Chapter 34: HURT

450 23 1
                                    

Race's POV

Wala pang dalawang oras simula ng natulog ako kanina ay ginising na ako ng butler. Naghihintay na daw ang trainor ko sa baba. Kahit antok pa ay nagasikaso na agad ako ng sarili at bumaba.

"38 mins. Late" bungad niya agad sakin. Nasa 40's na siya pero malakas pa rin. Kailan kaya siya magreretire? Ang sungit eh. Nagkibit balikat lang ako. At sinimulan ang punishment ko takbuhin lang naman ang palibot ng mansyon ng 38 na beses. Kung ilang minute akong late ganun din ang bilang ng tatakbuhin ko. Sa lawak pa naman ng mansyon na ito halos hingalin na ako sa limang ikot pa lang.

Napaluhod ako sa pinakahuling ikot
"Today I will teach you how to drive" naexcite ako bigla. Makakapagdrive na rin ako. Pero di pa ako 18

"Age doesn't matter" nabasa niya ata ang iniisip ko.
Pinaliwanag niya ng mabuti kung ano ang gagawin sa pag nagdarive. Ano ang mga uunahig galawin at maging kalmado lang.


Pero nagpapanic parin ako dahil hindi basta basta pag dadrive ang pinapagawa niya sakin! Na gets ko naman lahat at napatakbo ko naman kanina tong kotse ng maayos.

But this is different! Gusto niyang paliparin ko tong kotse.

"Mr. Sing I can't do this" halos di na maipinta ang mukha ko. Parang akong natatae na ewan. Nasa gilid siya ng kalsada at hinihintay na paandarin ko tong kotse.

"There's no turning back. You'll die if you can't do that properly" parang wala niyang sabi

Sunod sunod ang paglunok ko. Tinitignan ko ang putol na kalsada. Then nasa kabila ang kaputol nito. Talagang kailangan papaliparin ko ang kotseng ito kung gusto ko pang mabuhay. Napahigpit ang hawak ko sa manibela.

Bigla kong naalala si Ac. How monster she is in driving. Napaka kalmado niya that time habang ako ay nagpapanic.

Huminga ako ng malalim at tinuon ang pansin sa kalsada. Focus and be calm.

I can do this...

Sinimulan kong paandarin ang kotse. Nararamdaman ko ang bilis ng pintig ng puso ko. Pero hindi ko ito pinansin. Hindi dapat ako makaramdam ng kaba.

Madiin kong tinapakan ang accelerator ng kotse. Parang biglang nagslowmo ang lahat. Hanggang sa lumapag na ako sa kabilang kalsada. Tinapakan ko agad ang braker para huminto ako.

Oh my gahd! Did I just make it?

Napatingin ako kung nasaan si Mr. Sing I saw him half smiled. Kunwari pa pero proud yan sakin.

"Magaling Master Race. You already know how to face your fear"

Ito ang unang beses na nagcompliment siya sakin.

"Thank you Mr. Sing" kung ganon hindi lang pala pag da-drive ang ituturo niya kundi pano humarap sa takot.

"Rest now and later let's proceed to the training."

Iisipin ko pa lang na maghapon na magtetraining ay napapagod na ako.

............

Lunes ng umaga nasa clubroom na agad ako dahil nagkaroon kami ng meeting about taking pictures for newspaper club. After nung naghakot kami ng panalo sa Palawan ay napansin na kami ng school.


Kagabi sinend daw ang mga hot topics kay president. It means kailangan magkaroon kami ng picture na makakapagpatunay doon. Parang ang hirap, pano kung chismis lang?

"I CAN'T BELIEVE THIS!" sigaw ni Amie pagkabukas pa lang ng pinto.

Lumapit siya samin. Halata sa itsura niyang excited na excited siya.

Loving SpadeWhere stories live. Discover now