Chapter 5

3.6K 74 4
                                        

Note: Posted with permission from original author joshX

---------------------

Nang maramdaman ng interviewer ang aking presensiya ay pumihit siya paharap sa akin. Kinurot ko pa ng pino ang aking kanang hita para masiguro na hindi halusinasyon ko lamang ang nangyayari.

Nagpikit ako ng mata. Nagbilang. One…two...three...four…five. Natakot pa ako na baka sa muling pagdilat ko hindi pala siya. Kapangalan lang pala niya. Ibang tao pala. Lord sana po..sana po siya na talaga..sana siya talaga!

Pagmulat ko naroon pa rin siya sa harapan ko. Totoo nga ang nangyayari. He’s flesh and blood right in front of me! Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang kasiyahang nararamdaman ko nang mga oras na iyon. No exact words can describe it. Iyon ngang may bagay ka lang na hinahanap na ng matagal at nang hindi mo na ito hanapin ay kusa mo namang natagpuan ay sobrang saya mo na with matching pangiti-ngiti pa, heto pa kaya na for the last ten years at halos araw-araw kong naiisip ay bigla na lang lilitaw nang hindi ko inaasahan. Siguro heaven ang pakiramdam. Iyon na iyon parang nasa langit na ako.

Bigla ang pagkaumid ng dila ko. I’m running out of words to say. Sa sobrang saya parang mawawala na yata ako sa huwisyo. Ano ba dapat ang reaction ko? Bakit nga ba hindi ko napaghandaan ang ganito? Sana man lamang nakapag-rehearse ako ng sasabihin para hindi ganito na daig ko pa ang naiputan ng ibong adarna sa kinatatayuan at naging bato.

Ano nga ba? Hi, kumusta po? O kaya’y, Aqoh c Rhett, mzta pow? O kaya nama’y, kuya ako si Utoy, tanda mo pa ba? O mas maganda, Kuya malaki na ako, pwede na tayo. O kaya’y ganito na –

“I said take your seat!” may halong pagkainis na utos ni Kuya Brando. Tapos na pala siya sa kaniyang kausap sa telepono at naibaba na pala niya ang awditibo sa lalagyan nito.Kung ano-ano na kasi ang biglang naisip ko kaya hindi ko na namalayan na pangatlong utos na pala niya sa akin iyon.

Medyo nagulat naman ako sa tinig niyang iyon na bukod sa pormal ay punong-puno pa ng air of authority. Naisip ko na hindi na nga pala niya ako nakikilala. Ang nine years old na si Utoy nga pala ang kilala niya at hindi yung ako ngayon. Kaya wala akong ipinagkaiba dun sa mga ordinaryong applikante na kailangang maging alerto, smarte at puno ng confidence sa mga ganitong pagkakataon.

“Did you come here for the interview or will you just remain standing there and waste my time?” Mariin ang pagkakatingin sa akin ng mga brown eyes niyang iyon. Supladong-suplado ang dating.

Huminga ako ng malalim para bawiing muli ang aking composure. Hindi na niya talaga ako nakilala so no choice ako but to go with the flow of interview. “No Sir,” sabi ko na binigyang diin ang huling salita. Kunwari ay hindi ko muna siya kilala. Saka na ako magpapakilala sa kaniya bago matapos ang interview. “I came here and waited so long for this interview.”

Napakunot-noo siya habang ang mga siko ay nakapatong sa mesa at magkasalikop ang mga kamay. Bigla tuloy ang aking pagsisisi na isinama ko pa yung salitang ‘waited so long’ as if I’m trying to insinuate na ang tagal bago niya ako ipinatawag. Alam ko namang unethical iyon, naisip ko na kaya ganoon ay dahil sa iba ang treatment na ini-expect ko mula sa kaniya na gusto kong ikainis.

Sa dalawang magkaharap na upuan sa mesa niya, minabuti kong okupahin ang nasa may kaliwa. Napansin ko ang mga credentials ko sa ibabaw ng mesa niya. Kinuha niya ang aking resume. Habang ini-scan niya ang content nito nagkaroon ako ng pagkakataong masdan siya ng mabuti.

In Love With Brando -CompleteTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang