First Upload: August 7, 2014
Copyright (c) Gretisbored2014
HAPPY 10K Yuuki no Hana Book 2!
************************************
PROLOGUE
Halos lakad-takbo na ang ginawa ko para lang umabot sa oras ng pagkikita namin ni Ryu. Tatlong buwan ding di ko siya nasilayan kaya sobra akong excited na makita siyang muli. Halos liparin ko na ang Yodobashi Camera. Nakakaasar lang. Naabutan pa ako ng red light. Dapat sa basement ako dumaan e.
Pagdating ko sa Yodobashi Camera tinangka ko pa sanang mag-elevator pero sobrang tagal at marami na ang naghihintay kaya tumakbo na lang ako sa escalator. Ang hirap nito dahil nasa seventh floor pa ang mga kainan. Tiningnan ko ang wristwatch ko. Nakupo! Fifteen minutes late na ako. Tiyak naiinis na si Ryu. Ang on time kasi sa kanila ten minutes early.
Parang it took me forever para umabot sa 8th floor. Na-disorient pa ako pagdating ko dun. Hindi ko alam kung nasan banda na ang Cappriciosa. Palinga-linga muna ako. Sinubukan kong tumakbo sa right side ko. Pero umabot na ako sa dulo, hindi ko nakita ang nasabing restaurant. Bumalik ako sa pinanggalingan ko at tiningnan ang directory na nasa monitor sa harap ng elevator. Nasa opposite direction pala ako pumunta.
Nang sa wakas nakita ko ang hinahanap, napakunot-noo naman ako sa dami ng tao. Parang may kaguluhan yatang naganap. Hawak-hawak ng isang mama ang pumutok nitong labi habang dinuduru-duro siya ng isang pamilyar na lalaki. Kahit nakatalikod ito, nakilala ko agad. Si Ryu!
Mayamaya pa, may dumating na mga guwardya. Pero hindi natinag si Ryu. Hindi ko siya maintindihan dahil sobrang bilis ng pagsasalita niya at nag-o-Osaka ben pa siya. Mukhang galit na galit siya sa mama. Nang susuntukin na naman sana niya ang may edad na lalaki, saka lang ako lumapit sa kanya at pinigilan ko ang kamay niya.
"Ryu!" sigaw ko. Hindi natuloy ang pagsuntok niya sa mama. "What's wrong?" tanong ko.
Hindi siya sumagot pero nagtatagis ang bagang niya kaya alam ko kung gaano siya ka galit. Nakialam ang mga guwardya at sinabing dapat pagbayaran ni Ryu ang mga na-damage niya sa restaurant. Binulyawan lang sila nito.
Napatingin ako sa loob ng resturant. May mga kumakalat na broken plates at glasses sa loob. May mga nasira ding upuan.
"Ako na ang magbabayad," malumanay na sagot ng nakaaway ni Ryu.
"Sir, hindi naman po kayo ang may kasalanan," sabad ng manager ng restaurant.
"Ano ba'ng nangyari?" malumanay ko namang tanong sa boyfriend ko. Hindi siya sumagot. Sa halip, hinila niya ako paalis sa lugar na yon.
Pinigilan pa sana kami ng guwardya. Tinulak niya ang mga ito maging ang manager na humarang sa daan. Siya kasi ang pinapabayad talaga ng mga nasira sa loob. Natakot tuloy ako.
"Hayaan nyo siya," narinig naming sabi ng nakaaway ni Ryu.
Umatras na nga ang tatlo lalo pa't nakita nilang walang balak na magpapigil si Ryu. Katunayan, susuntukin na sana niya ang guwardya na humaharang sa daraanan namin.
Halos lakad-takbo na rin ang ginawa namin. "Ano ba'ng nangyari at nanuntok ka na lang dun bigla?" tanong ko uli.
"Wala," paasik na sagot nito sa akin. Nakahawak pa rin sa kamay ko.
"Anong wala? Ba't magkagulo dun kung wala lang?" hirit ko pa.
Hindi siya sumagot. Walang siyang imik hanggang sa parking lot.
Ano na naman ang nangyayari sa kumag na to?
Kahit nang makapasok kami sa loob ng kotse, wala pa ring imik si Ryu. Napahawak lang ito nang mahigpit sa manibela at nakita ko na lang ang pagdaloy ng mga luha niya sa pisngi. Nataranta ako. Umisod ako palapit sa kanya at niyakap ko siya.
A/N: Magparamdam naman kayo dyan para ganahan ako mag-update palagi :)
BINABASA MO ANG
YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Novela JuvenilAkala ni Mara dahil nawala na si Minami at Keisuke sa buhay nila ni Ryu, mapapanatag na ang kanyang kalooban. Pero mas masahol pa pala ang kasasadlakan niya sa pagdating ni Aya Sugawara, ang babaeng ninanais ng kanyang Otōsan na mapangasawa ni Ryu...