Loving Spade Holloween Special 2

1K 42 1
                                    

WARNING: SUPER SPG

Race's Pov

Nagmulat ako ng mata meron akong naaaninag na mukha.

"Ouch ahh masakit" daing niya dahil bigla akong bumangon

"Nasaan ako? Buhay pa ba ako?" histerical kong tanong. Di ko na nga ininda ang untugan namin.

"Malamang buhay kapa. Nag alala ako dahil nakita kitang walang malay sa hallway akala ko may nangyaring masama sayo,  nahimatay ka lng pala."

"Butler Marvin " tawag ko di ko alam kung sasabihin ko ba kung ano ang nakita ko.

"Ano yun?"

"Lumabas na ba si Master sa kwarto niya?"

"Ah mamaya pa yun lalabas kasi napagod talaga siya sa byahe at masama pa pakiramdam niya. Oh siya magluluto na ako. Mag pahinga kana muna baka mahimatay ka ulit" lumabas na siya ng kwarto ko.

Imposible, sigurado ako sa nakita ko. Pero bakit sa hallway niya ako nakita?

Nag madali akong lumapit sa kaharap ng kama ko na salamin. Hinahanap ko kung saan yung bakas ng kagat. Pero WALA as in WALANG BAKAS.

Nananaginip lng ba ako?

O nababaliw lang?

Bakit parang nahihilo ako?

Siguro nga sa pagod lang ito tama pagod lang.

Dinner na kaya lumabas ako ng kwarto. Aba di ako nag tanghalian kaya gutom na gutom ako.

Natulala ako ng makita ko ang taong kumagat sakin! Nakaupo sa dulo ng lamesa..

"Race ano pang tinatayo mo diyan umupo kana" tawag sakin ni Marvin.

Nanginginig naman akong nglakad. Siya yung bampira. Tama nga di ako nananaginip!

Umupo ako medyo sa malayo sakanila pero sinenyasan ako ni marvin na umupo sa tapat niya which is katabi lang nung Homo-Vampire. Wala akong nagawa kundi dun umupo.

"Master siya nga pala ang tutulong sakin sa paglilinis"

"Race right?" baling nito sakin. Tumango tango ako at binalingan siya ng tingin.

Hindi pula ang mga mata niya kulay green ang mga ito. Naalala ko kung gaano kapula ito kanina. Thinking of it ay kinikilabutan ako.

"Race siya si Master Spade"

"Good evening Ma-master Spade" di talaga ako mapakali

"Tikman mo niluto ko Race. Masarap ba? First time ko mag luto para sa tao."

huh?

Napakunot ako ng noo sakanya.

"I mean para sa ibang tao" bawi niya.

Meron siyang tinatago sakin, alam kaya niya na Vampire ang master?

Kumuha na ako ng pagkain at tinikman ito.

"Masarap! Ang galing mong magluto"  puri ko

"Talaga? Siyempre kapag butler dapat alam lahat. Matikman nga" at magana siyang kumain

tama nga ako ng iniisip hindi rin siya tao! Wala ngang kalasa lasa ang luto niya. Nag sinungaling lang ako.

Kaya ba niya ako hinire kasi mamaya ako ang magiging middle snack nila?

"Tss walang lasa" parehas kaming napatingin ni Marvin kay master.

"Waah walang lasa? Kung ganon nagsinungaling ka Race? Why? Why?" with teary eyes siya. Medyo na guilty naman ako. Pero tama na ang lokohan! Kung kakainin nila ako dapat alam ko!

Loving SpadeWhere stories live. Discover now