Note: Posted with permission from original author joshX
---------------------
Kinusot ko pa ng dalawang beses ang aking mga mata para siguruhin na hindi bunga ng imahinasyon ko ang presensiya ni Mommy. Pero nandito na nga siya, nagbalik na. Flesh and blood in front of me.
Mas maganda si Mommy sa personal kumpara sa imaheng madalang kong nakikita sa webcam. Ngayon ko napatunayan na sa kaniya namin namana ni Kuya Rhon ang aming buhok na unat, maitim at makintab. Pati ibang features ng mukha ay malaki talaga ang resemblance namin sa kaniya. Sa edad na forty nine, hindi maitatanggi ang taglay pa ring kagandahan kahit nakasuot lang ng pambahay na halatang malaki ang size sa kaniya.
Sa kabila ng pag-iyak ko sa nangyaring kamalasan sa maghapon, hindi ko napigilan na paglukob ng ibayong kasiyahan sa aking puso sa pagkakita sa kaniya. Kumawala ako kay Tiya Beng at yumakap ng mahigpit kay Mommy.
“Mommy, nandito ka na. Nagbalik ka na po.”
Naramdaman ko ang kapanatagan ng loob. Iba pala kapag yakap mo ang iyong tunay na ina, parang feeling mo secured na secured ka, na walang makakapanakit sa iyo. Muling dumaloy ang luha sa aking mga pisngi, pero sa pagkakataong ito ay luha ng kaligayahan.
May napansin lang akong kakaiba kay Mommy nang yakapin ko siya. Hindi siya gumanti ng yakap. Nanatiling nasa magkabilang gilid ang kaniyang mga kamay na sinadyang hayaan lang akong yakapin siya.
“Basa na ang damit ko.”
“Ay sorry po. Sobrang masaya lang po ako sa sorpresang pagdating niyo kaya hindi ko napigiling yakapin kayo.”
Iritado ang ekspresyon ng mukha nang tumingin siya sa akin, pagkuwa’y napalitan ng pagkainis nang may maalalang hindi ko mawari kung ano at nagsalita. “Nandito na ako kaninang magkausap kayo ni Beng. Disappointed ako sa ‘yo. Sabi ko na nga ba, hindi mo matutupad ang ipinangako mo sa akin.”
Napawi ang kaligayahang naramdaman ko kani-kanina lang at muli gusto ko na namang umiyak. Ang ini-expect ko kasi pagkatapos ng mahabang paghihintay sa pagdating niya ay yayakapin ako ng mahigpit, aaluin at sasabihin niyang, ‘Bunso, tahan na. Maaayos din natin iyang problema mo. May awa ang Diyos, tutulungan niya tayo.’ Pero dagdag pressure pa siya sa akin.
Huminga ako ng malalim saka nagsalita. “Sa kabila naman po ng nangyari, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Maaayos ko pa ang problemang ito.” May alas pa naman akong natitira: si Kuya Brando. Sana magising na siya para kagaya ng dati, ise-save niya ako sa kinsadlakang ito. Siya ang makakapagpatunay na totoo lahat ng sinabi ko. Siya din ang makakapagsabi na hindi live ang kawad dahil sinukatan pa naming dalawa bago siya gumawa. Sana magising na siya ngayon. Sana…
ANDA SEDANG MEMBACA
In Love With Brando -Complete
CintaIto po ay nobela ni joshX na binigyan ako ng permiso para mai-repost dito. Isa ang kwentong ito na umantig ng aking damdamin at naging inspirasyon ko na rin para sumubok ding magsulat. Basahin po ninyo ang kwento nina Kuya Brando at Rhett... at sigu...
