Chapter Twenty-Nine - Five-Minute Ceremony

11.8K 346 10
                                    

        Hindi na ako nagtaka nang makuha ko ang resulta ng application ko sa isang unibersidad sa Nagoya. Hindi raw ako nakapasa sa pagsusulit nila. When I come to think of it, parang ang dali-dali lang naman ng exam. Papanong hindi ako nakapasa? Pero later nang nag-uusap na kami ni Haruka nakompirma ang kutob ko. I found out na isa pala yon sa mga private schools na sinusuportahan ng Sugawara Foundation. I guess, they will not make it easy for me.

        Marami pa akong inaplayang eskwelahan sa Nagoya at ganun din halos ang resulta. Nawalan na ako ng pag-asa. Papano ako makakapag-aral uli nito? At papano ako makakakuha ng student visa kung walang tatanggap sa aking eskwelahan?

        "I guess, I need to go back to my old school, Ryu. Wala na tayong magagawa. I didn't make it to all the universities in Nagoya."

        "Masyadong malayo ang school mo. Maghanap muna tayo sa Kyoto. At least, nearer. I'll see what I can do," kampante namang sagot nito. At mayamaya nga ay may tinawagan.

        Siya uli ang nasunod. Kumuha din ako ng entrance exam sa kung ilang eskwelahan sa Kyoto. Luckily, na-qualify ako sa isa. Tuwang-tuwa na sana kami pero nang mag-apply ako for a change in visa status, kinwestyon ang kakayahan kong makabayad sa matrikula pati na ang living expenses.  Although, sinabi ni Ryu na siya nga ang sasagot sa lahat, hindi iyon kinonsidera ng immigration office dahil ang sabi nila wala naman daw siyang legal obligation na tustusan ang pag-aaral ko. Dahil diborsyado na ang mama ko sa uncle niya, sinabi nilang we are no longer a family. If something went wrong daw sa relationship namin at hindi na ako papag-aralin ni Ryu wala daw akong habol. In short, what we have is not binding. Kaya dahil wala daw akong source of income o scholarship para tumustos sa pag-aaral ko, hindi nila ako pinagkalooban ng student visa.

        Naisip kong hindi yata sang-ayon sa plano namin ang kapalaran. We are doomed.Kahit hindi pa pumayag si Ryu, nag-impake na ako ng mga gamit. Uuwi na lang muna ako sa Manila at dun na mag-aral. Hihintayin ko na lang kung kelan makabalik si Mama sa Japan bago mag-apply uli. Pinoproseso na ang papeles niya at in a few months ay makakabalik na rin siya sa Osaka.

        "What are you doing?" tanong nito agad nang makita ang ginagawa ko.

        "Ano ba sa tingin mo? Di nag-iimpake. Patapos na ang tourist visa ko. Kelangan ko nang bumalik sa Pilipinas," sagot ko naman, withlout looking at him.

        "Hindi ka aalis," at may initsa itong papeles sa kama. Napalingon ako sa kanya. Tapos, napatingin sa initsa niya sa kama.

        "Ano yan?"

        Ngumiti siya. Noong una, bahagya lang pero nang lumaon ay naging malawak. Napakunot ang noo ko. Ano bang nangyayari sa mokong na to?

        Hinila niya ako towards him at masuyong hinagkan sa labi. Mukhang he's in a very good mood. Ano kayang meron? Lalo na akong nagtaka.

        "Siguro, itong mga nangyayari sa atin is just a sign na - we have to put matters in our own hands," sabi niya in between kissing me.  "We're getting married."

        "What?!" tanong ko bigla. Shocked.

        Pinakita niya sa akin ang mga papeles. Kompleto na lahat yon. Kailangan na lang ng appearance namin sa city hall para isumite ang mga yon.

        "Pumayag naman agad si Tita nang nagpaalam ako sa kanya. Binigay niya ang consent niya for you to marry. Hayan, napa-translate ko na. Nakuhanan na rin kita ng iba pang kakailanganin mo sa embassy nyo. Your mother helped me process those papers kaya, we're all set. We're finally getting married. Aren't you happy?"

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon