Chapter 2

5.5K 78 2
                                    

Note: Posted with permission from original author joshX

---------------------

Akala ko ay umaga na nang magising ako sa pagkakatulog. Pero mali pala ako dahil pagkamulat ko ay bukas pa ang ilaw sa aking kuwarto at wala pa ang karaniwang dampi ng papasikat na araw sa aking mukha na lampasan sa bintana na may kurtinang kulay asul. Isa pa ay nanakit ang aking ulo at ilang parte ng aking katawan. Saka biglang bumalik sa aking alaala ang mga nangyari, ang naging ekwentro ko kina Jimson, Collin at Bino. Paano ako nakarating dito sa aking silid? Hindi na rin ako naka-uniporme. Sa mesita sa isang tabi nakapatong ang damit kong may mantsa ng dugo na hinubad ng kung sinomang nagdala sa akin dito at isang maliit na palanggana lulan ang isang ice bag.

Sa kuwadraduhing alarm clock na nakapatong sa side table ko nalaman na maghahating-gabi na pala. Katabi nito ang isang maliit na pasong kulay brown na natatamnan ng isang uri ng cactus mahigit sa limang pulgada ang taas. Kung hindi lang ito kulay green at walang mga tinik para itong isang jumbo hotdog na nakatusok sa paso. Nang tingnan ko ng malapitan ay may nakataling card sa paso, “Para sa’yo Utoy. From: Kuya Brando.”

Doon ko pa lang napansin na may kasama pala ako sa aking silid. Si Kuya Brando, nakatalikod sa akin at nakaharap sa kabilang bintana at halos pabulong sa kausap sa kaniyang cell phone para hindi ako magising. Nakasuot ng yellow na semifit na polo shirt at straight cut na pantalong maong na kulay itim. Lalo siyang pumuti sa kulay ng shirt niya.

Si Kuya Brando ang nagligtas sa akin!

Kahit nanakit pa ang aking katawan hindi naman mapigilan ang tuwa sa aking dibdib. Palagi talagang hulog ng langit sa akin si Kuya Brando. Pero bakit siya pala ang susundo sa akin? Ang alam ko’y nasa Maynila siya?

Naulinigan kong sabi niya sa kausap, “Pasensiya na, hindi kita masasamahan, may emergerncy lang…Nadiyan kana pala…Huwag ka namang magtampo…hindi ko lang talaga siya maiwan..sige try ko tapos tawagan kita ulit.” Nag dial siya ng numero pero mukhang walang nasagot. Naka ilang dial pa siya pero wala pa rin. Sa huling dial ay mukhang iyong kausap naman kanina. “Hindi ko talaga siya makontak…hayaan mo babawi na lang ko sa susunod. Enjoy,” saka ibinulsa ang telepono.

   

Sino kaya yung kausap niya? Malamang may lakad sila nung kausap niya at kaya hindi niya mapagbigyan ay dahil nandito siya ngayon kasama ako. Pero pwede naman siyang umalis at nandito naman sina—Nasaan nga pala sina Kuya Rhon at Tiya Beng?

Lumuwang ang pagkakangiti ni Kuya Brando nang bumaling sa akin. “Gising ka na pala Utoy.” Akmang babangon sana ako sa higaan nang lapitan ako para pigilan. Umupo siya sa gilid ng kama, ang kanang kamay ay inilagay sa aking dibdib at ang kaliwa ay sa likod ng aking ulo upang ako’y ihigang muli. Langhap ko na naman ang pamilyar na amoy ng peras at banilya. “Huwag muna Utoy. Baka mahilo ka pa. Mas maiging nakahiga para makabawi ka ng lakas.” Tumingin siya sa mga mata ko saka ngumiti. Ang ganda talaga ng mga mata niyang kulay brown. Kahit bata pa ako, iba na rin ang epekto nun sa akin. Parang isang tingin lang niya, tunaw agad anomang pagpupumilit kong bumangon.

“Akala ko’y hindi na kita makikita kanina,” sabi niya na sumeryoso ang mukha. “Kung hindi ay patay ako kay Rhon.”

Ngeks! Okay na sana ang pag-a-assume ko pero bakit may Kuya Rhon pa!

   

In Love With Brando -CompleteOù les histoires vivent. Découvrez maintenant