Chapter Twenty-Six - Good Samaritans

11.2K 312 12
                                    

        Nakita kong napasimangot si Ryu pagkababa niya sa cell phone.

        "Who was that?" tanong ko.

        "Sino pa? Di ang kuya ni Aya." Lumapit ito sa akin at inakbayan ako.  Naglakad na kami papunta sa kuwarto ng tiyuhin niya.

        "Nananakot na naman ba?"

        "Oo. Mas galit this time dahil si Ojisan na mismo ang nagkansela sa wedding. Hindi na iyon itutuloy pa kahit kelan. It's over."

        Napatingin ako sa kanya. I couldn't believe it. Si Otōsan pa ang nagkansela? Himala naman. Papano na ang deal niya with the Sugawara? Tinanong ko yon kay Ryu.

        "I'll honor it. I'm just thankful na hindi na siya nagpumilit na maging bahagi ng buhay ko ang baabeng yon ---- ang pamilyang yon kahit sa pangalan lamang."

        Lihim akong natuwa. I'm so happy na tapos na rin ang kabanata ni Aya sa buhay namin ni Ryu. Hinihiling ko na lang sana na maging tuluy-tuloy na ang pagngiti ng langit sa akin.

        Tulog si Otōsan nang datnan namin. Pero nandoon si Mama at matiyagang nagbabantay dito. Naawa ako sa nanay ko. Hoping pa rin siguro ito na magkakabalikan pa sila ng stepfather ko.

        "Tita, ba't di muna kayo umuwi at ng makapagpahinga naman kayo?" suhestyon ni Ryu.

        "It's okay. Nakakapagpahinga naman ako dito kahit papano. Baka kasi magising siya at hanapin ako. Mabuti nang nandito ako sa tabi niya."

        My heart sank when I heard her. In denial na naman si Mama. Hindi nga totoong nasilaw lang siya sa kayamanan ni Otōsan. Palagay ko, in love nga siya talaga dito.

        Hindi na nagpumilit pa si Ryu. Pagkahatid namin sa mga gamit ng stepfather ko, nagpaalam na rin kami kay Mama.  We have a lot of catching up to do. Ang tagal na panahon ding nawalan kami ng oras sa isa't isa dahil sa ginawang manipulation ni Otōsan.

        Binabagtas na namin ang daan patungong Kobe kung saan balak naming mag-cruise nang bigla na lang may nag-cut. Napa-preno bigla si Ryu. Buti na lang naka-seatbelt ako dahil kung hindi ay sumubsob sana ang ulo ko sa salamin sa harapan.  May nagsulputan pang dalawang kotse at tumigil ito sa tagiliran namin.  Awtomatikong napahawak ako sa braso ni Ryu.  Nakita ko siyang napalunok pero he tried very hard to appear calm. Umatras ito pero hindi rin nakailang metro dahil may sumulpot na isa pang kotse. Umibis doon ang kuya ni Aya. Galit na galit. Sinipa niya ang tagiliran ng kotse namin. Pinapababa kami.

        "Stay here," sabi sa akin ni Ryu.

        "Huwag kang lumabas, please. Sasaktan ka nila for sure," pagmamakaawa ko.

        "Don't worry. I'll be fine," kalmadong sabi ni Ryu at hinagkan pa ako sa pisngi.

        Pagkababa niya, biglang may tumutok sa kanya ng armalite. Ninerbyos ako. Napababa din ako. Dinaklot ng kuya ni Aya ang braso ko at pinilipit sa tagiliran ko. Tinulak niya ako hanggang sa tumambad kami sa paningin ni Ryu.

        "Ito ba ang babaeng dahilan kung bakit ayaw mong pakasalan ang kapatid ko? Well, tingnan natin ngayon ang tapang mo," at ngumisi ito sa boyfriend ko bago ako tinulak dalawa nitong kasama na nakangising parang manyakis sa tabi. Hinuli nila ang mga kamay ko. Tig-isa sila. Hinila nila ako patungo sa naghihintay na kotse. Nang makita yon ni Ryu, nagwala siya kung kaya pinistol-whip siya ng isa sa mga tauhan. Lumaban pa rin ito. Natigil lang nang tatlong lalaki na ang tumutok sa kanya ng armalite. Nakita kong sinipa ng kuya ni Aya ang nakahandusay na si Ryu. Sumigaw ako sa loob ng kotse. Sinampal naman ako ng panget kogn katabi.

YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon