Chapter Twenty-Three - Chase

10.1K 322 18
                                    

Bumalik ako sa kuwarto kong umiiyak. Tumawag agad ako kay Ryu. Pinilit kong mag-himig kalmado. Ayaw ko rin kasi siyang mag-alala. Baka kapag nalaman niyang kinulong na kami ng tiyuhin niya ay baka sumugod siya kaagad sa bahay at komprontahin na naman ito. Ayaw ko siyang mapahamak. Sa estado ngayon ni Otōsan alam kong kahit si Ryu ay di niya sasantuhin. Baka ipabugbog siya sa mga bodyguards nito.

"Naabutan ako ni Mama," pagsisinungaling ko. "Ayaw niya akong paalisin."

Napamura si Ryu. "Sana sinabihan mo siya na delikado na kayo dyan ngayon. Bakit hindi nag-iisip ang mama mo? Akala ko ba alam na niyang may babae si Ojisan?"

"Oo. Pero nang dumating si Otōsan sa Manila nagbago na naman ang isip niya. Hindi ko alam kung anong ginawa ng tiyuhin mo at nabilog na naman niya ang ulo ni Mama."

Napamura si Ryu. "Ano pa nga ba?" sarkastikong sagot nito.

Nainis ako sa implikasyon ng sinabi nito. Mama ko kaya ang pinagsasabihan niya. "Hindi naman ganyan ka cheap at ka tanga si Mama," pakli ko agad.

Napabuntong-hininga ito at napamura na naman. Pinagsabihan ko na.

"Sige, sige," naiinis na wika nito. "Basta first thing tomorrow. Tatawagan kita uli. Hihintayin kita sa bus stop. Alas singko nang umaga. Malinaw ba?"

Tumulo ang luha ko. Papano ko ba sasabihin sa kanya na hindi na pupwede? Nagpahid muna ako ng luha at pinakalma ang sarili. Nang sigurado na akong di pipiyok ang boses saka ako sumagot.

"Hindi ako sigurado. Baka pumalag na naman si Mama. Hindi ko siya kayang iwan, Ryu," pagsisinungaling ko uli.

"Pansamantala lang naman, e. Pangako babalikan din natin kaagad siya. Gusto ko lang munang masigurong ligtas ka. At least, ang mama mo asawa ni Ojisan. Kahit papano naman siguro may pagmamahal siya kay Tita. Ikaw ang inaalala ko. Baka ikaw kasi ang balikan ni Ojisan sa mga ginawa ko sa kanya."

"Bakit? Anu-ano ba ang mga ginawa mo?"

Hindi muna ito nakasagot. Nagbuntong-hininga muna bago nagkwento. "Hinabla ko siya sa mga ginawa niyang pagnanakaw sa kompanya," sagot nito sa mahinang boses.

"Huh? Hinabla mo?" Naku, patay. Kaya naman pala nanggagalaiti si Otōsan sa galit. "Ano'ng mangyayari kapag nanalo ka?"

"E di makukulong siya. Ano pa nga ba?"

Naisip ko si Mama. Naku, papano na? Pero sa isang banda naman, naisip ko rin na sa mga oras na ito'y nakapag-isip-isip na siguro yon. Napakatanga na niya kung papanig pa rin siya kay Otōsan gayong klaro nang may babae nga ito. Narinig naman nya kanina si Ryu.

"In a few days, I'll be twenty years old. Ayon sa last will ni Lolo, by the time I'll reach the age of majority, ako na ang rightful owner ng business namin. Ako na ang kikilalaning CEO. Kaya mawawalan na siya ng puwesto."

Kaya naman pala in panic mode na si Otōsan. Pero bakit nag-aalala pa rin ito sa kompanya? Bakit pinipilit pa rin si Ryu na pakasalan si Aya gayong wala na naman pala siyang pakinabang dito kung sakali? Ba't di na lang niya hayaang malugi ito? Tinanong ko yon kay Ryu.

"Nakipagdeal siya sa mga Sugawara behind my back. Kapag natuloy ang kasal, magpapautang sa amin ng 500 million US dollars ang pamilya nila Aya. It's enough na sana para ma-revive ang business namin. Pero ang hindi ko alam, nakuha na pala niya ang kalahati. Nito ko nga lang na-discover ang mga pinaggagawa niya. Kaya pini-pressure siya nila na tumupad sa usapan."

"H-ha? 500 million US dollars?" Wow! May ganung karaming pera ang pamilya nila Aya? Nahilo ako dun, a. Kung nakuha na ni Otōsan ang kalahati e di, 250 million dollars yon! Saan niya dinala?

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon