Habang lumalala ang problema ng kompanya nila Ryu dahil sa mga na-recall na kotse hindi lamang sa Japan kundi maging sa ibang panig ng mundo, naging madalang din ang pag-uwi niya sa amin sa Osaka. May mga araw na ni text o tawag sa akin ay hindi siya nakakaalala. Ang sabi ni Otōsan abala si Ryu sa pakikipag-usap sa mga local investors nila maging sa kanilang distributors. Kapag walang klase, ginugugol daw niya ang panahon sa pagbisita sa kanilang car plants sa Nagoya para personal na kausapin ang mga empleyado. Bumaba daw kasi ang morale ng mga workers matapos bumulusok ang stock price ng kompanya. Inisip ng marami na retrenchment na ang kasunod nun. Kaya mahalaga daw ang presensya ni Ryu sa mga planta.
Sa totoo lang, wala naman akong reklamo dun e. Ang di ko lang maintindihan, kailangan bang araw-araw na lang ang paglabas nila ni Aya sa TV? Kailangan bang sa bawat fashion o celebrity magazine nadun silang dalawa? Hindi lang yon, na-invade na rin nila pati ang entertainment section ng mga newspapers! Nakakaimbyerna na! Kahit saan ako magpunta, mukha nilang dalawa ang nakabalandra sa akin. Sinong girlfriend ang hindi maiinis dun? Girlfriend pa nga ba ako? O baka ako na lang ang nakakaalam na kami pa rin ni Ryu.
Sabi ni Mama, it's high time to meet other guys. Hindi naman daw kasi maganda na kay Ryu na lang umiikot ang mundo ko. Wala naman siyang sinasabi pang iba, pero may kutob akong gusto ni Otōsan na maging totohanan na ang pagpapanggap ni Ryu at Aya. Naging postive kasi ang epekto nito sa business nila. Katunayan, yon na lang ang pumipigil sa mga major investors na magbitaw sa kanilang negosyo. Marahil, iniisip nila na when worse comes to worst, nandyan naman ang mga Sugawara na sumagip sa papalubog na business ng mga Otsuji. Kasi unlike that of the Otsuji, namamayagpag naman ang Sugawara hotel chain. Hay buhay.
"Kesa magmukmok tayo rito, bakit hindi tayo pumunta dun sa concert na sinasabi ni Ako?" mungkahi sa akin ni Haruka. Nakadapa ito sa kama ko.
Kaklase namin si Ako sa university. Mahilig ito sa mga foreign rock bands. Katunayan, itong concert na sinasabi ni Haruka ay gaganapin sa isang local club sa Namba. Maliit pa lang daw kasi ang following ng nasabing rock band. Sumikat daw sila sa pamamagitan ng Youtube and they originally come from the US.
"Alam mo namang hindi ako mahilig sa ganung genre. Kaya lang naman ako nakikinig sa mga rock songs na Japanese ay dahil kay Ryu. "
"Hindi rin naman ako mahilig dun. Ang gusto ko lang naman ay maka-meet ng mga sexy boys," nakikilig na sagot ni Haruka.
Napatirik ang mga mata ko. Hinampas niya ako ng unan. Ang landi talaga nitong babaeng to. Ibang-iba na sa dating Haruka na nakilala ko nung hayskul. Ganun siguro ang nagagawa ng pagkakaroon ng boyfriend na sobrang malibog.
Buti pa si Haruka. Mukhang okay na siya sa cool off nila ni Masahiro. Parang ang bilis niyang maka-recover samantalang ako, heto pa rin. Grieving. Kahit hindi naman kami officially nag-cool off ni Ryu, parang ganun na rin ang nangyayari. Hmn, baka tama si Mama. Maybe, it's high time to meet other boys.
"Kailan daw ba yan?" tanong ko. Naupo ako sa gilid ng kama habang sinusuklay ang medyo basa kong buhok. Katatapos ko lang kasing maligo.
Napabangon agad si Haruka at napaupo din sa kama. Namilog ang singkit nitong mga mata.
"Talaga? Sasama ka na?" at tumili ito sa tuwa.
"Nagtatanong lang ako kung kelan, bruha. Hindi pa nga ako umu-oo sa yo a!"
"Naku, ganun na rin yon. Hindi ka naman magtatanong niyan kung wala kang balak. Bukas na raw yon, friend. Oh, I'm so excited!"
BINABASA MO ANG
YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Teen FictionAkala ni Mara dahil nawala na si Minami at Keisuke sa buhay nila ni Ryu, mapapanatag na ang kanyang kalooban. Pero mas masahol pa pala ang kasasadlakan niya sa pagdating ni Aya Sugawara, ang babaeng ninanais ng kanyang Otōsan na mapangasawa ni Ryu...