Chapter 36: 700
Lauren Jones' Point of ViewTwo year later...
"Hoy, hoy! Akin yan!" Sigaw ni Gabriel kay Brixell. Kanina pa sila nagtatalo dahil lang sa isang bar chocolate. Ayaw nilang maghati kaya ayan. Sila bella at aira naman tawa ng tawa habang pinapanood sila.
"Anong akin? Walang sayo." Sigaw naman ni Brixell kay Gabriel habang malakas na hinatak sa kanya ang chocolate.
"Iyon nalang sayo!" Sigaw ni gabriel sabay turo sa nakalapag sa lamesa na cake. Tinignan ni brixell iyon ng ilan segundo at nagpatuloy sa paghatak ng chocolate sa kamay ni gabriel.
"Ayoko noon. I want this." Anas naman ni brixell. Napatingin naman ako sa papalapit na si julian sa pwesto nila gabriel at brixell. Mas lalong lumakas ang tawanan ng ihampas ni julian ang hawak niyang nakaroll na magazine sa ulo nila gabriel at brixell, parehas napahawak yung dalawa sa ulo nila.
"Ang iingay niyo! Hindi ako makatulog dahil sa bunganga niyo! Mga tarantado niyo!" Galit na sigaw ni Julian sa dalawa at tinalikuran sila. Nakasunod lang ang tingin ko kay julian ng umakyat siya sa hagdan.
"Kahit kailan talaga yung lalaking 'yon." Umiling si Isabella. Sa pagkakaalam ko ay M.U ang dalawang iyan, siguro nag-away kaya di nagpapansinan.
Napansin ko naman si brixell na nasa tabi na ni aira. Inaabot kay aira ang chocolate bar na pinag-awatan nila ni gabriel kanina. Mukhang nakuha niya ang chocolate dahil si gabriel ay nasa kusina na at kinakain ang cake sa mesa.
"Enebe weg ke nge." Rinig kong sabi ni aira sabay hampas sa dibdib ni brixell. Napangiwi naman ako ng makitang nagpapacute siya sa harap ni brixell.
Si Isabella naman ay nasa hagdanan na at paakyat. Pupuntahan ata si julian.
Lahat ng kaibigan ni kuya Frost nandito kasama namin. Pati ang kambal na gonzaga at si Tristan ay nandito. Ang kambal ay totoong Santiago pero mas pinili nilang manatili sa apelyidong Gonzaga, but ang turing nila kay kuya kenneth ay isang pinsan. Pero si kuya kenneth ay binabalewala niya lang ang kambal. Hindi pa rin makamove on si kuya kenneth sa pagkawala ng kapatid niya. Nagbago ang ugali ni kuya kenneth, naging cold na siya samin. Sinusingitan na din kami, magagalit agad siya kapag hinawakan mo siya o kausapin man lang. Kaya ngayon ay ilag na kami sa kanya. Wala nang gustong kumausap sa kanya. Hindi na rin siya ngumingiti kagaya ng dati.
Ganoon din si kuya Frost. Bumalik sa dating ugali naman siya, kaso lumala nga lang ngayon. Hindi ngumingiti at super cold na rin. Anong oras na din siya lagi umuuwi ng bahay dahil laging nasa bar, nagpapakalasing. Araw-araw niya ginagawa iyon. Minsan nga doon na natutulog sa bar. Maraming beses na namin siyang pinagsabihan pero baliwala lang sa kanya.
Si Jason naman ay wala kaming balita. Ang huling kita lang namin sa kanya ay noong birthday ni kendre dalawang taon na nakalipas. Lagi kasi kaming pumupunta sa puntod na ginawa para kay kendre pero wala naman laman ang puntod na iyon. Ang puntod na iyon ay nasa Gangster House kung saan nawala si kendre. Wala pa kaming nahahanap na katawan ni kendre ayon iyon sa mga detective na nag-imbestiga sa pinangyarihan. Wala silang nakitang katawan ni kendre doon kundi puro katawan lang ng kalaban pati ang leader ng Devil God Gang at red lang ang nakita.
Kaya hanggang ngayon ay umaasa pa rin kami na buhay pa si kendre. Na nawawala lang siya pero kasi imposible. Kasama sa pagsabog si kendre, kaya yung iba ay hindi naniniwala na buhay pa si kendre.
"Girl, ano na? Makikipagtukaan ka nalang ba dyan?" Rinig kong sambit ng papalapit samin na si alix kay aira. Tumigil naman yung dalawa sa pagtutukaan, at inis na lumingon kay alix.
YOU ARE READING
The Next Mafia Queen
Mystery / ThrillerA girl named, Kendre Mae Santiago, she's known for being so mysterious. So hard to read. She have a lot of secrets, even her parents didn't know. One of it is her being the next mafia queen. Replacing her father. She's a leader of a big, and strong...