Chapter 22

756 32 3
                                    

Spade at the side....

Race's POV

'Cough... Cough.. Ugh' Ubo ko pagkaahon ko. Hirap akong naglakad.

I thought mamamatay na ako. Napahawak ako sa balikat ko kung saan tumama yung bala. Mabuti dito lng tumama.

Napahinto ako nang maramdaman kong may malamig na nakatutok sa likod ng ulo ko. Kung hindi ako nagkakamali ay baril.

Napataas ang isa kong kamay hindi ko maitaas ang isa dahil namamanhid na ito at unti unting humarap sakanya. Ngayon ay nasa noo ko na nakatutok ang baril niya.

Walang emosyon na mukha ni Ray ang bumungad sakin. Ngayon ko lng nakita na nakakatakot pala siya kapag nagseryoso. Palagi kasi siyang nakangiti at napaka aliwalas ng mukha pag nakikita ko siya. Siya ba talga ito?

"R-ray ako ito si Race..." nagbabakasakali akong nagbibiro lng siya at hinihintay ko ang nakakainis na tawa niya.




Pero wala...




"Yeah I know" he coldly said. Napalunok ako sa lalim ng boses niya.

"We're friends r-right?" pinagpapawisan na ako. Feeling ko bigla akong natuyo.

"Why are you here? Why did you took a picture?" sunod sunod na tanong niya.

Na misunderstand nila. Baka iniisip nila na sila ang pinipicturan ko.

"Nagkakamali ka! Hindi ko kayo pinipicturan. Kahit tignan mo pa. Pero bago yan ibaba mo muna yan" tukoy ko sa baril niya. Pero parang di parin siya kumbinsido. "You know me. Hindi ako nagsisinungaling lalo na kung sa ganitong sitwasyon" dugtong ko. Ibinaba naman na niya ito na ikinaluwag ng loob ko. Mamaya bigla niyang makalabit edi patay ako agad?

Binigay ko sakanya ang camera ko "Oh eto saksak mo sa baga mo" inis kong sabi. Yeah right wala ng nakatutok kaya malakas na loob ko haha

Nakita ko naman ang pagdilim ng mukha niya. Mukhang naasar sa sinabi ko. Pero kinuha niya pa rin ang camera ko at chineck ang mga kinuha kong letrato.

"Are you sure you didn't saw anything?" paninigurado pa niya na ikinailing ko naman.

Nakita ko naman ang paggaan ng mukha niya habang tumitingin dito. Kaya lumapit ako sakanya at sumilip din.

"Diba ang galing kong kumuha? Sabi na eh may talent ako when it comes in photography. Mabuti Water proof tong camera. Kung nagkataon sayang yung mga pictures na kinuha ko" pagmamalaki ko. Sinamaan naman niya ako ng tingin at akmang pipitikin sa noo kaya napapikit ako. At hinintay ang pitik niya.

"Aww mashakit" daing ko ng kurutin niya ang pisngi ko.

"You little trouble maker" nakita ko na ulit ang pagngiti niya at parang bumalik na ang kilala kong Ray. Ibinalik niya sakin ang camera ko.

"Hindi mo alam ang pinasok mo. Next time magiingat ka na" seryoso niyang sabi.

"Ray talagang kaya mo akong patayin?" napatigil siya sa tanong ko.

"Yes..." bigla kong nahigit ang hininga ko sa sagot niya "And No" napakunot ako sa sunod na sinabi niya. Ano ba talga?

"It depends Race... If you are my enemy then I will kill you"

"Bwisit ka. Pano naman ako magiging kalaban?"

"Remember we don't know our enemies. Sometimes they are closest to you. So don't easily trust someone. Even it is your friend"

"Kung ganon hindi mo ako pinagkakatiwalaan?" I saw him smiled

"I trust you of course" ang gulo niya po... Sobra sarap niyang kutusan. Kanina lang sinabing wag magtiwala kahit kaibigan. Balimbing din tong si Ray eh.

Loving SpadeWhere stories live. Discover now