Third Person's Point of View
Hindi mapakali si Jason. Pati ang mga kasama niya sa hide out ay nahihilo na dahil sa pabalik-balik niya sa paglalakad.
Tumayo sa pagkaka-upo si Angela at sumigaw. "Pwede ba, kuya! Umupo ka na nga lang. Nahihilo na ko sayo e!" Pasigaw na angal ni Angela sa kapatid. Ngunit hindi siya pinansin nito at pinagpatuloy sa paglalakad balik.
Wala nang nagawa pa si Angela kundi umupo nalang ulit. Ang tangin nagawa niya nalang ay bumulong.
Hindi parin mapakali si Jason pero pinilit niyang kumalma at humarap sa mga nakaupong sila Angela, Zhaira, Isabella at Lauren.
"Kasalanan niyo ito!" Galit na sambit ni Jason sa mga dalaga.
"Ano na naman pinuputok mo, kuya?!" Ngiwi ni Angela. Nagcross-arm pa siya.
"Manahimik ka! Maka-asta ka, kala mo wala kang ginawang katarantaduhan ah." Mariing sambit ni Jason kay Angela, inirapan lang siya ni angela.
"Nasan na ba si kendre?" Tanong ni Lauren, na hindi rin mapakali dahil kanina pa hindi dumadating si kendre.
"Oo nga, nasaan na kaya yon?" Utas naman ni Isabella, na balak pang tumayo pero pinigilan siya ng isa sa mga tauhan ni jason gamit ang paghawak sa balikat niya.
"ANO BA! TSANSING KA NA AH!" Sigaw niya sa lalaki. Ngumiwi naman ang lalaki.
"Mahiya ka nga hoy. Tsansing, kahit sino walang magkakainteres sayo 'no. Boobs pa lang walang wala na." Pang-aasar noong lalaki kay bella. Halata sa mukha ni bella ang pagkainis. Ng mapansin iyon ng katabi niyang si aira ay hinawakan niya si bella sa braso para pigilan sa balak na pagsugod sa lalaking nang-aasar sa kanya.
"Akala niyo, papatawarin kayo ni kendre, huh? Like what you always saying, you know kendre very well. Kung hindi niyo tinago sa kanya, edi sana okay pa kayo ngayon diba? Kanina, nakita ko si kendre na may kausap sa cellphone niya. Tinitigan ko siya dahil nag-iba ang timpla ng mukha niya. Hanggang sa nagmamadali na siyang umalis ng mansyon, sinubukan ko siyang pigilan pero hindi ko siya kinaya, tapos hanggang ngayon wala pa siya. Ni hindi ko mahagip sa tracker na nilagay ko sa likod ng motorbike niya, mukhang tinanggal niya iyon para hindi siya masundan. Kaya ngayon wag niyong iexpect na madali lang kayong mapapatawad ni kendre dahil lang may rason kayo. Kilala niyo siya, sabi niyo nga." Sabi ni Jason at tuluyan ng umalis at iniwan ang mga nakatulalang mga dalaga
Kendre Santiago's Point of View
Nagda-drive pa rin ako. hindi ko parin lubos maisip na, ewan.
Hay...
Puro building na ang nadadaanan ko ngayon. Nakita ko ang isang familiar na hotel. Kaya nagtungo ako doon at pinark ang motorbike ko sa parking lot ng hotel
Pumasok ako sa loob ng hotel at kasabay naman noon ang pagtunog ng ringtone ng cellphone ko sa bulsa. Kinuha ko iyon at tinignan kung sino ang tumawag sakin.
Tristan calling...
What again now?
I answer the call whike i got on the elevator. I clicked on the top floor.
"What do you want?" I coldly said.
["Such a waste! Hindi mo ba ko namiss?"]
"Hindi." Daretsahan kong sagot.
["Kahit slight lang?"]
"Yeah."
["Ang sama!"]
"Ano bang kailangan mo?!" Iritado kong sambit. I saw that I'm still on 10th floor. This is so fucking boring.
["Kinausap na kita about kay lolo pops, diba?"] Sumeryoso ang boses niya.
YOU ARE READING
The Next Mafia Queen
Misterio / SuspensoA girl named, Kendre Mae Santiago, she's known for being so mysterious. So hard to read. She have a lot of secrets, even her parents didn't know. One of it is her being the next mafia queen. Replacing her father. She's a leader of a big, and strong...