Chapter 30

508 24 1
                                    

Race's POV


JAPAN'S AIRPORT



Kabababa pa lang namin ni Spade ng eroplano. Di pa rin ako makapaniwala na nasa ibang bansa ako.


Ramdam ko ang lamig kahit patong patong na ang jacket kong suot. Habang nasa daan papunta sa tutuluyan namin ay mangha akong nakatingin sa labas. Umuulan kasi ng nyebe. Para akong bata first time ipinasyal ng magulang.


"Do you like it?" Spade ask. Mabilis na tango lang ang isinagot ko at hindi inaalis sa labas ang tingin ko.


"Were here"

Lumabas kami ng kotse. "Spade dito tayo tutuloy?" tanong ko. Ang ganda ng bahay. Japanese na japanese style.


"This is our house in Japan" he answered. May bahay kami rito? Akala ko sa hotel lang kami since 3 days lang naman kami rito.


"It's cold, let's go inside" Him

Kung maganda ang labas lalo na ang loob. Feeling ko naging japanese ako. Meron itong garden na may maliit na batis tapos may kawayan. Malawak ito at maraming nakatanim na halaman. Napaka gandang pagmasdan.


Biglang may yumakap sakin mula sa likod.

"Kuya baka may makakita satin" akmang aalisin ko ang pagyayakap niya. Nang higpitan pa niya lalo ang yakap niya.


"Tayong dalawa lang ang nandito"

"huh? Tayo lang?" pwede ba yun. I thought dapat diba maraming bantay dahil maraming gustong pumatay samin?

"I know what you are thinking. I can protect you Race. No one can kill you" Di ko maiwasan ang pamumula sa sinabi niya.


"You're blushing"

"I-I'm not!" tanggi ko.


"Ok, maybe because of cold kaya namumula ang mga pisngi mo." pinaharap niya ng mukha ko sakanya.


Wala sa sarili akong napapikit. Ang init ng hininga niya. Sobra kasing lapit ng mukha niya sa mukha ko. Nakakapaso ang mga tingin niya. Until I felt his warm lips envelope my cold lips.



"Magpahinga ka na. I know your tired" sabi niya pagkahiwalay ng mga labi namin. Doon ko naramdaman ang pagod sa byahe. I felt sleepy.



"I have some business to attend to. Stay here and rest" tumango lang ako sakanya. The bed is so warm. Naramdaman ko na lang ang paghalik niya sa noo ko. Kasabay din nun ang tuluyan kong pagkahulog sa pagkakatulog.



-------




2 days had past..... DALAWANG ARAW na nakakulong ako sa bahay na to. Wala akong ibang ginawa kundi ang mag facebook at manood ng T.v na hindi ko naman maintindihan ang pinagsasabi dahil japanese language ang gamit. Mamamatay na ako sa pagkabored.





Sobrang busy niya. Tuwing gabi lang siya umuuwi. Kagabi naramdaman ko na lang ang pagtabi niya sakin at pagyakap. Antok na rin ako kaya hindi na kami nakapagusap. Ang aga niya rin umalis kanina. Dapat di niya na ako sinama dito kung ganito lang rin.



Aish! Tama na to. Lalabas na muna ako! Sayang naman ang pagpunta dito kung di ko malilibot kahit paligid ng labas ng bahay na ito.




Lumabas ako ng bahay. Ramdam ko parin ang lamig. Halos puti ang nakikita ko. Hindi naman ako lalayo para di ako maligaw. Tatandaan ko na lang ang daan.





Loving SpadeWhere stories live. Discover now