Chapter 6: Pervert Dormate

1.3K 59 2
                                    

Race's POV

Pagkapasok ko ng dorm ay parang lantang gulay akong umupo sa kama. Aish nakaka pagod sobrang daming pumunta sa booth namin.

Mabuti na lang ay last day na ngayon 2 days lang naman yung booth. Napagpasyahan kasi ni Marvin na sa pangatlong araw ay ma-enjoy naman namin ang festival.

Kaya lahat ng kaklase ko ay nag sasaya. Mag hapon lang akong matutulog bukas.

Napatingin ako sa mga maleta. May kasama na ako dito? Sana naman ay di to tulad nung nauna kong dormate yung kung makapag patutugtog sobrang lakas.

Hindi naman nabubulabog ang iba pang rooms dahil di naman nila maririnig dahil sound proof ang lahat ng kwarto. Tanging ako lang talaga ang kawawa.

Makaligo na nga. Gusto ko nang mag pahinga at matulog. Pagkapasok ko Cr narinig kong bukas ang shower. Eh? Siguradong si Ray ito.

Palagi siyang nag sha-shower dito pag di siya maka pag hintay sa dormate niya na nauna mag shower.

"Ray ilang beses ko bang sasabihin na huwag ka rito magshower? Lalo na at may kasama na ko dito. Baka magalit yun" ako at pinagmasdan ang sarili kong repleksyon sa salamin.

Napatingin ako sa direksyon niya ng marinig ko ang pag bukas ng shower curtain.

"Ra---" napatigil ako sa pgsasalita at napanganga ako. Bakit siya nandito? Mabilis akong tumalikod.

Shit wala akong nakita! Bakit di manlang niya takpan ang parteng yon?

"Who's Ray?" matalim niyang tanong. Pero di ko siya sinagot.

"The dorm leader didn't say na maninilip pala ang dormate ko" mapang asar niyang sabi. Wow ako pa ang naging mukhang bastos.

"Di ako naninilip!" sigaw ko. Mabilis akong pumunta sa pintuan pero di ko pa nabubuksan ito ay kinorner niya ako.

Pinigilan ng kamay niya ang pagbukas ko ng pinto.

"Aminin mo na gusto mo makita ang katawan ko" bulong niya na naka pag pataas ng balahibo ko.

Tinulak ko siya kaya naman napaatras siya. "Asa!" ako at agad na binuksan ang pinto. Shit why Spade is here? Don't tell me he's my dormate? I'm doomed.

I have a PERVERT DORMATE! (|||゚д゚)

......

"Hindi ka pa bababalik sa kwarto mo Race?" inaantok na sabi ni Marvin habang naka pamaywang sa harap ko. Nakahiga ako ngayon sa kama niya.

Umurong ako "Dito na muna ako Marvin" ako at niyakap ang unan. Umalis ako sa kwarto bago pa lumabas ang manyak na yun

"Di tatalab ang pag papacute mo Race" siya at inagaw ang unan. "Bumalik kana"

"Waaah!ansama mo di kaba naaawa sakin?" ako at pinupunasan ang kunwaring luha ko.

"Inaaway kaba ng dormate mo?" pano niya nalaman? Mukhang nabasa niya ata ang iniisip ko kaya.

"Tsk sino di makakaalam na may dormate ka? Eh kalat na sa buong dorm. Lalo na si Spade yung mag do-dorm. At ikaw lang naman ang walang kasama sa kwarto." siya at umupo sa kama.

"Payo ko lang mag ingat ka sa taong yun" siya at napaka seryoso.

"At bakit naman?" ako at napalunok

"May bali-balita na gangster daw yun. Nananakit kapag hindi niya nagustuhan ang ginagawa mo" nanigas ako bigla.

Waaah! Hindi lang pala manyak ang isang yun GANGSTER din! RIP sayo Race huhuhu

"A-anong gagawin ko?" kinakabahan kong tanong.

"Ano pa edi iwasan mo" WOW ang gandang advice pano ko yun iiwasan kung mag kasama kami sa iisang kwarto?! Tanga din tong si Marvin eh

"Lumayas kana! Gusto ko ng mag pahinga!" hinila niya mga kamay ko

"Ayoko!" pag mamatigas ko

Biglang pumasok ang dormate niya "Hey nandiyan sa labas ang dorm leader. Ang sabi niya bawal daw makitulog sa ibang kwarto. Nag i-inspect siya ng mga kwarto" what? Kailan pa niya pinag bawal? Nag tataka kaming nagkatinginan ni Marvin.

Nginitian naman niya ako ng wagi. Shit no choice kundi bumalik sa kwartong yun.

Pag kalabas ko ng kwarto nila Marvin ay nakasalubong ko ang dorm leader. Nasa aura talaga nito ang mapasunod kahit sino.

Napaka seryoso ng mukha nito. Studyante lang rin siya nasa grade 11. Nang lagpasan ko siya

"Inistorbo niya lang ako para pauwiin ang lover niya" rinig kong sambit nito. Napalingon ako sakanya pero nag lalakad na ito daretso.

Lover? Sino ba binabanggit niya? Mukhang ako pinariringgan niya since ako lang naman dito. Nakakunot ako.

Huminga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Napakadilim ng buong kwarto.

Siguro natutulog na siya? Natuwa naman ako kaya dahan dahan akong pumunta sa kama ko.

Kahit di ko makita ang dadaanan kabisado ko ang kwartong to. Sa wakas makakapag pahinga na rin ako.

Umayos ako ng higa ready to sleep na. Tumagilid ako, pero agad akong napamulat ng may maramdaman akong matigas.

Teka bat parang ang lumiit ang kama ko? Pader agad?

Hinaplos haplos ko ito para siguraduhin na wall ito.

Bakit pader agad?

Nagtataka kong tanong. Alam ko malawak ang kama ko pwedeng gumulong.

Biglang may humuli ng kamay ko.

"You enjoy touching me huh" nanlalaki ang mga mata ko.

Naramdaman ko ang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Tinangka kong bawiin ang kamay ko pero mahigpit niya lang itong hinawakan. Shit shit bat nandito siya sa kama KO?

"You- you what are you doing here?"

"I like this bed" he monotonously said. Ramdam ko ang hininga niya amoy mint.

Sobrang lapit niya! Siguro kung maliwanag ay maduduling ako sa sobrang lapit.

"Then ako ang lilipat" ako at akmang aalis pero hindi niya tlaga ako binibitawan.

"Ano-- hmmp" hindi na ko nakapag salita ng halikan niya ako! Shit this kissing monster!

"Shut up, let's sleep" naramdaman ko ang pag pulupot ng kamay niya sa bewang ko kaya lalo nag kadikit ang katawan namin at sinandal ang mukha niya sa may leeg ko.

Now he is sleeping soundly. While me? I don't know. I can't sleep with this kind of position!

To be continued....


A/N: here's the update.

PLUG! PLUG! Please read my other book "M:The Underworld" May pasabog ako sa dalawang story. Magugulat kayo hahah...  

Comment and Vote....

Loving SpadeWhere stories live. Discover now