Chapter 19

766 37 1
                                    


Bukas na yung camping nakapagempake na rin ako. Isa na lng ang pinopromblema ko. Baka hindi ako payagan ni Spade! Napaupo ako mula sa pagkahiga ko ng bumukas ang pintuan.

"Spade andiyan kana pala"

"You look anxious" masyado ba akong obvious?

"Going somewhere?" he directly looking at my packed things.

"Uh actually dapat kahapon ko pa to sinabi kaso mukhang busy ka. Uhmm"

"Go on"

"May 3 days camping kami! At bukas na yun" lakas loob kong sabi. Pero walang pinagbago ang expression niya

"Para saan yung camping?" he ask straight face. Feeling ko nagpapaalam ako sa magulang na hoping papayag.

"Para sa photography club sumali kasi ako nung isang araw. At sa Puerto Prinsesa gaganapin" paliwanag ko

"Then enjoy the trip"

"Ta-talaga? Pumapayag ka?"

"Yeah" I thought he will say no, para san pa yung pagaalala ko na di siya papayag? Bakit parang nadisappoint ako? Iniisip kasing hindi niya ako papayagan since 3 days kaming di magkikita. Siguro kaya niya ngang di kami magkita ng ganun katagal.

"This is Spade.. Yeah.. I changed my mind I'll come" kausap niya sa phone. Binaba niya ang tawag at humarap sakin.

"Be sure that you complete your things. I will go now something came up" lumapit siya sakin and kiss me. Di ko na siya napigilan ng lumabas na siya.

Kaasar ka! Bakit di ka magstay just this night? Naiinis ako. Parang wala lang sakanya ang pag alis ko. Mas importante ba yang gagawin niya ngayong gabi?

MATUTULOG NA AKO! Wag siyang tatawag sakin dahil di ko yun sasagutin! Arggg!





Third Person's POV

Kaagad bumaba ng kotse si Spade nasa main base siya ngayon ng mafia dahil ngpatawag ng meeting ang kanyang ama.

"Meeting adjourned" after that ay sabay sabay na umalis ang mga taong nasa meeting

"Tristan do not disappoint me" banggit ng ama bago pa man siya makalabas.

"Yeah" at tuluyan siyang lumabas

"Spade!" pagkalabas niya ay biglang may yumakap na babae sakanya. Hinayaan niya lng ito.

"Bat ngayon ka lng? I missed you!" umalis ito sa pagkakayakap ngunit sa braso naman niya ito kumapit.

"I'm busy" walang emosyon niyang sagot

It been a days simula nung nabili niya ito at naging komportable ito sa base. Alam na rin nito ang pangalan niya maybe tinanong nito sa mga tauhan niya.

"Ah galing kang school? Wahh gusto ko ring pumasok ulit sa school. Can I?" nakauniform pa siya kaya halatang galing si Spade sa school. Sobrang kulit nito ayaw niya sa lahat ay tinatanong siya. Pwera na lng sa isang tao. Pero hindi matanong si Race. Iniisip niya pa lng na tanong ng tanong sakanya si Race ay mas sasaya pa siya

"Hey nakikikinig ka ba?" nagising siya sa malalim na iniisip niya

"Yeah" sagot niya kahit di niya alam ang mga pinagsasabi nito.

"May problema ba?" tanong nito kay Spade dahil bigla itong tumigil sa paglalakad.

"Kailan ka magsasalita?" seryosong tanong ni Spade

"Ha? Nagsasalita naman ako ah?" maangan nitong sambit

"That' not what I mean"

"Ah inaantok na ako bukas na lng tayo magusap" halatang iniiwasan nito ang tanong niya.

Loving SpadeWhere stories live. Discover now