uuwi na ako ngayon sa Philippines naiinis ako Sobra!
"Jenna?" Nahalata siguro ni jennie na hindi ko siya pinapansin
Tinignan ko siya "Akala ko gagawa ka nang paraan para makauwi sa Philippines pero hindi pumayag ka"
"Sorry. Alam mo namang wala akong magagawa. Isang salita lang si Dad ehh" Naiintindihan ko siya pero nakakalungkot ansaya kona kasi magkakasama kami pero panandalian lang pala
"Ok" yun nalang ang nasabi ko. Naka ready nako paalis. Inaantay ko nalang yung oras nang flight
"Eto number ni Frian. Tawagan mo siya kapag magpapasundo ka" kinuha niya yung phone ko at siya na ang nag save nang number ni frian "Jenna Sorry pinagbantay kapa" naalala ko nanaman yun
"Ok lang. Tsaka hindi naman siguro ganon kahirap magbantay nang Matanda" Ok lang ako nang ok lang pero sa totoo lang inis na inis na ako
Nginitian ako ni Jennie "Ma mimiss kita" lumapit siya sakin at niyakap niya ako
Naiiyak ako kaso pinipigilan ko. Ang hirap din naman kasing anlayo layo namin sa isa't isa.
"Sige na mauuna na ako" bumitaw ako sa yakap niya "Ingat ka dito" sabi ko.
"Ihahatid sana kita sa Airport kaso"
"Kaso ano? Hindi moba ihahatid si Yliam?"
"Ayy oo pala wait lang huh" dinial niya aggad yung number ni Yliam
"Babe? Asan ka?" Diko marinig yung kabilang linya "Haayysssttt.. Sige Ihahatid kita dun" so Ako hindi? Yung yliam na yun siya pa nag prisinta!? "Nako naman nagtampo pa. Ihahatid kita Babe. Sasabay ako kay Jenna" ayy ganon!! Ok
Diko nalang pinakinggan yung pinaguusapan nila. Siguro nga medyo naging ok na sila kasi Magkasama sila buong gabi. Hayyssssttt.. namiss ko nanaman tuloy si Nikko.
"Ikaw lang ang mamahalin ko" niyakap niya ako nang sobrang higpit
"Talaga? Ayyy.. pag ako iniwan mo papasabugin ko bungo mo!" Panakot ko sa kanya
"Hahahha.. Oo!" Hinawakan niya yung kamay ko "Hindi ako natatakot kasi sigurado akong di kita iiwan. I love you Jenna" hinalikan niya ako sa noo
"I love you too Nik"
Ano ba yan Jenna! Ayaw ko nang umiyak huh! Kung bibigyan lang ako nang pagkakataong makausap siya. Tatanungin ko kung asan na lahat nang mga pangako niya.
"Jenna lets go" wow ahh handang handa siya
"Akala koba hindi ka sasama?"
"Ehh. Nagtatampo kasi si Yliam kaya wala naman akong magagawa" ngumiti siya nakikita kong siguro nga ginusto nadin niya
"Ok ka lang na hindi na kayo magkikita ni Yliam?" Bigla kong tanong syempre mahirap naman yung Long Distance diba?
"Ehh. Kakayanin nalang ahh. Tsaka napagusapan nadin namin yan kagabi ok lang naman. Ayaw niya kasing mag-aral dito kaya ayun sabi niya kakayanin naman daw" Nakangiting sabi ni jennie inlove na ata aggad ehh
"Kakayanin niyo" nginitian ko siya "Tara na" binitbit kona yung gamit ko konti lang naman ehh
Nag paalam nadin ako kila Mommy at Daddy as usual wala lang sa kanila na aalis ako kasi sanay naman silang wala ako.
Ring.... ring...
May tumawag kay jennie
"Hello? Oo babe papunta na antayin mo kami jan" nako naman siya nanaman