Sumama akong mag-banana boat ride kay Ryu at umikot sa mga karatig isla ng Bora nang umagang yon. Sinulit namin ang nalalabi niyang oras sa Pilipinas. Nang mapagod ay nagpasya kaming maglakad-lakad uli sa dalampasigan nang magkahawak-kamay. Pero dahil sa tawag ng kalikasan, sandali ko siyang iniwan sa beach area at nagtungo sa pinakamalapit na restawran para makigamit ng CR nila. Hindi na ako bumalik ng hotel dahil baka magkasalubong pa kami ni Mama at magpasama itong mag-shopping. Pagbalik ko sa pinag-iwanan ko kay Ryu, may kausap na ito. Yong starlet ng nagdaang gabi. Kahit sa malayo, nahalata ko ang pakikipaglandi niya sa boyfriend ko. Uminit kaagad ang ulo ko, lalung-lalo pa't nakikitawa rin sa kanya si Ryu. Lumapit ako sa kanila.
"Ikou ka? (Tara na?)" at ikinawit ko ang braso sa braso niya. Hindi ko pinansin ang girl. From the corner of my eye, nakita ko itong sumulyap sa akin. Nagtataka siguro kung sino ako.
"Ryu, aren't you going to watch our shooting? We may need an extra actor for the coast guard's role. You're just what we need," at pinadaan pa nito ang hintuturo sa exposed na bahagi ng dibdib ni Ryu. Naka-grey t-shirt kasi ito na medyo mababa ang ukab. Parang wala lang ako dun nang magsalita ito sa boyfriend ko. Sumulak ang dugo sa ulo ko pero nagpigil ako.
"Uhm," at tumingin si Ryu sa akin. Napakamot ito sa ulo nang makitang nag-umpisa na namang maningkit ang mga mata ko. "Thanks, I'm flattered but --------"
"C'mon. It will only be for a few minutes of your time," pamimilit ng starlet. Gusto ko na siyang hambalusin. Ang sarap hilahin ng tali ng bikini niya. Pero sa isang banda, naisip ko rin na baka madistract naman si Ryu kapag na-exposed ang perlas ng loka. Ibayong pagpipigil ang ginawa ko.
Tumingin uli si Ryu sa akin, tapos sa babae. "I'm sorry. I can't."
"Oh. You just broke my heart," at nilagay pa ng babae ang palad sa kaliwang bahagi ng dibdib at maarteng sinabi yon with matching pout. Gustung-gusto ko na siyang kurutin sa singit sa kaartehan niya. Nanggigigil na akong talaga. Lalo pa't she acted like I'm invisible.
"Halika na Ryu!" matigas kong sabi at hinila na ang kamay niya. Nagpahila naman ito sa akin pero nagbabay pa muna sa babae. Sa inis, tinulak ko siya. Natawa lang ang loko.
"Ang dali mo namang magselos. I was just kind to her because she's a Filipina, too. Like you. Kung Haponesa siya di kanina ko pa binara yon."
Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Halos nawala na ang mga mata nito sa katatawa sa akin. Habang pinagmamasdan ko siya, dahan-dahang natunaw ang galit ko. May kung anong humaplos sa puso ko dahil sa nakikita ko na naman siyang tumatawa. Kanina lang kasi'y matagal siyang umiyak sa balikat ko.
Nagseryoso ito nang makitang nagbago ang ekspresyon sa mukha ko. Inakbayan niya ako at hinalikan sa buhok.
"I'll miss you. I hope bumalik kayo agad ng mama mo sa Osaka."
"Sasabihan ko siya later," sabi ko naman at ikinawit ang braso sa bewang niya.
Sabay na kaming nananghalian. Pinili namin ang restawran na malayo sa hotel para siguradong hindi namin makakasalubong si Mama. Yon na ang una at huli naming pagsasalo sa pagkain sa Bora kung kaya medyo nalungkot na naman ako. Hinawakan niya ang baba ko.
"C'mon. Don't be sad," sabi nito sa akin.
Napabuntong-hininga ako. "Natatakot lang ako sa maaaring mangyari. In a span of a few months, ang laki ng pinagbago ng buhay natin. Parang kelan lang, ang problema ko'y ang kasupladuhan mo lang. Ngayon, iba na. Lumevel up na. I'm a little scared for you. A lot of people do bad things for a small amount of money --- how much more yong sa yo."
BINABASA MO ANG
YUUKI NO HANA BOOK 2 (FLOWER OF COURAGE - COMPLETED)
Fiksi RemajaAkala ni Mara dahil nawala na si Minami at Keisuke sa buhay nila ni Ryu, mapapanatag na ang kanyang kalooban. Pero mas masahol pa pala ang kasasadlakan niya sa pagdating ni Aya Sugawara, ang babaeng ninanais ng kanyang Otōsan na mapangasawa ni Ryu...