💛 Chapter One 💛
NASA JEEP PALANG SI Lou nang inilagay na niya ang kanyang earphones sa tenga niya. Mas gusto kasi niyang pakinggang ang boses ng paborito niyang singer na si Ara kaysa pakinggan ang tsismis ng dalawang matandang nag-uusap sa tapat niya. Pinagti-tsismisan ng mga ito ang anak ng kapitbahay na nakapag-abroad. At nakapangasawa ng isang Hapon. Kaya umaastang mayabang ang buong angkan sa barangay nito.
Napailing na lang si Lou saka pumikit. At saka niya dinama ang napakagandang boses ng idol niya.
Baguhang singer lang si Ara. Pero dahil sa maala-anghel sa ganda ng boses nito kaya madaling nakilala ng publiko. Naging Top Selling ang unang single na nilabas nito. Ang isa pang dahilan kaya nagustuhan niya ng husto si Ara, marami kasing nagsasabi sa kanya na magkahawig silang dalawa. Syempre, bilang fan nito ay talaga namang proud na proud siya. Hindi naman niya kaanu-ano si Ara. Pero napakagaan ng loob niya rito. Sa katunayan niyan, isa sa mga pangarap niya ay makapanuod ng live concert nito balang-araw, at makita ito ng personal.
Nasa kalagitnaan ng pakikinig si Lou nang maramdaman niyang huminto ang jeep na sinasakyan niya. Nagawa niyang dumilat saglit nang naramdaman niyang umalis ang babaeng nasa tabi niya. Pero mas nakapukaw sa kanyang atensyon ang pamilyar na amoy ng isang perfume. Kaya naman nagawa niyang napatingin sa bago niyang katabi. At ganoon na lang ang pagkabog ng kanyang dibdib nang makilala ito.
Si Taru Enriquez.
Secret crush niya ito simula noong unang araw palang nitong magtransfer sa kanilang school. At dahil sadyang may kaguwapuhan itong taglay, naging instant celebrity ito hindi lang sa section nila kungdi sa buong eskwelahan. Sa katunayan, Crush ng Campus ang bansag rito.
Ang magandang hubog ng mga kilay nito, ang mahahabang pilik-mata nito, ang bilugan nitong mga mata, ang matangos nitong ilong, at kissable lips nito, halos lahat ay napakaperpekto. Naiisip niya, baka nasa mood ang Diyos nang nilikha nito si Taru.
"Hay, sana all!" bulong ni Lou sa kanyang isipan sabay ang pagbuntong-hininga.
So close yet so far. Para itong isang bituin sa kalangitan na abot-tanaw na niya pero hindi man lang niyang mahawakan. Oo, magkatabi nga sila ngayon. Napakalapit na nito sa kanya. Pero napakalayo dahil never silang naging close. Ewan nga ba niya, malamig ang pakikitungo nito sa kanila. Para itong laging may sariling mundo. Mas gusto nitong mapag-isa kaysa ang makipaghalu-bilo sa iba nilang kaklase.
Para namang naramdaman ni Taru ang presensya ng pagkakatingin na iyon kaya mabilis na umiwas ng tingin si Lou. Mabilis siyang nagpatay-malisya.
Muling huminto ang jeep.
Muling may sumakay.
Nagulat si Lou nang pinausog siya ng lalaking bagong sakay kaya lalo lang siyang napalapit kay Taru. At hindi sinasadyang magkadikit silang dalawa. Lihim siyang napalunok. At pilit niyang pinapakalma ang sarili kahit ramdam na ramdam niya ang pagkabog ng malakas ng dibdib niya.
"Manong, bayad!" anang lalaki na bagong sakay, at pinaabot kay Lou ang bayad nito.
Wala namang magawa si Lou. Inabot na niya ang bayad pero laking-gulat niya nang mga kamay ni Taru ang naka-abang sa kanya. Halos matulala siya nang sumayad ang dulo ng kanyang mga daliri sa palad ng binata.
Inabot naman ni Taru ang bayad sa driver pero ilang saglit pa ay pumara na ito, "Manong, para po!"
Doon na natauhan si Lou. Nasa kanto na pala sila ng kanilang school. Kaya sumunod na siya. Yumuko siya para hindi mauntog sa kisame ng naturang jeep. Pero nakakailang hakbang palang siya nang bigla umusad ulit ang jeep. At dahil sa pagkabigla, hindi niya sinasadyang matulak ang likuran ni Taru na nasa unahan lang niya. Para pa ngang nahawakan niya ang pwet nito. Kaya bigla itong napatingin sa kanya.
Inis na binalingan ni Lou ang driver. Paraan niya para makaiwas sa tingin ni Taru, "Manong naman, hindi pa kami nakakababa!"
"Pasensya na! Kasi may Red Boys, at baka mahuli ako dahil nagbaba ako sa maling babaan," katwiran nito. At ang Red Boys na tinutukoy nito ang mga Traffic Enforcer.
"Sana magdahan-dahan naman po kayo," paninisi pa rin ni Lou.
"Sige...Ito na..." hininto na ng driver ang jeep nito sa tamang babaan.
Nakahinga na ng maluwag si Lou nang makababa na sila ni Taru sa jeep. Pero matatalim na tingin ang binato nito sa kanya dahilan para magtaasan ang mga balahibo sa buong katawan ni Lou.
"S-Sorry..." kinakabahan niyang sabi.
Pero walang sinabi si Taru. Tinalikuran lang siya nito saka naglakad.
Sumunod na rin si Lou habang panay ang pagpukpok niya sa kanyang ulo. Hiyang-hiya kasi siya sa nangyari na kung tutuusin ay hindi naman talaga niya sinasadya.
"Kasalanan talaga ni Manong Driver 'yun, eh!" depensa pa ni Lou sa kanyang sarili habang hatid-tanaw niya si Taru. Muli siyang napabuntong-hininga, kahit kasi nakatalikod ito ay sadyang napakaguwapo nito.
Halos magkasunod lang silang dalawa nang pumasok sila sa kanilang classroom. Muntikan na naman nga silang magkabanggaan nang magkasabay rin silang pumunta sa iisang direksyon.
"Nananadya ka ba?" inis nito.
"H-Hindi, ah! D-Doon kasi ako nakaupo!" katwiran ni Lou sabay ang turo sa kanyang upuan kung saan nasa iisang row lang silang dalawa. Pero siya ang nasa bandang unahan at ito ay nasa bandang likuran.
Inirapan lang siya ni Taru. At saka na ito naglakad patungo sa sarili nitong desk.
💛💛💛💛💛💛💛
BINABASA MO ANG
The Song Of Us
RomanceFirst love ni Lou si Taru. Naudlot ang kanilang love story dahil bigla na lang nawala si Taru na parang bula. Dalawang taon ang lilipas, isang malaking balita ang nakarating sa kanya. Ikakasal na pala si Taru sa sikat ring singer na si Ara. Ang in...