Halos mag-aalas nuwebe na nang gabi nang dumating kami sa dati naming bahay sa Makati. Hindi na kami nagpasundo kay Tito Mario. Dumeretso kaagad kami ni Mama sa sarili naming silid. Hindi na rin kami bumaba para maghapunan. Pareho kaming mabigat ang kalooban. Ako, dahil sa awa sa kanya. Siya siguro'y dahil sa sama ng loob. May kutob akong something happened in Boracay kung kaya nadiskubre niya na ang babae ni Otōsan ay walang iba kundi si Mrs. Miller. Kaya siguro naging malamig na ang pakikungo niya sa mag-anak. Kung ako nga na anak lang ay nanggagalaiti sa galit, siya pa kaya? Nakakainis ka talaga, Otōsan!
Chinarge ko kaagad ang cell phone at tinawagan si Ryu. Hindi na ako makapaghintay. After two rings, narinig ko ang parang inaantok niyang boses.
"Hey," bati niya lang sa akin.
"Ryu. Confirmed," naiiyak kong panimula. "May babae nga si Otōsan. Si Mrs. Miller!"
"Ha?! Are you sure?" Parang sobrang nabigla si Ryu sa narinig. Nawala tuloy ang antok sa boses niya.
Kinuwento ko na kung papano ko nadiskubre ang katotohanan. Hindi na naman siya nakapagsalita. Parang hindi siguro makapaniwala na magagawa ng uncle niyang pagtaksilan ang mama ko sa kabila ng lahat na sakripisyo na ginawa namin para sa kanya.
"Ryu! Nandyan ka pa ba?" untag ko.
"O-oo. Nabigla lang ako. Kumusta na si Tita?"
"Siyempre, hindi okay. She's acting weird. Unlike before na sinabi niya agad sa akin na nagdududa siyang may babae si Otōsan, this time hindi na. Pero she's asking me kung gusto kong mag-aral uli sa Pilipinas. I think, nagpaparinig siya, Ryu."
"Teka, teka. Is she hinting on leaving Ojisan?" May himig pag-aalalang tanong nito sa akin. Parang kinakabahan din.
"Parang ganun na nga," malungkot kong sagot.
"I hope na pag-isipan niyang mabuti. Sana not this time. Sana huwag ka niyang ilayo sa akin. Kailangan kita dito. Kailangan ko kayo," mahinang sabi ni Ryu. Naantig ang damdamin ko. Alam ko kung papano siya nahihirapan.
"Alam ko. Kaya nga sinasabihan na kita agad. What if, ayaw na niya kaming bumalik dyan? Anong gagawin natin?"
"Babalik kayo. Hindi pupuwedeng hindi," matatag na sabi nito.
"What if nga kung ayaw na niyang bumalik? Ang kulit naman nito, o. Ano nga ang gagawin natin?" ulit ko uli sa tanong
"Babalik ako dyan at kakaladkarin kita pabalik ng Osaka," may himig pagbibirong sagot niya.
"Puro ka naman biro, natatakot na nga ako, e. Nakakainis ka naman," sagot ko naman at nag-pout pa kahit hindi niya nakikita.
"Totohanin ko yan kapag hindi nga kayo bumalik. Ngayon pang malapit nang ma-resolve ang problema namin sa kompanya."
"Speaking of which, kumusta ang imbestigasyon?" pag-iiba ko ng usapan.
"I will not talk about it on the phone. Delikado. Pero, I want to assure you na malapit ko nang masolusyunan," may himig-kasiyahan na ang boses.
"What do you mean? Dahil magpapakasal na kayo ni Aya, ganun?"
"No. Yan din, mare-resolve na rin soon."
"Talaga?" paniniguro ko.
"Yup. At mababalik na rin sa dati ang buhay natin. Kaya dapat bumalik ka ng Japan. Kapag sinuhestyon ni Tita na lumipat ka ng eskwelahan, huwag kang pumayag. I need you here."
BINABASA MO ANG
YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Fiksi RemajaAkala ni Mara dahil nawala na si Minami at Keisuke sa buhay nila ni Ryu, mapapanatag na ang kanyang kalooban. Pero mas masahol pa pala ang kasasadlakan niya sa pagdating ni Aya Sugawara, ang babaeng ninanais ng kanyang Otōsan na mapangasawa ni Ryu...